Chapter 9

36.7K 1.4K 113
                                    

Tumutulo na ang pawis sa noo ko habang nagmamadaling magsulat ng sagot sa biglaang quiz namin. Last subject na at limang minuto na lamang ay dismissal na. Nasa pang huling katanungan na ako pero ewan ko ba't para akong mababaliw. Nate-tense ako. At alam kong hindi dahil iyon sa quiz na ito.

"Time's up! Pass all your papers!" Maarteng sabi ng batang guro namin sa English. Tinuldukan ko na ang sagot ko at ipinasa iyon sa harap.

"Paki abot, Abi." Suyo ko sa mataray kong classmate. Inirapan niya pa ako bago kinuha at inabot sa harap ang papel ko. Tss.

Nagsitayuan na kami ng lumabas na si Ms. Shelly. Ipinasok ko na sa loob ng bag ang mga nailabas kong notebook at libro pagkatapos ay sinuklay ang humahaba kong buhok gamit ang mga daliri. Napatingin ako sa katabi kong si Shai na nananalamin sa maliit niyang salamin na kulay pink.

"Shai, pahiram saglit." Sabi ko. Nagtatanong ang mga mata niya ngunit pinahiram niya pa rin ako. Nagtataka siguro.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. May konting pawis sa noo ko dahilan upang magsidikitan ang mga baby hair ko saking noo. Namumula ang pisngi ko dahil sa init. Iisa lang kasi ang bintilador namin dito.

"Oh? Ba't parang ang conscious mo naman ata ngayon sa itsura mo, Dwayne?" Biglang sabi ni Shai.

"H-ha? Di ah. Tiningnan ko lang." Sabay sauli ko sakaniya ng salamin niya. Umismid naman siya at nagtaas ng kilay.

"Asuss! Baka naman may pinapagandahan ka diyan. Sino, si Axel ba?" Tanong niya, tinutukoy ang classmate naming pogi ngunit basagulero.

"Naku, hindi no! Ang brutal kaya non." Umiling ako at sinuot na ang Barbie kong bag. Tumayo na rin si Shai at nagsuot ng kaniyang bag.

"Pero pansin ko ah? Bully iyon sa lahat, pero never ko pang nakita na binully o inasar ka niya!" Nag-niningning ang mga matang sabi ni Shai. Napangiwi ako.

"Hindi pa ngayon! Hintayin mo't makikita rin ako niyan at ako naman ang pagtritripan non!" Sabi ko. At hinila ko na siya palabas. Madaming estudyanteng naglalakad na palabas ng paaralan. Hindi gaanong mataas ang sikat ng araw ngayon.

"Pero feel ko talaga may gusto iyon sayo! I mean, mukha ka kayang babae. Akala ko nga nung first day, tomboy ka!" Humagikhik pa siya sabay padyak ng paa.

"Binola mo pa 'ko!" Iling ko at tawa na rin. Napawi ang ngiti ko ng makitang parang may kumusyon don sa may gate. Maraming nakapalibot. Kadalasan mga babae. Bigla naman akong kinutuban at kinabahan.

"Uy ano iyon?" Umandar ang pagka-chismosa ni Shai at hinila ako palapit dun. Pilit kong inaagaw ang braso ko pero nagpumilit pa rin siya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga babae. At karamihan pa sa mga babaeng iyon ay mga Grade 6! Tinitilian nila ang nakasimangot na si Rocco. Para akong nanlamig sa nakita. Tinotoo niya!

"Jusko po! Si Rocco del Francia, iyan ah?" Nanlalaki ang mga mata ni Shai. Hindi ako nakagalaw habang siya naman ay parang uod sa kakagalaw sa tabi ko.

"Bakit iyan nandito? Anong ginagawa ng isang mayamang tulad niya dito?" Maang na tanong ni Shai. Ewan ko kung ako ba ang kinakausap niya o ang sarili niya na.

"Wala man lang dalang bodyguards!"

Hinila ko na palayo si Shai. Kailangan na naming umalis. Kinakabahan ako. Hindi ako makapaniwala. Akala ko nagloloko lang siya! Hindi maaari ito.

"Halika na Shai! Dun tayo sa kabilang gate." Sabi ko at nagmamadaling humakbang paatras. Ngunit pinigilan niya ako.

"Ha? Dito na lang. May pogi oh!" Aniya. Nakatingin pa rin kay Rocco. Hindi ako lumingon doon dahil takot akong makita niya.

"Maraming nakaharang! Dun na tayo. Please." Nagmamakaawa na ako pero umiling lang siya.

"Ayoko, Dwayne!" Sigaw niya. Sigurado akong malakas ang boses niya dahil nang aksidente akong napasulyap sa banda ni Rocco, nakatingin na siya samin. Kumunot ang noo niya at iniwan ang mga babaeng kumakausap sakaniya. Wala na. Patay na.

"Tingnan mo!" Bulyaw kong pabulong kay Shai.

"Ha? Ano bang– oh my god! Papunta siya rito." Sabi niya nakatingin sa harap namin habang akoy nakaharap lang sakaniya. Ayokong humarap dun.

"Dwayne." Mariing tawag ni Rocco nang malapit na siya samin. Kitang kita ko ang pag-awang ng bibig ni Shai sa harap ko. Napapikit ako at nanghihinang humarap kay Rocco na nakalapit na ng tuluyan samin.

"R-rocco..." Hindi ako makatingin sakaniya. Ano bang nangyayari sakin. Hindi pwedeng ganito.

"Where are you going?" Tanong niya. Nakita kong sumulyap siya kay Shai at binalik rin ang tingin sakin. Malalim ang gitla sa noo.

"A-ah... Uuwi na sana." Sabi ko at sumulyap rin kay Shai. Namumula ang bruha at sobrang higpit na naka-kapit sa braso ko.

"What? Diba may usapan tayo?" Naririnig ko na ang inis sa boses niya. Ayan na. Jusko. Siguro, sasama na lang ako sakaniya.

Hinawakan ko ang kamay ni Shai na nakakapit sa braso ko at nahihiyang ngumiti sakaniya.

"Shai... Pwede bang, di muna tayo magsabay pauwi? May... Uhm... Lakad kasi ako." Sabi ko. Hindi ko nga alam kung lakad ba itong pupuntahan ko o utos ng amo kong suplado.

Parang timang namang napatango-tango si Shai, parang wala sa sarili.

"Okey lang, Dwayne...." At tumalikod na. Pinanood ko siyang naglalakad na lutang. Gusto kong matawa ngunit nangingibabaw ang kaba ko dahil alam kong nasa tabi ko lang ang senyoritong bugnutin.

Humarap na rin ako kay Rocco at naabutan na naman siyang nakasimangot.

"May plano kang takasan ako no?" Matapang na sabi niya. Kumabog ang dibdib ko at umiling agad.

"H-hindi ah! Akala ko kasi..."

"Akala mo ano? Di ko totohanin? Tsk." Inis siyang napailing at nagsimula nang maglakad. Tamad na nakasabit sa kaniyang isang balikat ang kaniyang mamahaling bag. At parang hari na naglalakad. Nang maramdamang hindi ako sumunod ay lumingon siya sakin. Galit na ang mukha.

"Isa..." Banta niya. Agad naman akong napasunod at tumabi sakaniya. Kainis! Kung maka banta akala mo naman bata ako.

Sabay kaming lumabas ng paaralan ko. Pinagtitingan kami–o siya. Iba kasi ang uniporme niya. Halatang galing sa pribadong eskwelahan.

Kumunot ang noo ko ng mapansing walang nag-aantay na kotse sakaniya. Napatingala ako sakaniya.

"San sundo mo?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman siya.

"Wala. Magco-commute tayo." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko. Siya? Magco-commute? Wow ha.

"San ba kasi tayo, Rocco?" Tanong ko na. Para naman siyang natigilan sa sinabi ko. Tumitig siya sakin ng ilang segundo at kinagat ang labi. Nagpipigil ba siya ng ngumiti? Anong nakakatawa? Baliw.

"Sa Mall. Diba nga ibibili kita ng gusto mo? Ano nga palang gusto mo?" Kuryusong tanong niya at napalabi. Umiwas ako ng tingin. Cute rin pala siya minsan.

"Mall? Eh malayo iyon tsaka mahal. Sa tiangge na lang." Sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Tiangge? What?"

Napangisi ako. Naku! Sarap kurutin eh.

"Basta! Halika dun tayo sasakay." Sabay turo ko sa mga nakaparadang tricycle. Napanganga naman siya. Aangal na sana siya nang...

"Oh! Wag aarte." Ngumisi ako habang bumusangot naman siya.

Naglalakad kami papuntang tricycle ng bigla akong may maalala. Pagkakaalam ko, whole day ang klase nila. Kaya may klase pa siya pagkatapos ng lunch! Hindi niya naman siguro ginawa o baka...

"Rocco. Nag cutting ka ba?" Tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin at yumuko. Kinamot ang kilay. Ayan! Nabuko na.

"Rocco!"

"Damn. Wala iyon. Sige na. Halika na." Nakayukong aniya at hinigit ako. Hinila ko pabalik ang kamay ko.

"Bakit mo ginawa iyon?" Nanghihina ako. Di lang pala siya suplado. Loko-loko rin.

"Dwayne, come on! Pinaghandaan ko ito. Wag mo naman sayangin, please..." Tila nagmamakaawang sabi niya.

The Jerk and the Transgender (Hot Trans Series #1)Where stories live. Discover now