Its time to let go...

13 2 0
                                    

Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili bago tuluyang bumaba sa sala. May kailangan akong puntahan ngayon kaya naman todo-todo ang pagmamadali ko.

"Cedric!" Agad namang napadako ang aking pansin sa taong tumawag sa akin. Nakaupo siya sa kulay abong sofa habang nanonood sa TV.

"Yes, mom?" Habang lumalapit ako sa kan'ya ay siya ring pag-ayos ko sa damit na suot ko. Inayos ko rin ang ang buhok kong medyo bagsak hanggang sa tuluyan akong nakalapit kay mom.

"Walang ka bang nakalimutan? Nasaan ang mga ibibigay mo?" Nag-aalalang tanong ni mom bago tumayo at lumapit sa akin. Napansin niya namang hindi nakaayos ang kwelyo ng polo ko. "Ikaw naman, Cedric. Kailangan pa bang ayusin ang kwelyo ng damit mo?" Mahinahong wika nito bago inayos ang kwelyo ng suot ko.

"Nakalimutan ko lang po, mom." Matawa-tawang sabi ko at nagpaalam na sa kan'ya. Habang nakasakay ako sa kotse na iminamaneho ng driver namin, napansin ko ang tindahan nang matatamis na prutas. Eksakto naman dahil ito ang paborito niya.

"Manong, stop the car here," Utos ko. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbagal ng sasakyan na lulan namin. Kung iisipin ay para akong manliligaw dahil sa ikinikilos ko, ngunit hindi naman. May kaibigan lang akong dapat bisitahin at ang pangalan nito'y Serendipity.

Nang makarating ako sa aking paroroonan. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng security guard. Lumapit ako sa babaeng naka-assign sa harap ng monitor at sabay tanong, "nasaan po ang room ni Serendipity Salazar?" Tinype naman ng babae ang pangalan ni Serene bago muling lumingon sa akin.

"Room #207, sir"

"Thank you." Dala-dala ang basket of fruits. Mabilis akong nagtungo sa second floor upang puntahan ang k'warto niya.

Nang makarating ako sa harap ng kwarto niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pinagbuksan ng babaeng may katangkaran. Namamayat na ito at namumugto ang mga mata dulot ng pag-iyak buong gabi. Ito ang kan'yang ina.

"Narito ka ba Cedric upang dalawin ang aking anak?" Mabagal at mahinang tanong nito. Tumango na lang ako bilang pagtugon. Maya-maya'y binuksan niya ng malakihan ang pinto kaya naman pumasok ako.

Inilagay ko ang basket of fruits sa side table at pinagmasdan ang babaeng nakahiga sa kulay puting kama. Nakasuot ito nang manipis na hospital gown at maraming aparato ang nakadikit sa kan'ya.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mapatitig sa maamo at maputla niyang mukha. Its been a month since the last time I talk to her.

"Hindi pa alam ng Doctor kung kailan siya magigising." Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Nakaupo siya sa tabi ni Tita Selena.

Kuya ni Serene... Si kuya Selwin...

"Kumain po muna kayo, Tita at kuya Sel. Magpahinga na rin po kayo at ako na po muna ang bahalang magbantay kay Serene." Suhestiyon ko. Magrereklamo na sana si Tita nang sabihin ni Kuya Sel na pagod ito maghapon at hindi na nagawa pang matulog. Di kalauna'y nagpaalam na sila.


Mag-gagabi na nang makauwi ako sa bahay. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na baka bukas o sa makalawa... Gising na siya. Pagkarating ko kanina ay agad akong nagtungo sa aking k'warto. Bagsak ang katawan kong napahiga sa kama at hindi na nag-abala pang maglinis ng katawan dahil sa pagod.

***

Kinaumagahan. Pagkababa ko sa hagdan ay nakarinig ako ng mga boses. Nag-uusap ito kung kaya naman ay nilapitan ko.

Pagkarating ko sa pinagmumulan ng boses. Napansin ko ang tatlong taong nakaharap kila Mom and Dad. Sa gitna nakaupo ang babaeng may long braided hair na kulay itim na itim.

Nang mapalingon siya sa gawi ko. Nagulat ako sa mukha ng babae.

"Magandang umaga, Ced!" Hindi agad ako nakapagsalita sa gulat. Akala ko hindi pa siya nagigising. Ngunit akala ko lang pala. Sa wakas! Natupad na rin ang hiniling ko sa panginoon, iyon nga ay ang magising siya.

Nagbalik lang ako sa realidad ng tapikin niya ang pisngi ko. Masasabi kong hindi ito panaginip dahil sa naramdaman ko. "Tara sa Tambayan!" Pag-aaya niya sa akin. Pagkahatak niya sa akin ay nagmaneho ako papuntang tambayan. Hindi ko na hinintay ang driver namin dahil may pinapuntahan sa kan'ya si Dad.

Habang nasa Tambayan kami, napahiga ako sa bermudang tumatakip sa lupa. Natatakpan ng dahon ng mangga ang sinag ng araw kung kaya naman hindi mainit ang aking hinigaan.

"Limang buwan na pala ang nakalipas matapos ang aksidenteng iyon." Panimula nito. "Hindi ko alam na dahil---"

"Hindi ko alam na dahil sa akin, masisira ang plano. Planong kay tagal nating pinag-isipan kasama ang iba pa nating kaibigan. Ngunit dahil sa katangahan ko nasira ko ito sa loob ng ilang segundo." Hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari. Sana hindi na lang kami nagplano! Sana hindi mangyayari ang aksidenteng iyon!

"Ced," mangiyak-nginak na wika ni Serene. Sa tono niya pa lang halata nang pinipigilan niya akong muling iungkat ang mga pangyayaring iyon ngunit hindi ko ito pinansin.

"Sana hindi na lang ako yung nagdrive! Siguro hindi tayo nahulog sa bangin! Siguro hindi ako kamumuhian nila Princess, Anne, Dave, Aries at Harvey.Kasalanan ko ang lahat---"

"Mahal kita, Cedric." Napahinto ako sa aking narinig. Totoo ba? Totoo ba ang narinig ko?

"Mahal mo... Ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Napatango siya at labis akong natuwa. "Pero Serene... Hindi kita mahal. Dahil mahal na mahal na mahal kita."

"Cedric, matulog ka muna." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit ako matutulog? Pero di kalauna'y nakaramdam ako ng pagkaantok. Ay bago pa man pumikit ang aking mga mata narinig ko siya nagsalita, "because its time to let go. I love you..."


Nagising na lang ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Kinuha ko ang cellphone mula sa aking Shorts at hindi na nag-abala pang buksan ang aking mga mata. "Hello?" Tanong ko sa kanilang linya.

"Cedric..." Umiiyak ang babaeng nagsasalita sa kabilang linya. Nagtataka naman ako. "Serene is... Serene is... Dead." Halos malaglag ko ang hawak kong cellphone sa pagkabigla.

Binuksan ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang kulay mint na kuwarto. K'warto ko ito.

Bumaba ako at pinuntahan si Mom sa may sala. Sinabi ko sa kan'ya na patay na si Serene. sinabi ko rin na kinausap niya kanina si Serene pero sabi niya hindi pa raw niya nakakausap ito.

Tama nga, isang paniginip ang lahat dahil...

... Patay na siya.

~wakas

Compilation Of My Written Works Where stories live. Discover now