ANG SURPRESA!

66 10 3
                                    

Gumising ako ng umaga, as expected! Malelate na ako. Oops i mean, LATE NA AKO! Dali dali akong Naligo at bumaba. kumuha Ako ng Tinapay sa Lamesa para baunin na lang. Hindi ko alam pero wala na akong gana pa.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa paaralan, nang makakita ako ng Ambulansya na patungo sa direksyon ng aming tahanan. Bumilis ang tibok ng Puso ko na para bang gusto ng Sumabog. kinakabahan ako, may masama akong kutob. Tila'y may nangyayaring masama. pero di ko na lamang iyon inisip siguro'y napadaan lamang ito.

Ilang oras na ang Lumipas at Natapos na din ang aming klase,  kaya naman napagpasyahan ko ng Umuwi. Nakita ko ang kaibigan ko na umiiyak habang naglalakad patungo sa Direksyon ng aming Bahay, madaya sila ni hindi man lang nila ako hinintay. Pero bakit siya umiiyak? kaya naman tinanong ko siya "Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Siguro nag-away sila ng Boyfriend nya, ano naman ang pinag-awayan nila? Mabait silang dalawa kaya hindi pwedeng mag-away sila. baka naman Family Problem? Pero parang may mali eh, bakit nga ba siya umiiyak? "anong Problema?"  Pagtatanong ko ulit. Ngunit hindi siya kumibo, ngayon ko lang napansin na may nakasalpak pala sa kanyang Tainga.

Nang matanaw ko na ang bahay namin ay napansin ko na medyo madaming tao, anong meron? Wala naman akong matandaan na okasyon na ipagdiriwang ng pamilya namin ngayong araw. Siguro may surpresa sila sa akin? Sabi kasi ni mama kahapon, may surpresa daw sila sa akin dahil Tumataas daw ang mga Grades ko. Nandito ang mga kamag-anak namin, meron ding Mga School mate ko. Pero bakit sila umiiyak? siguro sa bawat patak ng luha nila ay puno ng saya.

Dali-Dali akong pumasok sa loob. Akala ko isang malakas at napakasiglang "Surprise!" ang maririnig ko mula sa kanila ngunit nagkamali ako. Isang Kulay Puting Kabaong ang bumungad sa akin. Ang akala kong Luha na puno ng saya ay Luha pala ng Pagdurusa. Bigla akong nanginig Nasaan siya? hinanap ko si mama subalit si Tita lamang ang aking nakita.

Ngayon ko lang naalala na may sakit pala si Mama. "Mama, bakit mo ako iniwan?" Ang tanging salita na naiusal ko "Bakit mo ako iniwan? Bakit?" tanong ko sa sarili ko. Dahan dahan akong lumapit sa Kabaong na nasa harapan at Unti-unti ko itong sinilip.

Muntik na akong matumba at mapasigaw sa aking kinatatayuan ko ng mapagtanto ko kung sino iyon. pinagmasdan ko ng mabuti ang maamong mukha nito. Maputla man ngunit mababakas pa ang kagandahan sa kanyang mukha. Kinusot ko ang mata ko at tinignan itong muli. Sa pagkakataong ito hindi na ako nagkakamali sa aking nakita.

Bakit ako ang Taong nakahiga roon...

Compilation Of My Written Works Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon