Makasama ka kahit bukas lang

34 3 2
                                    

"Makasama ka kahit bukas lang"
Isinulat ni ArvilAizing27

***

Sampung taon na ang nakalipas. Pareho tayong naghahanap ng ating silid-aralan para sa ikaunang araw ng klase. Maaga akong pumasok noon upang hindi na maabutan ng mga nagdaragsaang estudyante na maghahanap din ng kanilang k'warto. Habang tinitingnan ko ang papel na nakapaskil sa bulletin board, lumapit ka sa akin at sabay sabing...

"Hello, miss. Anong pangalan mo?" Nang mapatitig ako sa maamo mong mukha. Tila ba'y huminto ang oras ko at kumabog ang aking dibdib na animo'y gusto nang kumawala. Hindi naman ako tumakbo o napagod ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Nag-malfunction na kaya ang puso ko? "I'm Paulo, how about you?" Nakangiting pagpapakilala mo at kasabay no'n ang paglahad sa harap ko ng iyong kamay.

"S-sofia." Nahihiya kong tugon at nag-aalangang abutin ang kamay mo. Nang magdampi ang mga palad natin. Para bang ilang libong boltahe ang dumaloy sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito sa'yo. Love at first sight? Maybe. Pero hindi naman ako naniniwala roon.

"Tara na sa room natin?" Magtatanong na sana ako sa'yo kung bakit mo nalaman na magkaklase tayo nang kunin mo ang kamay ko at sabay tayong naglakad patungo sa ating silid.

Lumipas ang ilang linggo. Simula noon ay naging magkaibigan tayo. Iyong iba nga'y inaakalang magkasintahan tayo, kahit hindi naman. Dahil na rin siguro sa lagi tayong magkasama ay iyon ang naging tingin nila sa atin.

Dumating ang araw na may naglakas loob na manligaw sa akin, si Ezekiel. Si Ezekiel ang pinagkakatiwalaang kaibigan mo sa lahat. Kasa-kasama mo siya sa tuwing may training kayo ng basketball. Samantalang ako nama'y siyang taga-cheer sa'yo kahit malatin na ako.

Inaya niya akong makipag-date sa kan'ya kahit ilang oras lang. Papayag na sana ako nang mapatingin ako sa isang gilid. Naroroon ka. Nakatago at animo'y pinakikinggan ang aming pinag-uusapan. Lalapitan na sana kita nang maglakad ka palayo at parang wala lang ang iyong mga narinig.

Hindi ko alam kung bakit sa bawat paghakbang mo'y katumbas ng ilang daang karayom na tumutusok sa puso ko. Masakit. Iyan ang alam kong nararamdaman ko. Hindi ko man lang napansin na umiiyak na ako. Napatakbo ako sa ibang direksyon. Ngunit sa aking pagtakbo'y napahinto ako dahil nakita kita.

Nilapitan mo ako at napansin kong pulang-pula ka sa galit. Tila ba isa kang bulkan na malapit nang sumabog at kailangan munang iwasan. Sinigawan mo ako ng paulit-ulit at binato ng mga masasakit na salita. Impit akong napaiyak dahil sa mga sinabi mo at ngayon ko lang nalaman na... may sama ka ng loob sa matalik mong kaibigan.

Maya-maya'y naramdaman ko na lang ang pagyakap mo sa akin at pagtulo ng mainit na likido mula sa iyong mga mata. Hindi ko alam na iyon ang una at huling beses na makikita kitang umiyak. "Huwag kang papayag sa alok niya, please lang." Gusto ko sanang bigyan ng kahulugan ang sinabi mo ngunit paaasahin ko lang ang sarili ko.

Lumipas pa ang ilang buwan. Nagbago ka na. Naging abala ka na sa pagsasanay ng basketball at tila kinalimutan mo na ako. Kinalimutan mo na ako sa buhay mo! Wala ka ng oras para samahan ako sa library dahil sabi mo may internet naman, hindi mo na ako masyadong kinakausap, at kung magkasalubong tayo ay parang hindi man lang tayo nagkakilala.

Nag-iba ka na, eh. Hindi na ikaw ang taong nakilala ko noon at mukhang kahit kailanman ay hindi ka na babalik sa dating ikaw. Ngunit nagkamali ako... Nagkamali ako, sa pag-aakalang hindi mo na ako kauusapin pa! Oo, doon ako nagkamali ngunit sa iyong pagbabalik. kasama mo siya, kasama mo ang kaibigan ko at sinabi mong 'kayo' na. Masaya ako para inyo, sobrang saya.

Ilang araw lang ang lumipas. Lumapit kang muli sa akin at sinabing isang malaking biro lang ang lahat. Hindi totoo na naging kayo at sinabi mong kailanman ay hindi magiging kayo dahil may isang tao ka talagang hinihintay.

Sa paglipas ng panahon. Dumating na ang araw na pinakahihintay natin. Ang graduation. Lumapit ka sa akin noon at sabay pinisil ng madiin ang kamay ko. Iyong tipong parang ayaw mo akong makawala sa pagkakahawak mo. May ibinulong ka sa akin na kahit kailanma'y hindi ko inaasahang marinig mula sayo, "Congrats. Magkita tayo sa tambayan. Sana'y makasama kita kahit bukas lang." Hindi ko alam na makikipagkita ka sa akin, isang araw pagkatapos ng ating graduation.

Gaya nang napag-usapan. Nagkita tayo sa parke. Ang lugar kung saan una kitang nakitang umiyak. Sa pagdating mo roo'y dala-dala mo ang pinakamagandang balita. Mali! Pinakamasamang balita na narinig ko. Hindi ko akalain na sa edad mo palang na iyan ay magkakaroon ka na ng asawa dahil sa napagkasunduan ng mga magulang ninyo. Nanlumo ako sa sobrang pagkabigla at hindi ko matanggap ang bawat pangyayari. Paulit-ulit mong sinasabing ikakasal ka na sa kaklase nating si Annaleah. Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako? Pinapatahan mo ako at imbis na huminto ay mas lalo lang akong naiyak.

Dumating ang araw ng inyong kasal. Kagaya ng aking inaasahan, suot ni Annaleah ang napakagandang trahe de boda. Sa suot niyo pa lang ay mukhang galing na kayong dalawa sa mayamang angkan. Bawat panunumpang binibigkas mo ay parang kutsilyong unti-unting tumatarak sa puso ko. Nang ianunsyo na ng pari na kasal na kayo. Tumingin ka sa direksyon ko at sandaling nagtama ang ating mga mata, ako ang unang umiwas ngunit pagkatapos noo'y napangiti ako ng pilit. Gusto kong makita mo na masaya ako. Ayaw kong umiyak, sawa na ako. Hindi ba't ikaw ang nagsabi na ayaw mo akong makitang umiyak? Kaya gagawin ko... Para sa'yo.

Pagkatapos ng inyong kasal nilapitan mo ako. Hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo at maamo mong mukha. Ngunit hindi ka na mapapasaakin pa. Pagmamay-ari ka na niya. Niyakap mo ako ng mahigpit at sinabing, "Mag-iingat ka. Hayaan mo, makahahanap ka rin ng lalaking totoong magmamahal sa'yo." Gusto kong umiyak sa mga sinabi mo ngunit pinipigilan ko, kagaya nang ipinangako ko sa iyo. Ni minsan hindi ko na nagawang muling umibig pa dahil ikaw lang ang mananatili sa puso't isipan ko.

Lumipas ang araw, linggo, buwan at marami pang taon. Naririto ako ngayong muli sa harap mo. Kagaya ng dati, ikaw pa rin ang laman nitong puso ko. May lakas ng loob na ako para magtapat sa'yo. Ngunit huli na ang lahat. Wala na...

... Patay ka na.

Hindi inaasahang nabunggo ka ng truck matapos niyong mag-away ng asawa mo. Nakikipaghiwalay ka raw ng mga sandaling iyon dahil nalaman mo raw kasi ang mga panlolokong ginawa niya--- mali!--- panlolokong ginawa nila sa'yo. Narinig mo raw ang usapan nila na kaya ka lang naman ipinagkasundo sa asawa mo ngayon dahil nalulugi na ang kompanya n'yo.

Naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko ang mga sandaling iyon. Hindi ko matanggap na wala ka na. Sabi nila, noong una pa lang daw tayong magkita ay nagkagusto ka na sa akin. Sana noong una sinabi mo na sa akin kung anong nararamdaman mo ngunit pinanatili mo ang pagkakaibgan natin. Siguro'y kung nagtapat ka sa akin ay tayo pa rin ang magkasama hanggang ngayon. Siguro buhay ka pa at hindi mangyayari ang insidenteng iyon. Hindi ko man lang nasulit ang mga panahong magkasama tayo, ang mga panahong buhay ka pa. Hinihiling ko sa panginoon na sana'y makasama pa kita kahit sandali lamang.

~wakas.

Compilation Of My Written Works Onde histórias criam vida. Descubra agora