Lalaya Na

6 2 0
                                    

Dear Ex,

Kumusta? Ilang taon na rin pala ang nakalilipas nang matapos ang relasyon nating dalawa. Ilang taon na ba ulit ang itinagal? 3 years? Ang tagal pala.

Sandali! Bakit pa nga ba kita sinusulatan? Alam ko naman na babaliwalain mo lang ito katulad na lang ng pinagsamahan natin nang matagal. Pero sana kahit sa simpleng sulat na ito ay bigyan mo ako ng kaunting oras, sapagkat ito na ang huling sulat na maibibigay ko sa 'yo.

Sisimulan ko na. . .

Kung sakali man na nakahanap ka na ng iba, 'wag mo sanang kalilimutan na narito ako para suportahan ka. Hindi ko man naipahiwatig noon sa 'yo na mahal kita, ngayon sana'y maniwala ka. Mabuti na lang at masaya ang naging katapusan nating dalawa. Hindi katulad ng isusumpa mo ako, dahil ako'y iyong nakilala. Alam mo? Kasama ka pa rin sa panalangin ko, kahit ngayong alam nating dalawa na hindi na muling maibabalik ang nawawalang tayo. Muntik na akong mapaniwala sa salitang happily ever after, pero dumating tayo sa punto na it's already over.

Bakit ba kasi bumitiw ka? Oo nga pala at wala akong ibang magagawa. Mas pinili mo ang first love mo— ang pagiging isang chemical engineer. Kaysa sa tunay na nagmamahal sa 'yo. Sabi mo noon sabay tayong mangangarap nang magiging future natin. Sabi mo noon sabay nating aabutin ang mga kagustuhan natin. Sabi mo na lang 'yon noon. Kasabay nang pagwasak mo sa relasyon natin ay ang unti-unting pagkalas ng mga pirasong ating binuo at itinayo sa loob ng mahabang panahon.

Ang saya— may halong pait, ang mensaheng ito. Huwag mo sana munang itigil dahil hindi pa rito nagtatapos.

Noong panahon na tinapos mo ang lahat ay gusto kong ibalik. Subalit kahit anong pilit, kahit anong dikit ay hindi na muli pang maibabalik. Nagkulong ako sa kuwarto at hinayaang malunod sa luhang lumalabas sa mga mata ko. Hinayaan ko ang sarili ko na magdusa sa ginawa mo. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Kung iyon man ang magiging dahilan ng pagiging matagumpay at nang kasiyahan mo, walang pag-aalinlangan na ibibigay ko.

Pero ilang araw lang nang matapos ang lahat. Umusbong ang balita na ika'y muling magbabalik, sapagkat ikaw ay natauhan na kailangan mo ako. Pero ang ngiti ko nang mga sandaling iyon ay biglaang nawala. Bakit? Kailan pa? Akala ko sa akin ka babalik, mahal. Pero bakit ibang babae ang iyong binalikan?

Ang sakit! Ang sakit-sakit! Tila ba ilang libong karayom ang unti-unting bumabaon sa puso ko. Ginawa mo akong tanga! Binigyan mo ako ng sakit na kailanman ay hindi mapaparam! Para mo na rin akong pinagbangka sa natuyong lawa. Para mo na rin akong pinatalon sa mataas na gusali na walang parachute na aalalay sa akin.

Gusto kitang isumpa at ipamukha sa 'yo na ang tanga mo! Ang tanga mo para pakawalan ang taong katulad ko. Pwede naman tayong magtulungan para maabot ang pangarap natin, 'di ba? O siya nga pala, hindi pala ako ang kailangan mo, kundi siya.

Siya na mas kilala at mas maganda. Siya na mas angat at may maipagmamalaki. Siya na mas boto ang magulang mo. Anong laban ko? Isang hamak na babae lamang ako na lubusang nagmamahal sa 'yo.

Nais ko nang mabuhay sa katotohanan— katotohanan kung saan ikaw at ako ay wala naman talagang kahahantungan. At ang salitang tayo ay mabubura na sa aking isipan.

Bago pa matapos ang mensaheng ito, nais kong sabihin sa 'yo na hindi lang ikaw ang lalaya, kundi pati ako. Lalaya ako sa kulungang ginawa ng pagmamahal mo. Lalaya ako sa bangungot ng nakaraan na dinala mo. Lalaya ako sa pagkakatali sa 'yo at lilipad nang mas mataas kaysa sa inaakala mo. Ipapaubaya ko na ang noon para sa ikasasaya ko ngayon.

Dahil sa oras na magkita tayong muli. Malalaman mo ang bagsik ng unos at kidlat na sa paningin mo'y tatagos. Dahil ang pag-ibig ko sa iyo ay natapos.

Nagmamahal pero hindi ka na mahal,
Ang Ex mo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation Of My Written Works Where stories live. Discover now