Choose

2 1 0
                                    

Ynnas PoV,

Ayos lang kaya to si Axel?Pagdating niya kasi sa room,pagod na pagod siya tsaka takot na takot.May nangyari kaya sa pag-uusap nila ni sir?

  Bakit nga ba ako interesado?Kung ano man iyon,wala akong pake.Basta mag-aaral akoing mabuti para mabilhan ako ni mama ng manika.

"Lapitan mo na ang boyfriend mo Ynna,"sabi ni Cheska.Isa sa mga kaibigan ko.Tiningnan ko siya ng masama.

"Kebata-bata mo pa,ganyan na iniisip mo,"sabi ko sa kanya.

"Ikaw nga eh,ang bata mo pa parang kwarenta -anyos na ang isip mo,"sabi niya.Napairap nalang ako sa kanya.Kahit kailan baliw talaga.

" Sige na,tama na nga ang arte natin at lapitan mo na si Axel,mukha siyang di okay oh!"sabi ni Cheska kaya wala na akong nagawa kundi lapitan si Axel.

"Ayos ka lang?" tanong ko pero mukhang nagulat siya at halos mawalan na siya ng kulay sa sobrang takot.Mukha ba akong multo?

Maya-maya,bigla siyang bumalik sa sarili niya kaya bumalik ang kulay niya.

"Ynna,ikaw pala,"sabi niya.

Ano ba yun?Ang weirdo naman niya.

" Anong nangyari sayo?"tanong ko.

"Ipangako mo munang wala kang pagsasabihan okay?"sabi niya kaya napatango ako.

Ano ba to.Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni Axel.

"Si Sir,isa siyang ...scientist,gagawin niya tayong--" hindi na naituloy ni Axel ang sinasabi niya.Nakatingin lang siya sa ewan at bakas ang gulat at takot sa mata niya.

Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita ko si Sir na nakatingin samin at nakangisi.

Nagtayuan bigla ang aking balahibo.Nakakatakot ang hitsura ni Sir ngayon.

"Ynna Morgadez tama?" tawag ni sir sakin kaya napatingin silang lahat sa direksyon ko kaya dahan-dahan akong tumango.Napahawak naman si Axel sa braso ko dahilan para magulat ako at mapatingin sa kanya.

Natatakot siya.

Maging ako rin.

"Pwede ka bang sumama sakin?Inaantay ka ng mama mo sa labas eh," sabi ni Sir kaya dahan-dahan akong napatayo.Kahit natatakot,inalis ko ang kamay ni Axel tsaka lumapit kay sir.

"Good girl,tara na,"tanong niya kaya tumango ako at sabay kaming naglakad.

Hindi mapakali ang mata ko dahil hinahanap ko si mama.Minsan niya lang ako sunduin kaya baka may pasalubong siya sa akin.

Patuloy kami ni sir sa paglalakad hanggang sa marating namin ang masukal na gubat.

Nakakatakot.

Napakatahimik at tanging mga huni ng ibon at hangin lang ang maririnig sa paligid.Rinig din ang tunog ng mga tuyong dahon kapag natatapakan namin.

Nasaan ba si mama?

Akala ko ba susunduin niya ako?

Biglang tumigil si sir na ikinagulat ko.Napatigil rin ako tsaka napatingin sa kanya.

"Sa tingin ko sapat na rito," sabi ni sir sa hangin tsaka tumingin sakin.

"B-Bakit po?"kinakabahang tanong ko.

Napangisi si Sir sa akin tsaka inilabas ang isang injection na may napakahabang karayom.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Saglit lang ang sakit nito Ynna," sabi ni Sir at tatakbo sana ako ng hawakan ni sir ang braso ko.Wala na akong nagawa kundi umiyak,sumigaw at humingi ng tulong.

"Sir!!Wag po please!!Tulong!!" sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas kay sir.

"Ako nalang po sir!" napatigil ako at si sir ng may magsalita.

Si...

Axel...

"Huwag niyo na pong idamay si Ynna,pakiusap," kalmadong sabi ni Axel pero bakas ang takot sa mata niya.

Napailing ako bigla."Hindi Axel...pano ang pamilya mo?"sabi ko sa kanya.

Tumulo ang luha niya pero ngumiti parin siya."Pano ang pamilya mo Ynna?"balik niyang tanong sakin.

"Sige na po Sir,ako nalang," sabi ni Axel.

Nagulat kami pareho sa biglaang pagtawa ni Sir.

"Nakakatuwa kayong panoorin,pero kung yan ang gusto mo?" sabi ni Sir tsaka ibinagsak ako ng malakas sa lupa.Napasigaw nalang ako sa sakit habang tinitingnan si Sir na unti-unting lumalapit kay Axel.

"Hindi ko na gagamitin ito,tutal,kusa ka namang sasama hindi ba?" sabi pa ni sir tsaka itinago ang injection na gagamitin niya sana sa akin.

Nakikita ko ang takot at lungkot sa mata ni Axel pero pinili niyang tumango.

Nakakainis.Wala akong magawa.

"Tara na Axel,siguradong mamamangha ka sa makikita mo," sabi ni Sir tsaka umalis na silang dalawa.

Pinilit kong tumayo pero nahirapan at natagalan pa ako.

Axel...

Bakit mo ako niligtas?!

-----

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dealing With A Crazy ScientistWhere stories live. Discover now