Chapter 48: Blaze

2.5K 50 35
                                    

Rylai

May nakahawak sa kamay ko at may humahaplos rin sa pisngi ko nang magising ang isip ko mula sa isang mahimbing na tulog. Gusto kong imulat 'yong mga mata ko para makita kung sino ngunit gusto ko pang damhin ang sensasyong dala ng haplos niya. Isa pa, kilala ko narin naman siya.

"Thanks, bro. Thank you for taking care of her when I wasn't able to do so."

"You're not thank-you. You have to pay me for that."sagot naman ng isa pang lalaki na kilalang-kilala ko rin ang boses.

"What the hell—"

"I'm serious. You have to be fine... so you can pay me."

"Chicken."mayabang na sagot ni grumpy.

Sumilip ako sa kanilang dalawa. Nakangisi sila sa isa't isa. Magkaibigan talaga 'tong dalawang 'to. Kaya naman ang yabang-yabang eh, para silang bagyo at lindol na ipinagsama. Haha.

"Hey, baby."nakangiting tawag ni Blaze nang magkasalubong kami ng tingin.

"I love you."nasambit ko nalang.

The feeling was so overwhelming when he smiled so charmingly after I said my line.

"I love you penguin."he whispered back.

"Excuse me. Someone's still here."nakangising wika ni Ashton.

Tumayo ako't hinarap siya; hindi binitawan ni Blaze ang kamay ko kaya hindi ako nakalapit kay Ash.

"Hindi man lang kayo nag-iisip na may maiinggit. Tss."pahabol niyang nagpatawa sa'kin. "Yong seryoso Lalai, wala akong ibang gusto kundi ang maging masaya ka ulit na kasama ang kaibigan ko."wika niya matapos akong lapitan at hagkan sa noo.

"Dude. Wag mong samantalahin ang sitwasyon kong hindi kita masapak."singit ni Blaze na nagpangisi lang kay Ashton.

"Magpagaling ka kung ayaw mong agawan kita."pang-aasar niya kay grumpy sabay halik sa pisngi ko.

"I'm going to kill you Ashton."

Napangiti kaming pareho ni Ash nang marinig 'yon. Alam naman kasi naming pareho na hindi niya 'yon magagawa. Mahal na mahal nga niya ang kaibigan niyang 'yan eh. Kung sabagay, para na naman talaga silang tunay na magkakapatid  sa sobrang lapit at sa laki ng pagpapahalaga nila sa isa't isa.

"I'll grab something for us. Babalik ako agad."paalam ko sa kanila.

Tumango sila ng sabay at hinatid pa ako ng tingin. Nagmamadali naman akong pumunta sa floor-pantry ng hospital. Maybe, a coffee will do. While waiting for my order, my phone rang. Napakunot agad ako ng noo nang makita kung sino ang tumawag. Why would she call me after two months?

"Rylai? Nasa'n ka ngayon?"

"I'm at the —"

"Ry. 'Wag kang pumunta ng hospital ngayon—"

"Hailey? Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Please naman insan, kahit ngayon lang. Makinig ka sa'kin."umiiyak na sumamo niya sa kabilang linya. "Ry, umalis ka na diyan!"

"Hailey, tinatakot mo 'ko eh! Ano na naman ba'ng nangyayari?"

Instead of hearing her response, I heard unnecessary din and sharp noise on the background.

"I already warned you Hailey!"a guy's voice was heard shouting on the other end of the line.

Lumakas ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba at takot. Who was that? Was that Gabriel? How could he blare at his wife like that?

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon