Chapter 5: Rain

3.5K 80 80
                                    

Rylai

Nagising ako nang maramdaman kong may nanonood sa'kin. Parang pinipiga ang puso ko nang makita si Blaze na nakatayo at nakatitig sa'kin. Nagbabago na ba ang isip niya?

"Dinalhan kita ng tubig. Uminom ka."he muttered and then handed me a glass of water.

Kinuha ko 'yon at uminom ng kunti. I then placed the glass on the table and looked up to him. He was still staring at me.

"Umalis ka na, Ry, please."sambit niyang sandaling nagpahinto ng mundo ko.

Agad na nag-unahan ang luhang pumatak sa mga mata ko.

"Bakit ba Blaze? Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Okay naman tayo no'ng huling pumunta ka ng Cebu."

He didn't say a word but his eyes are still pierced to mine. Paano niya nakakayang panoorin ako na umiiyak sa harap niya. Ang sabi niya noon, huwag akong umiyak nang nakikita niya dahil para ko naring winasak ang puso niya.

"Kung gusto mo talagang umalis ako, sige... aalis ako... Pero bago 'yon, ipaintindi mo sa'kin kung bakit tayo humantong sa ganito?"

Katahimikan. Ang tanging naririnig ko ay ang sarili kong hagulhol at ang mga hininga namin.

"Bakit ang dali lang sa'yo na kalimutan nalang ang walong taon na meron tayo? Blaze, ang sakit."

"Rylai... hindi ko alam."sabi niya.

He looked away and heaved a deep breath. Sabihin mong naguguluhan ka lang Blaze, please. Hindi kita susukuan. Gagawin ko ang lahat hanggang sa bumalik tayo sa dati—

"Nagising nalang ako... na hindi na ikaw ang gusto ko."

No, he didn't say that. Nooo... he told me different thing within eight years. He promised me... Nangako siyang ako lang.

"Rylai—"

Lumuhod ako sa harapan niya't nagmakaawa.

"Bawiin mo ang sinabi mo, please. Blaze, hindi iyan ang ipinangako mo sa'kin. Sabihin mo, naguguluhan ka lang kasi malayo tayo sa isa't isa noon."I paused to wipe my tears. "Pero nandito na ako oh. Blaze..."

"Rylai, tumayo ka diyan."

I didn't move so he held me up.

"Bakit? Sa'n ako nagkulang? Dahil ba hindi ko naibigay sa'yo lahat ng pangangailangan mo?? Gagawin ko lahat, 'wag mo lang akong iwan."

Dahan-dahan na tinanggal ko ang pagkakabutones ng suot ko. He held my hand to stop me.

"Stop it."

"Ito diba? Ito 'yong dahilan! Sana sinabi mo—"

"Alam mong hindi 'yan ang dahilan! Kahit kailan hindi ko hiningi sa'yo ang bagay na 'yan. Pwede ba'ng tanggapin mo nalang na hindi na ikaw ang mahal ko?"

Naiwan akong yakap-yakap ang sarili ko habang umiiyak. Ang sikip-sikip na ng dibdib ko sa sobrang sakit. Gusto ko ng mawala. Gusto ko ng mamatay nalang. Ang sakit-sakit na. Tutal, mawawala narin naman siya sa buhay ko, ano pa'ng saysay kung mabubuhay pa ako diba?

"Mommy... daddy... sunduin niyo na ako."I whispered as I slowly walked towards the veranda.

Ipinikit ko ang mga mata ko, at saka tumuntong sa grills ng veranda. Tatalon na sana ako nang biglang may humila sa'kin. I fell in the stranger's arms.

"What are you doing? Ang daming gusto pang mabuhay pero wala ng pagkakataon tapos ikaw, magpapakamatay ka? Iniisip mo ba kung ano ang mararamdaman ng mga taong nagmamahal sa'yo na iiwan mo?"galit na asik nito sa'kin.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya, napaupo at saka humagulhol.

"Bakit ba ang tanga-tanga ko?"

I just cried my heart out while the man was silent.

"Why is fate so cruel to me? Why can't I just be happy???"I paused to catch my breath. "Ang sama ko bang tao para paglaruan ako ng ganito?"

"Hey—no. No."he finally said and held my chin up. "It's not your fault, okay? It's just that... sometimes it has to rain so we can see the rainbow. Siguro, hindi palang tumitila ang ulan ng buhay mo. But I assure you, when it's over, everything will turn out fine."

"Pwede bang sumukob na muna sa payong mo habang hindi pa tumitila ang ulan ng buhay ko?"umiiyak na tanong ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa—hinila niya ako't niyakap. My eyes were so comfortable crying on his chest.

"Nasubukan mo na bang magmahal at umasang sa huli, siya ang makakasama mo habang buhay? Hindi naman sana kasi ako aasa kung hindi lang din siya nangako."parang nababaliw na sabi ko sa kanya.

"Ang hirap tanggapin... Paano ba naman kasi, sana noon palang nagising na siyang hindi na pala ako para hindi na umabot ng ganito katagal. Paano ba kasi, pinaabot pa niya ng walong taon... Ang hirap kalimutan no'n."

"Kung hindi lang din naman pala mananatili sa buhay natin ang isang tao, sana hindi nalang sila nagpakilala diba? Sana hindi nalang sila dumating... Minsan naitatanong ko kung tanga ba ang tadhana o sadyang natutuwa siya sa tuwing may nakikita siyang lumuluha."

Sa dami ng sinabi ko, hindi parin siya nagsasalita. It made me realize how stupid I am. Heto ako, naglalabas ng sakit na nararamdaman ko sa taong hindi ko naman kilala.

"I'm sorry."I apologized and pulled myself away from him.

Tumayo ako't tumalikod habang pinupunasan ko ang pisngi ko'ng basang-basa ng luha.

"Mangako ka Rylai, hindi mo na ulit gagawin 'yon."biglang sabi nito na nagpaharap agad sa'kin.

How did he know my name? I met his gaze and I saw the darkest eyes in my whole existence. Hey stranger, what story do you hide behind those eyes?

"Kung kailangan mo ng may makikinig sa'yo, nandito lang ako."wika niya matapos punasan ng kamay niya ang luhang pumatak sa pisngi ko.

"Th—thank you."

"Flynn! Flyn—Oh. Sorry."anas ni Ashton nang pumasok siya sa kwarto.

Ashton. Blaze' bestfriend. Naging magkaibigan sila mula no'ng highschool. Sa sobrang magbestfriend nga nila, sinamahan niya si Blaze na unahin ang pagdo-dota kaysa sa pag-aaral. Kaya pareho silang nag-aaral pa ngayon.

"Sorry, Rylai. I have to go... or do you need me to stay?"he asked and I shook my head.

"Can... can I just have your name?"

"Sure. Flynn. Nathaniel Flynn Henderson."sagot niya. "Please lang, wag mo na ulit gagawin 'yon. Hindi ko maisip kung ano ang nangyari sa'yo kung hindi kita nakita kanina mula sa kabilang kwarto."mahabang pahayag niya.

"I know what I did was stupid. Thank you. Thank you for saving me..."

For the first time, he smiled.

"... and for the words of wisdom."I added.

Lalong lumapad ang ngiti niya at nagpigil siyang matawa.

"I'm serious, Flynn."I told him.

"You didn't just save me from killing my own life. You saved me so I can live my life. Thank you."


-------------------------
AUTHOR'S CORNER:
I need to sleep. I'll update more later if I'll meet Blaze in dreamland. Goodnight everybody! ^_^ 

Living With My Future-Ex °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon