Chapter 13: Truth or Dare?

29 1 0
                                    


"So ayun....ganun na nga ang  nangyari..." kinuwento ko sa mga pinsan ko kung ano ang nangyari nung nagcamping kami ng mga kaklase ko. Nakaupo sila sa lapag habang ako naman naka upo sa upuan. Parang akala mo na ako ang teacher at sila ang mga estudyante.

"Shin, may tanong ako..." sabi ni Berto.

"Ano?"

"Gumawa ba kayo ng milagro ni Blake at Chester?" sabay halakhak nya.

"Tanga! Ano yun? Threesome!?" ani ng isa sa mga pinsan ko.

"Malay mo---"

"Ssshh!! Manahimik ka nga, Berto!!" sigaw ni Anya sa kanila dalawa.

"Oy, Shin! Wala ka nang balak pumasok?" sabi ni kuya sa akin.

"Ah oo!! Sige maya ko na kwento yung iba!! Bye!!!" tumayo na ako at kinuha ang bag ko at umalis na kami ni kuya.

As usual, pag ka pasok palang namin sa gate ng school, tumambad na agad yung nga fangirls ni kuya.

"Alaois!!! Bumili ako ng teddy bear para sayo!!!"

"Notice me senpai!!!!"

"Alaois!!! Sayo na lang katawan ko!!!!"

Ew!

"Hoy panget! Mauna na ako ha!" sabi ni kuya tumakbo na sya papuntang classroom nila.

Sarili mong kuya, sasabihan ka ng panget?! Unbelievable!!!!

Pag ka pasok ko sa classroom namin...BAKIT ANG KONTI NAMIN!?!?!?! Tumingin ako sa relo ko.

7:30 na...

Umupo na ako sa upuan ko.

"Guys! Wala raw si Maam! Absent! Tara liwaliw tayo!!!" sabi ni Ria sa aming lahat. Binilang ko kung ilan lahat kami.

20 lang!?

"Guys! Laro na lang tayo ng Truth or Dare!" sabi ko sa kanila.

"Geh ba!!!" pumayag silang lahat at umupo kami sa lapag at pumormang bilong.

"Ok! Sino kaya ang una?" sabi ni Wendy at pinaikot na ang bote. Lumanding ito kay Ria.

"Ok, Ms. President. Truth or Dare?" tanong ni Wendy.

"Dare!" sagot ni Ria.

"Inuutusan kitang umupo ka sa hita ni Chester hanggang sa matapos itong laro!" sabi nya sabay turo kay Ria.

"Ano?! Di ko magagawa yan!"

"Kung ayaw mo, inuutas kitang mag hubad..."

"Uupo na nga ako eh...happy?" at umupo nga sya hita ni Chester.

"Ang bigat mo, Ria!" reklamo ni Chester.

"Ssshhh!! Okay! Ako naman! Sino kaya ang masuwerteng ito?" sabi ni Ria at pinaikot nya ang bote at...lumanding ito kay....vice president...

"Okay, Marvin...Truth or Dare?"

"Dare!"

"Inuutasan kitang bumili sa convinient store nang naka boxer at topless!!!"

"Hoy!!! Di na patas yan!!!"

"May reklamo?" sabay titig nya ng masama kay Marvin.

"Eto na po..."  sabay hubad nya ng uniform nya at pants.

The NERDY GIRL turns into a BAD BOY (ON-GOING)Where stories live. Discover now