Chapter 4: Sticky Note

51 2 1
                                    

Pagdating ko sa classroom namin, yung mga mukha ng mga kaklase ko nakatingin sa akin ng masama. Ano ba ako? Kriminal? Umupo na kaming dalawa ni Chester. Nakatingin parin sila sa amin. Sobrang tahimik sa classroom. Naputol lang yun nung pumasok na si Wendy and her friends sa classroom. Here we goes.

"Hoy babaeng malandi." lumapit sya sa desk namin ni Chester.

"Wag mo ngang tawagin na malandi si Shin" tumayo si Chester at parang gusto suntukin mukha ni Wendy. Dapat tinuloy nya.

"Duh! Totoo kaya na MALANDI yang kaibigan mo!" sabi ng isa sa mga alipores ni Wendy. At ako? Tahimik lang. Nakatingin lang sa kanila. Kung paano sila magaway dahil sa akin.

"Parang kala mo di ka malandi ah! Tsaka wag ka ngang makisabat!" sigaw ni Chester sa kanya.

"Wag kang makialam rito, Chester. Gusto kong kausapin yang malandi mong kaibigan." hinawakan ni Wendy ang braso ko at balak pa ata akong kaladkarin pabalas ng classroom.

"Wag. Ako kakausap sa kanya." at pumunta kaming dalawa ni Chester sa rooftop ng school.

"Hoy! Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo?!" sigaw nya sa akin.

"Di ko naman alam---"

"Anong di mo alam? Di mo alam na aawayin ka nila o di mo alam mga ginagawa mo?"

"Kasi ano---"

"Ano? Alam mo namang si Wendy ang pinakamaldita sa school diba! Diba!"

"Nagkamali lang ako ng pindot" pagsisinungaling ko sabay ngiti ko sa kanya. Galing ng palusot ko hahaha

"Tanga ka ba?! Anong mali ng pindot?!!"

"Dapat ikaw imemention ko!"

"Tanga! Nagsisimula ang pangalan ko sa letter C! Letter B sya! Di naman magkatabi ang letter B at letter C sa keyboard ah!!!!"

"Pasmado kamay ko kaya napindot ko yung letter B."

"Malabo na ba yang mata mo?! May salamin ka naman ah!"

"Parang ganun na nga!"

"Halatang sinasadya mong pindutin pangalan nya!!"

Nagpatuloy lang sya sa pagasermon sa akin. Puro non sense lang mga sinasabi nya sa akin. Tsk. Pumasok na kami sa classroom at nagsimula na ang klase.

After 3 classes, recess time na. Pumunta muna ako sa locker ko at may nakita akong sticky note na nakatikid sa isang side ng locker ko.

"Stay positive!" basa ko sa salita sa sticky note. Sino naman kaya magiiwan neto ng ganito sa locker ko? Baka si Chester o kay si....si Blake!!!

Pinuntahan ko agad si Chester sa library. Doon ang tambayan nilang magkakaibigan. Usually sa mga kaibigan mga bookworm. Di katulad ni Blake my loves ko na mga badboys ang kasama nya ahihihi.

"Pssst. Ikaw ba nagiwan neto sa locker ko?" kinalabit ko sya.

"Di ah. Di ko nga ginagalaw locker mo eh."

"May nakita ka bang gumalaw ng locker ko?"

"Wala." tipid nyang sagot.

Umalis ako sa library at pumunta sa canteen para bumili ng noodles at black gulaman. Hawak hawak ko pa rin ang sticky note sa palad ko. May biglang kumalabit sa likod ko.

"Hi!" sya yung walangho na babaeng nasa likod ng school kahapon! Yung pumalakpak habang kumakanta ako! Hays.

"....." di ko sya pinansin. Hayaan mo sya.

The NERDY GIRL turns into a BAD BOY (ON-GOING)Where stories live. Discover now