"Wala nga akong pakialam, nagbabayad ako ng tamang renta sa apartment ko tapos pag-akyat lang sa rooftop pagbabawalan niyo ako?" Asik na naman nito.

Hindi nalawa ang kaba ko kahit pa sa wakas ay nagawang kong makaalis sa traffic. Ang kaninang mabilis kong pagpapatakbo ay doble na ngayon. Alam kong ilang sandali lang ay may hahabol na sa'king mga pulis pero wala akong paki kung makulong ako ang mahalaga ay masiguro ang kaligtasan ng kaibigan ko.

"Lorette, wag mong papatayin ang tawag okay?" Sabi ko kahit pa parang wala na sa isip nito na katawag niya ako.

"Ma'am!" Sigaw ng lalaki kasabay ng pagkaputo ng linya.

Malutong akong napamura at ng makarating sa building kung saan ang apartment ni Lorette ay hindi na ako nag-abalang magpark ng maayos. Dali dali akong bumama at tinakbo ang elevator.

"Bilis!" Bulong ko, halos durugin ko na ang pagpindot sa key papuntang rooftop.

Kaba, takot at galit ang nararamdaman ko ngayon habang nagkatingala at naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang tumunog, hindi pa man tuluyang bumubukas ay mabilis akong lumusot sa siwang nito at muling tumakbo.

Nakarating ako sa rooftop at panay ang linga ko sa paligid. Totoo ngang under renovation ito dahil nadaanan ko pa ang signage nila na nagsasabing hindi allowed ang mga tao dito dahil delikado.

"Humawak po kayo ma'am." Owtomatiko akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Nasa dulong bahagi ito kung saan ay walang kahit akong harang at sa tantya ko isang maling hakbang lang ay maaari kang mahulog.

Fot pete's sake! Twenty floor ang building na 'to at talagang durog ang mga buto mo kapag nahulog ka. Deritso morgue ka pa.

"Lorette." Naibulong ko, tumakbo ako sa gawi nila.

Hawak hawak ng lalaki ang kamay ni Lorette na ayon sa suot nito ay parang construction worker. Umiiyak ang kaibigan ko kaya parang tinitibag ang puso ko sa kalagayan niya. Inabot ko ang isa niyang kamay para hilahin siya.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Konti nalang at maaari siyang makabitaw sa pagkakahawak namin habang ang katawan ay nakabutay sa ere.

"Wag kang bibitaw, please." Sabi ko, naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya.

Gusto kong magtanong kung anong nangyari at nasa ganito siyang sitwasyon pero hindi ko magawa dahil ang gusto ko lang ngayon ay mailayo siya sa kamatayan.

Tama ba ang hinala ko kanina, na magpapakamatay siya kaya siya pumunta dito sa rooftop? Na tototohanin niya ang mga sinabi niya?

"Bitawan niyo ko, gusto ko ng mamatay." Sigaw niya habang pilit na gustong kumawala sa pagkakahawak ko.

Mas lalong akong napaiyak at nasasaktan sa nakikita kong kalagayan niya. Kaya niya ba talagang sayangin ang buhay niya para lang sa isang lalaki? Para lang sa isang pag-ibig?

"No, Lorette please wag kang bibitaw." Nakadapa ako sa semento para mas lalong mapahigpit ang hawak sa kanya samantala ang construction worker ay ganon rin.

Castillion Brothers Series 2: Second CastillionWhere stories live. Discover now