Chapter 2: Him

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dj...Sorry talaga, pero hanggang friends lang ang kaya kong ibigay sayo. Look, can you just be happy for me, please?"

"Ginawa ko naman lahat, diba Zharm? Bakit ganun? Bakit?"

"Dj...Dj, stop crying."

"Dont worry Zharm. Di na kita pakikialaman pa. Kahit nga friends ayoko na eh."

"But Dj--"

"Be happy. Magiging masaya din ako Zharm, someday. Sana, makaghanap ako ng babae para sakin. Yung di ako gagawing tanga."

"Dj..."

Naglagay ako ng pera sa table at tuluyan nang umalis.

San ako pupunta? I dont know. Di ko alam.

Tatakbo? I dont think so.

Di ko alam kung makakagalaw pa at makakahinga pa ako ng maayos pagkatapos nito. Ang sakit eh. Ang sakit sakit.

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive palayo. Palayo sa mga problema. Palayo kay Zharm.

*                                    *                                           *                                                      *

AFTER 2 HOURS

Teka...asan na ba ako?

Mukhang malayo na to, ah! Naliligaw ba ako? O_O

Bat parang wala nang dumaraan na kotse dito sa kalyeng to?

Tiningnan ko ang orasan. 5:48 pm na. Malapit na maggabi.

Sa kakahanap ko ng daan, napansin ko na unti unti na palang dumidilim. Prang yung paningin ko, pagkatapos akong lokohin ni Zharm.

Yuck. OA mo Dj. That was gay.

Oh...sunset?

Sabi ng nanay ko, kapag may problema ka daw, kausapin mo ung moon. Sa kanya mo isigaw lahat ng problema mo. Pero since wala pang moon ngayon, ang sunset muna ang papagtripan ko.

Inihinto ko ang sasakyan at bumaba. Sakto, walang tao. Pwede kong gawin lahat ng gusto ko dito. Hihihi.

"Hoy, sunset! Ang gago, no? Bakit ganito! Ang babaeng pinakamamahal ko...niloko ako! Ang sakit! Ikaw? Naranasan mo na bang maloko, ha sunset? Shet, para na akong tanga dito. As if naman na sasagot ka, diba? At may sunset bang nagiging brokenhearted? Psh."

pagkatapos kong sabihin un, nagulat ako nang biglang may tumama na kung no sa kotse ko galing sa langit,

"*Gulp* Lord, ikaw ba yung bumato sa kotse ko? Sorry naman Bro! Ang hirap lang kasi eh...haay! Bro, tulungan mo naman ako oh. Tulungan mo naman ako na makakita ng babaeng...para talaga sakin.Ung di ako sasaktan! Sawa na ako eh. Sawa na akong mareject."

Bigla na naman na may nahulog mula sa kalangitan. this time, sa ulo ko na tumama.

"Ang sakit nun Bro, ah! But I'll take that as a yes. Salamat Lord!" sabi ko at sumakay ulit sa kotse ko. San na naman kaya ako didiretso nito? Di bale, sundan ko nalang ung daan. Baka may exit sa dulo nito.

Sa kalagitnaan ng aking pagbagtas dito sa daan na to, may nakita akong...

babae. Na...nakaputi?!

OH LORD.

"B-Bro naman! Sabi ko ung mamahalin ako, di ko sinabi na multo, no!" at narinig ko na may bumagsak na naman sa kotse ko.

Binagalan ko ung speed ng kotse para makita ko kung multo nga b tong babaeng to. Nagulat ako nung bigla itong tumayo at kumaway-kaway. Sh*t!

Nagsimula na akong magdasal ng kung ano ano. Lahat na ata ng memorized prayer nasabi ko na. Lord, help me.

Pero habang papalapit ako sa kanya...

O_O

Wow...ang sexy naman ng multong ito? 

Teka...at ang ganda pa!

Parang tanga ka naman Dj eh. Obviously, di siya multo.

Isa siyang magandang nilalang na bumagsak mula sa kalangitan. 

Kung ito na nga ung bigay mo sakin, Bro, maraming salamat!

Inihinto ko ang kotse ko at bumaba. Nilapitan ko naman ang babae na kanina pa kaway ng kaway.

"Miss...okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Oh...ang ganda niya sa malapitan.

Geez, thank you Lord!

===================================================================

Author's Note:

May karugtong pa po to. Hihi :)

Paki recommend na rin po sa mga friends niyo. Salamat!

Vote. Comment. Be a fan :)

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon