Buti na lamang at walang gaanong tao kaya mabilis siyang nakapasok sa isang cubicle.

"Oh thanks God. Malapit nang pumutok ang pantugan ko doon ah," bulalas niya ng maginhawaan.

Nang matapos ay mabilis siyang nag-ayos at bumalik sa kinaroroonan ng kaniyang mga magulang. Hinihintay daw kasi nila ang anak ng isa nilang kaibigan na sasama sa kaniya sa Singapore.

Mabuti na rin iyon para may kasama siya. Mabibilis ang mga hakbang at saktong nasa harap na siya ng magulang ng makitang may kasama na ang mga ito at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang lalaking kasama ng isang ginang na kausap ang mama niya.

Maging si Jake ay nanlaki ang mata ng mapagsino ang babaeng palapit sa kanilang kinaroroonan.

"You?"

"Ikaw?"

Sabayang pang bigkas nila na umagaw sa pansin ng kani-kanilang magulang.

"Magkakilala kayo anak?" Ang mama ni Jake ang unang bumasag noon.

Natahimik si Jake.

Samantalang napangiti si Marg. 'Tignan mo nga naman ang pagkakataon,' aniya sa isip saka ngumiti ng ubod tamis.

"Is she the one—" putol na wika ni Jake.

"Yes Iho. Grabe ang ganda-ganda mo Iha," puri pa ng ina sabay hawak sa dalawang palad ng bagong dating na dalaga.

Aangal pa sana si Jake sa ina ngunit biglang nag-announce ng final call ng airline na sasakyan dahilan upang ipagtulakan sila ng nga ito bago pa raw sila maiwan.

Pasimpleng tumingin muna si Marg sa ama na kumindat naman sa kanya.

Napabaling-baling siya ng ulo. Hindi niya lubos akalaing gagawin talaga ng ama ang lahat ng gusto niya.

"Hmmmmm!" Tikhim ni Marg.

Ngunit patuloy sa paglalakad ang kasama hila ang maliit nitong traveling luggage.

"Hmmmmm!" Nilakasan pa ang pagtikhim.

"What do you want?" Baling ni Jake sa babaeng nakasunod sa kaniya.

"Galit ka ba?" Gagad dito.

"Hindi. What do you want?" Muling tanong.

"Ikaw. Ah este—mukhang galit ka kasi," pang-iiba rito.

"I'm not. Tahimik lang akong tao. Ayaw ko ng makulit." Anito saka muling naglakad.

Malaki itong tao kaya malalaki ang hakbang. Halos tumakbo siya pasunod rito.

"Wait!" Aniya rito sabay tutop sa dibdib.

Natigilan si Jake ng lingunin ang babaeng kasama. Nakitang tutop ang dibdib nito. Agad niyang dinaluhan ito.

"Are you okay?" Agad na dali rito.

"Yes, I'm good. Hindi lang kita maabutan. Nagmamadali ka masyado," nahihiyang wika.

"I'm sorry." Hinging paumanhin naman ni Jake kay Marg.

"I'm okay. Let's go," aniya ng maramdaman ang paggapang ng tila kuryente sa katawan sanhi ng pagkakahawak nito sa kaniya.

Nakaupo na sila sa eroplano. As usual ay magkatabi sila ng upuan. Agad na pinikit ni Jake ang mata niya ng makapwesto na siya.

Ngunit hindi pa man siya nagtatagal na nakapikit ay ramdam niyang may maiinit na matang nakatingin sa kaniya.

MONTECALVO SIBLING:The Rockstar Doctor(Completed)Where stories live. Discover now