Chapter Five

11K 349 9
                                    


Ngumiti siya sa kaniyang mama. Saka niyakap ito ng mahigpit. It's been a long time na hindi iyon nagagawa rito.

"I love you Ma."

"I love you too son. Mula ng mawala ang inyong papa ay ako na ang nagtaguyod sa inyong apat. I know when you're sad or not. Looking at you, I know you still recovering from Sheena's death but son. Hindi naman gugustuhin ni Sheena na maging single ka hanggang pagtanda mo," pilit na ngumiti ang ina saka siya hinaplos sa pisngi niya.

Muli itong bumalik sa ginagawa. Ngunit muli ring nagsalita.

"Do you remember the guy who help me before? Noong panahong palagiang sinusugod sa ospital ang inyong ama at napabayaan na ang kompanya?" Tanong ng ina.

Napakunot noo siya at pilit inalala ang tinutukoy nito.

Doon ay sumingit sa alaala ang lalaking minsang kausap ng ina sa bahay nila. He was 13 or 14 at that time.

"Bakit Ma?" Agad na tanong rito. "Don't tell me nanliligaw sa'yo?" Pambibiro rito.

Tumawa naman ang kaniyang ina. "Sayang nga eh. May asawa pa!" Panggagatong naman nito saka muling tumawa.

"What about him Ma?" Seryoso nang wika ni Jake.

"Sabi niya kasing may sakit ang nag-iisang anak. Pupunta ng Singapore para doon mag-ojt for two weeks. Hindi masasamahan ng mag-asawa dahil hindi pwedeng magtravel abroad pa ang asawa nito dahil kaoopera lamang. They're looking for someone na titingin sa kaniya. Iyong may alam na rin kaya naisip kita para makapagbakasyon ka na rin," turan ng ina.

"Ha? Bakit ako Ma?" Sabad rito.

"Anak, please do it for me? Nasabi kong may anak akong doktor. At nakapangako na ako sa kanila. So please anak. Do it for me. Kahit ngayon lang," tila batang naglalambing ang ina.

Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan nito.

"Kailan po ba Ma? Para maayos ko ang schedule ko," aniya rito.

"Yes!" Pagbubunyi ng kaniyang ina. He is happy looking at her mom happy.

"Anak naman, 'di ba sabi ko ngayon ang flight mo? Bakit hindi ka pa nag-aayos ng mga gamit mo?" Natatarantang wika ni Helen sa anak na si Jake.

"Ma, chill. I have 5 hours to fix things. Okay?" Awat dito.

"Hay naku! Hanggang ngayon ba naman ay mahilig ka sa last minute? Baka maging lovelife mo niyan eh pang last minute na rin?" Bwelta ng ina sa kaniya.

Tumawa na lamang siya at mabilis na inayos ang kaniyang dadalhin.

Nagprisenta pa talaga ang ina na ihatid siya sa airport upang makilala na rin daw nito ang anak ng kaibigang matagal nang hindi nakakausap mula ng mamatay ang kaniyang ama.

Pagkarating sa airport ay agad nilang hinanap ang mga ito sa sinabing kinaroroonan ng mga ito.

"Hayan Iho. Nakakahiya sa kanila? Hinintay pa yata tayo?" Angal ng ina.

"Relax Ma. May two hours pa bago ang flight. Nasaan daw po ba sila banda?" Aniya rito upang hindi na muling manisi ang ina.

Nasa loob na sila ng terminal 3. Mabilis nitong ginala ang tingin at nakita ang mag-asawang nakaupo.

"Hayon sila?" Turo ng ina at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ng mga ito.

"Ouchhhh! Ouchhhh!" Ani ni Marg habang pilipit ang paglakad papasok sa CR. Ihing-ihi na talaga siya.

MONTECALVO SIBLING:The Rockstar Doctor(Completed)Where stories live. Discover now