Chapter Two

13K 393 7
                                    






"Yoooooo! Guys let's enjoy the night," sigaw ng kaibigang si Cathy.

"Mabuti naman at nakatakas ka Marg. Akala namin hindi ka na darating," agaw naman ni Bianca.

"Pwede ba iyon? Alam niyo naman ako," aniya sa mga ito.


"Ay kalerkey. Perst tym itey Marg kaya ise-celebrate natin to the highest level ang iyong pagiging summa cum laude. Ang talino mo ateng," tili nang kaibigang si Ferdie. Ang baklitang daig pa niya sa suot nitong mini skirt.

Lahat sila ay nakasuot ng tema ng bar ngayong gabi maliban sa kanya. Tumakas lang siya kaya hindi siya nakapaghanda.

Full gear black ang suot ng mga ito. Makapal na eyeliner na parang punkista.

May naka-set na music instrument sa harap ng stage kaya batid niyang any moment ay may magpeperform.

"Oh my God! Alam niyo bang ang guguwapo daw ang mga member ng band dito?" Excited na turan ni Bianca.

"Take note. Professional pa daw ang mga to," dagdag pa nito na inagaw nang masigabong tilihan nang kababaihang naroroon.

Doon ay nakitang isa-isang lumabas ang membro nito. Talaga ngang walang itulak kabigin sa mga ito. Mabilis na pumuwesto ang mga ito sa kani-kanilang instrumento habang ang drummer ng grupo na may hawak pang sticks ay napunta sa harap.

"I'm sorry guys if the lead vocalist wasn't be here for us. But I will assure you that you gonna enjoy this night as Jake will take over the microphone," anito saka tinungo na ang drum nito at ang lalaking nakahawak nang electric guitar ang pumunta sa harap.

Napasinghap si Marg ng makita ang lalaking nasa harap. Napaka-guwapo nito.  Hanggang sa biglang lumingon ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya malaman kung bakit tila nakita na niya ang mga matang iyon.

Nagtagal ang pakikipagtinginan niya sa guitarist ng bandang nasa harap ng untagin siya ng mga kaibigan.

"O-M-G! Ang lagkit noon ah," untag ni Cathy sa kanya na napansin pala ang ginawang titigan nila ng lalaking nasa harap.

"That's doctor Jake Montecalvo," tiling pakilala ni Ferdie sa kanila kung sino ang guitarist.

"How did you know?" Usyoserong wika ni Bianca. "Ikaw talagang bakla ka? Duma-da-moves ka na naman," anito.

"Jake Montecalvo! Jake Montecalvo," ulit niya sa pangalang binanggit ng kaibigan nan maya-maya ay maalala ang doktor na minsang gumamot sa kanya.

"Oo. Siya nga?" Napalakas na bigkas niya.

Lahat nang tatlong kaibigan ay napalingon sa kanya.

"Sinooo?" Usyoso ng mga ito at lalong naintriga sa sinabi niya.

"Wala," mabilis na bawi ngunit wala yatang balak ang mga itong tigilan siya.

Nang marinig na nagsalita ang drummer nilang si Gino ay agad niyang sinuot ang electric guitar. Matapos nitong humingi nang paumanhin sa hindi pagdalo ng vocalist nila ay inintroduce na siya nito bilang kakanta ng gabi.

Marami siguro ang nagtataka sa bagong ayos niya sa gabing iyon. Muli niyang binalik ang hitsura niya two years ago. Nagpagupit siya at nag-ahit ng bigote. He looks so neat and tidy.

Inaareglo pa niya ang kanyang electric guitar nang maramdamang tila may matang nakatitig sa kanya.

Alam niyang lahat ay nakatingin sa kanila pero sa hindi niya malaman ay tila may iba siyang pakiramdam. Bago magsalita ay ginala niya ang kanyang tingin sa buong bulwagang iyon. Paikot.

MONTECALVO SIBLING:The Rockstar Doctor(Completed)Where stories live. Discover now