Chapter Three

11.3K 351 2
                                    


Nang muling ibalik ni Jake ang mata sa kinauupuan ng babae ay nakita niya ang pagkislap ng luha sa mukha nito. Bigla ay tila nalugod ang puso niya dahil talagang paborito nga yata nito talaga ang kantang kinakanta niya.

And when I look in your eyes
All of my life is before me
And I'm not running anymore
'Cause I already know I'm home
With every beat of my heart
I'll give you my love completely
My darling, this I promise you

"Ahhhhhh!" Tili ni Ferdie sa kanyang tainga dahilan para mapapitlag si Marg.

Halos hindi siya makahinga dahil sa talagang tumatagos sa puso ang bawat salita at liriko ng kanta. Lalo pa't titig na titig sa kaniya ang isang guwapong lalaki na may napakagandang mata na kay hirap tanggihan.

"Ayyyyy! Oh my God!" tila maiihi pa sa katitili ang kaibigang si Ferdie na sinabayan na rin ng dalawa pang kaibigang sina Bianca at Cathy. Doon ay biglang bumalik siya sa kamalayan at nanlaki ang mga mata niya ng papalapit na ang lalaking may hawak ng mikropono sa kanya na may hawak pang isang tangkay ng rosas.

Kaya pala ganoon na lang kalakas ang mga tili ng mga ito. Na halos mahimatay pa si Ferdie sa kalandian nito.

My love, I can feel your heartbeat
As we dance now closer than before
Don't let go, 'cause I could almost cry now
This is forever, I make this vow to you

Patuloy na kanta nito habang binibigay sa kanya ang rosas na hawak nito.

Halos matutop ang bibig sa labis na kaligayahan. In just a simple gesture ay napuno ang puso niya nang kasiyahan. Kasiyahang babaunin siya sa nalalabing araw niya sa mundo.

Hindi malaman ni Jake kung ano ang nagtulak sa kanya upang lapitan ang babaeng inaalayan ng kanta. Nakita niya ang pasimple nitong pagpahid sa mga luha nito. Bumaba siya sa stage at tinungo ang counter kung saan may nakahatag na bulaklak. Kumuha siya ng puting rosas at agad na tinungo ang kinaroroonan nito.

Nakita niya ang gulat sa maamong mukha ng babaeng ngayon ay nasa mismong harapan. Patuloy lang siya sa pagkanta.

Pabalik na siya sa stage ng marinig ang mga kaibigan nito.


"Marg, are you okay?" anang ng mga ito.

Ang akala niya ay simple lang ang pagtatanong ng mga ito sa kung okay ba ang babae ngunit muli niyang narinig ang mga kaibigan nito na tila nag-aalala na.

Napatigil siya sa pagkanta at awtomatikong tumigil ang lahat.


"Marg, what is happening?" Naiiyak nang saad ng isang kaibigan nito na nanlalaki ang mga mata habang nakatunghay sa kanilang kaibigang nahihirapang huminga.


Mabilis ang ginawang pagbalik ni Jake sa kinaroroonan nang dalaga at walang sabi-sabing binuhat ito.

Mabilis na pinasok sa backstage stage at agad na kinalkal ang kanyang bag. Doon ay nilabas ang isang brown bag na sumakop sa buong mukha ng babae. Doon ay nakita niya ang paglalim ng bawat hininga nito. Mabilis ding kinuhanan ito ng pulso.

Ilang ulit ang ginawang paghinga ng babae gamit ang inilagay niya sa mukha nito. Hanggang sa unti-unting nakitang bumabalik na ito sa normal.

Pagtaas ng tingin niya ay nabungaran agad ang nag-aalalang mukha ng mga kaibigan nito at ang kanyang ka-banda.

"She's okay," tipid na tugon sa mga kaibigan nito at tumayo na.

Patalikod na siya ng magsalita ito sa kanya. "Thanks," mahinang sambit nito.

MONTECALVO SIBLING:The Rockstar Doctor(Completed)Where stories live. Discover now