19

755 17 2
                                    

Typos...

Enjoy!!

Gian's

"Hay sa wakas andito na din tayo mga tsong" sabi ni Max at saka naupo sa sofa sa sala ni Alvin.

Sumunod akong naupo sa sofa, at saka pinatong yung paa ko sa coffee table. Nakita ko namang dumiretso yung iba sa kusina para uminom ng tubig.

"Pengeng tubig, Martin" sabi ni Max na pawis na pawis.

"Sandali" rinig ko namang sagot ni Martin.

"Ako din" pahabol ko namang sinabi.

Maya maya ay dumating na si Marting dala ang dalawang baso ng tubig, dahil halata naman na kaming dalawa lang dito ni Max at nasa kusina silang lahat.

"Heto na po mga prinsepe" sabi ni Martin at saka nilapag yung dalawang baso sa coffee table, kumuha ako ng isa.

"Ang tagal mo, ano bang ginagawa niyo don at ayaw niyo pang lumbas?" tanong ni Max at saka uminom ng tubig.

"Tumatawag sa hotline ng Greenwich" sabi ni Martin at saka nagsimula ng maglakad sa kusina.

"Kailangan ba anim silang tatawag don?" tanong ni Max at saka ibinaba yung baso niya.

"Siguro, mga taga bundok yan e. Syempre kailangan nila ang isat isa para mabuhay" bigla namang natawa si Max.

"bakit?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Minsan ka lang mag joke pero the best, Gian" sabi nito at saka tumawa ulit, okay.

"Sabagay, mga taong bundok yang mga yan" sabi nito at saka nagpunas ng luha sa mata.

"Ano bang meron at tumatawag kayo sa hotline ng Greenwich?" tanong ni Max sa kapapasok palang na si Kayne.

"Movie marathon daw, tsong. Star wars" sabi nito at saka naupo sa tabi ni Max.

"Pa ulit ulit na lang" sagot ni Max kay kay Kayne.

"si Omri at Fred ba ang nag suggest niyan?" tanong ko sa kanya.

"sino pa ba? malamang yung dalawang yun" sabi niya at saka hinugot yung cellphone sa bulsa nito.

"wag na kamo yon, X-men na lang kamo" suhestiyon ni Max.

"Mga pre, X-men daw" sigaw na sabi ni Kayne na di maalis amg tingin sa cellphone.

" wag yon, Insidious na lang" rinig naming sigaw ni Alvin.

" ang boboring ng papanoorin niyo" sabi naman ni Vinz na kakapasok lang ata halatang mainit ang ulo. Siya talaga ang mainitin ang ulo sa amin.

" Easy lang Vinz, ang puso mo" sabi ni Omri na tatawa tawang pumasok na din sa sala.

"naka tawag na kami, ang kailangan na lang ay title ng movie na papanoorin natin" sabi ni Alvin kasama si Martin at si Fred.

"Eh ano bang magandang panoorin?" tanong ni Fred.

" Paranormal activity mga tsong" suhestiyon ni Kayne.

"Star wars" sabay na sabi ni Omri at Fred.

"Pa ulit ulit na lang yon" sabi ni Vinz nanapakamot na sa ulo.

" Paranormal actvity na lang kasi" sabi ni Max na sumang ayon kay Kayne na hanggang ngayon ay di pa inaangat ang ulo sa cellphone nito.

" oo nga" sabi ko na at saka sila lahat tumingin sa akin.

"Si Gian na ang may gusto, kaya i set up niyo na" utos ni Alvin.

Pag sang ayon ko lang pala ang gusto ng mga to, nag tatalo pa.


HealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon