14

742 26 0
                                    

15 na mga dolls

Typos ahead

Enjoy!!

Gian's

4th quarter. Panay ang sigaw ng mga tao sa paligid ko. Di ako pinasok ni coach kaya di ko suot ang jersey ko.

"Hoy, sumuporta ka naman" sabi Max sabay sigaw mg makashoot si Vinz.

Pano ako makakapag ingay kung may bumabagabag sa isip ko? Isang magandang mata ang di ko inaasahang mapapatingin sa akin. Napangit ako.

"Hoy" pag tulak ni Max.

"Ano nginingiti mo dyan ha?" May halong pang aasar na tanong niya sakin.

"Wala, naisip ko lang na panalo na tayo" pag tawa ko ng mahina.

Nag taas siya ng kilay at saka bumulong "ay baliw".

2 minutes na lang at malapit ng matapos ang laban. Lamang ng 2 puntos ang kalaban. Alvin, Omri at Vinz ano na? Kailangan manalo tayo dito.

40 seconds..

Nakashoot ang isa naming kateam na si Fred. At muli lamang na naman kami, isang puntos nga lang.

34 seconds..

Lumalakad ang oras at nasa kalaban ang bola.

28 seconds...

Wala paring pag babago ang score, at lamang pa din kami ng isang puntos.

19 seconds...

Nakashoot si Alvin at muling umingay ang paligid dahil tatlong puntos na ang lamang namin.

15 seconds...

Nag uubos nalang ng oras ang mga kasama ko. Kaya padribble dribble nalang si Omri.

9 seconds...

Di inaasahang naagaw ng kalaban ang bola at mag shoo-shoot ngunit tumunog ang buzz at palpak ang shoot niya.

Kaya ang panalo ay samin, umingay ang paligid at pawis na pawis na tumungo samin ang mga ka team namin.

"Congrats" bati ng iba naming ka team sa limang nagpanalo sa grupo.

Matapos nilang uminom ay nagtungo kami sa kabilang team para makipag kamay.

Agad kaming pinapunta sa gitna ng court para iabot ang trophe. Si Alvin ang nataguriang MVP. Masaya sa mga mokong nato dahil, sila ang nagpanalo sa amin. Nakakalungkot nga lang dahil hindi ako pinasok ni coach.

Matapos ang pagkuha ng litrato sa amin ay agad na kaming nag tungo kung nasaan ang mga sasakyan namin, handa na para umuwi.

Ang iba naming ka team ay umuwi na at ang iba naman ay papauwi pa lang. At heto ako kasama yung mga mokong na to na nagtatanggal ng sapatos o kung di naman ay umiinom ng tubig.

"Kala ko matatalo tayo ngayon" sabi ni Alvin na umiinom ng tubig.

"kala ko din e, humabol lang tayo ng ilang puntos" sabi ni Fred na naghahanda na paalis.

"Oh pano aalis na ko"sabi ni Fred sabay patakbo ng sasakyan niya.

"Bakit kayo di pa umuuwi?" Tanong ni coach na kasabayan si Max.

"May hinihintay yang mga yan hahaha" pagtawa ni Max ng malakas sabay patakbo ng sasakyan niya.

Natigilan ako, kaming lahat sa sinabi niya. Kaya ba di pa nag uuwian tong mga to?

"Bili na, lagi mo naman tong ginagawa diba?" napatingin kami sa nagsasalita at heto na siya, tinutulak nung kasama niya laging babae na sa tingin ko ay Ally ang pangalan.

Naglakad papunta samin yung dalawa, at huminto sa harap namin.

"Um hi" pag we wave pa noya ng kamay, saka yumuko.

"imogen, hi" sabi ni Omri, tss eepal na naman eh.

Ngumiti lang siya kay Omri, atsaka tumingin sakin. Ngumiti ako ng bahagya.

"umm congrats" pag ngiti niya ng malapad. Tumango ako at muling ngumiti.

"imogen, pasukan na next month, handa ka na ba?" Tanong ni Alvin.

"Ah, oo" pag tango niya ng paulit ulit. Tiningnan ko si Vinz na tahimik simula ng dumating siya, at nakatitig siya sa kanya. Totoo nga yung sinabi ni Alvin.

"imogen tara na, si Kuya Justin hinahanap na tayo" pag hawak nung Ally sa braso niya.

"Um congrats ulit sa inyo, bye" pag wave ulit niya ng kamay habang hinihitak na siya nung Ally.

"Bye" pag wave nung dalawa, muli kong tiningnan si Vinz at nagsusuot na siya ng tsinelas.

Tiningnan ko lang si Vinz habang nag aayos ng gamit. Habang yung dalawa ay nagtatawanan sa kung saan.

Napatingin sakin si Vinz at nagtaas ng kilay.

"Uwi nako" sabi niya sabay patakbo ng sasakyan niya.

"Ingat" pahabol ni Omri.

"Problema non?" Tanong ni Alvin, nagkibit balikat ako.

"Uwi nako mga pre" sabi ko sabay sakay sa sasakyan ko.

"Ge ingat" sabi nung dalawa.

-------------------------------------------

VOTE AND COMMENT, my gorgeous dolls.

HealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon