2

1.4K 29 0
                                    

Gian's pov

"oy nakita ko yon" sabi ni Alvin na isa sa mga kasama ko magbasketball.

"alin?"tanong ko habang nagpapalit ng t-shirt sa isang gilid.

"tss,kunyari pa habang naglalakad ka papunta dito nakangiti ka e"sabi niya na naglalagay ng gamit sa bag.

"ah yun ba? wala yun"sahi ko na nagsisilid na rin ng gamit.

"ano bang sinabi sayo?bukod sa paghingi ng number at paulit ulit na pagtili ng 'ang gwapo mo'"pagboboses babae niyang sabi.

"wala nag congrats lang"pag inom ko muli ng tubig.

"eh bakit kung maka ngiti ka jan.Nako iba na yan"pang aasar niya.

"ako?nakangiti"tanong ko muli sa kanya na mas lalong ikinangiti ko ng malapad.

"oh tingnan mo lalong lumalaki yang ngiti mo"pang aasar niya muli na ikinatikom ng bibig ko.

"sige na,mauna nako ah"pagpapaalam niya pasakay sa kanyang mio.

Di kalayuan,muli kong nakita papalabas na ng court na yung babae na bumati sa akin.

Di ko namalayan na nakangiti ako habang tinititigan yung babae,unang babae na nilapitan ako para batiin hindi para magpapicture o hingin ang number ko.

At ang unang babaeng lumapit sakin na hindi naka make up at hindi maikling shorts o hindi naka sleeveless para magpa impress.Kakaiba sa lahat ng mga babae na lumalapit sa kin na puro kolorete ang muka.

Maging si Nikki na nanakit sa akin ay pwede kong ikumpara sa kanya.Si Nikki na ang puro alam ay mag lagay ng kolorete at magpa impress sa ibang tao.

Nang mawala na sa paningin ko yung babae,agad na akong sumakay sa mio ko at tinahak ang daan papauwi.

"Hi my"bati ko sa nanay kong nanonood ng t.v.

"musta laro?"tanong niya na hindi maalis ang tingin sa telebisyon.

"panalo my"sagot ko habang papaupo sa tabi niya.

"ingatan mo ang sarili mo ha,lalo na yang paa mo"sabi niya na may halong pag aalala.

"naman,ako pa malakas kaya ito"sabi ko habang nagtatangal ng sapatos.

"alam ko na malakas ka sa panlabas pero iyang puso mo mahina yan"sabi niya habang hinihinaan ang t.v.

"mommy matagal na yun,saka okay nako"pagsisinungaling ko.

Pero sa totoo lang masakit parin.Di ko aakalain na iiwan niya ko ng basta basta.Siya unang babaeng minahal ko ng sobra tapos mamauwi ang lahat ng ito sa simpleng katagang 'ayoko na'. Lagi ko siyang nakikita kasama yung bago niya at di ko maipaliwanag kung galit ba o lungkot.

Galit ba ako dahil sa pag iwan niya sa akin.At malungkot ba ako dahil hindi ko siya napasaya ng kagaya ng ginagawa ng bago niya.

"payong ina lang.Kung may gusto kang sabihin na di mo kayang sahihin sa iba nandito ako.Dahil alam ko na masakit pa rin,tama ba?"nakangiti niyang tanong.

Si mommy nalang ang mag isang nagtataguyod sa akin,simula nung mamatay si daddy.

"salamat mommy"pagyakap ko sa kanya.

"pero sana,tumingin ka rin sa ibang babae.Anak hindi lang siya ang babae dito ha"bigla kong ikinangiti ang sainabi ni mommy.

Sa tingin ko mommy nakahanap na ko at hindi ko alam kung totoo ba to o hindi, basta ang alam ko ang kailangan ko na lang gawin ay maghintay.

HealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon