13

787 28 0
                                    

Eto na part 13 niyo.

Typos ahead :)

Enjoy!!

Imogen's

Simula na ng game, at di ko man lang makita si Gian. Asan na ba siya? Di ko man lang siya binati bago yung game nila. Kainis naman oh.

"Huy" pag siko ng katabi ko, guess who? Sino pa ba edi si Ally na madaldal.

"Ano?" Inis kong tanong, na ginagala pa rin ang mata ko. Bakit wala pa siya?

"Hanap ka ng hanap kung saan saan, nasa gilid lang pala" sabi ni Ally na ikinatigil ko at napatingin sa kanya.

"Ayun kasi oh" pag nguso niya sa may bandang matao.

Andun nga siya, at guess what, papunta siya dito? What the heck.

"Papunta sila dito, ano gagawin ko?" Tanong ko kay Ally na pag uga ko pa sa kanya.

" sandali kumakain ako oh" inis niyang sabi sakin.

"Act normal, kausapin mo, diba yan ang lagi mong ginagawa?"pagtuloy niya ng kinakain niya.

Ok, kagaya ng dati kong ginagawa, act normal. Kaya naman umayos ako ng upo at uminom ng tubig na sana ay iinumin na ni Ally. Ngumiti ako ng hindi nakatingin sa kanila, sa mga ka team niya.
Tumingin ako sa mga taong naghahanap na ng mauupuan.

"Miss bawal po dito yung mga fans" nagulat ako nung may magsalita kaya naman tiningnan ko kung sino yun, nakita ko ding nagtawanan yung mga kasama niya.Isang malaking tao na ka team niya ang kumausap sakin.Pano ko nalaman? Dahil parehas sila ng jersey.

"Ah, eh" pag kamot ko ng ulo. Nasan ba si Ally? Baliw na yon di man lang ako sinabihan na bawal ang mga FANS dito. Tss.

"Girl ano bang ginagawa mo diyan, bawal diyan mga players lang ang uupo diyaan" hayun biglang sumigaw si Ally na nasa taas pala. Di man lang ako sinabihan e, kainis ka talaga.

Tumayo ako at umakyat sa kinauupuan ni Ally, na hanggang ngayon busy pa rin sa pagkain. Teka chips lang ang hawak nito kanina ah.

"Ano bang ginagawa mo dun?" Tanong niya na nakatutok sa mga players na ngayon ay nasa court na.

"Iniwan niyo po kasi ako" inis kong sabi sa kanya.

"Alam mo namang bawal dun e" tumingin siya sakin sandali at ibinalik uli sa court.

"Tss" palihim kong pag irap.

Tumingin ako sa ibaba kung nasan siya dahil nung kinausap ako nung ka team niya ay di ko siya napansin. Hanap ako ng hanap at yun lang pala siya sa mga comittee nakikipag usap.

Tiningnan ko lang siya, at di ko namalayan na tapos na pala siya makipag usap at tumingin siya sa gawi ko at boom totoo ba to? Nag ka eye to eye contact kami? Agad akong tumingin sa iba na kunwari ay walang nangyari, pero syet sa tingin ko namumula ako ngayon. Kainis.

"Huy, anyare sayo?" Pag bangga ni Ally sa balikat ko.

"Wala"sabi ko sabay tingin sa score board, naramdaman kong nakatingin pa rin si Ally sakin. Nagsimula na yung laban kaya ang laman ay sila.

Tumingin ulit ako kung saan siya naroroon ngunit wala na siya. Kaya muli nilibot ko ang paningin ko at hayun siya katabi nung lalaking nakausap ko kanina, nakaupo at nanonood.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang panonood. Maingay dito mgunit mas lalong umiingay kapag nakakashoot ang team nila. Maging si Ally ay di maitago ang saya kapag nakaka shoot ang team. Napapatayo pa ang loka, habang ako ay tawa ng tawa sa kung ano ano ang pinagsisigaw niya. Binabash yung kabilang team at pinupuri ang team nila Gian.

4th quarter na at magkalapit ang score ng dalawang team pero lamang ang team nila Gian. At di pa rin tumitigil si Ally sa pagsuporta.

Sana naman manalo sila...

-------------------------------------------

VOTE AND COMMENT my gorgeous dolls :)

HealedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon