Chapter 12.5 - Practice

Magsimula sa umpisa
                                    


"Binibigay na nga sa'yo ang grasya, tinatanggihan mo pa." I heard Mysty Cabañero's squeaky voice from the crowd. She really has the audacity to say that to me? At anong grasya sa pagiging partner si Max? Gano'n na siya ka-baliw at ka-bulag para hindi mapansin ang napakapangit na ugali ng Maximilian Porsche na 'yon. 


Hindi na sana ako sasagot kaso nakakabwisit yung mukha niya e. Patikimin ko nga ng matabas kong dila. 


Lumingon ako at tinignan siya with an annoying smile. "Excuse me, maybe you meant to say disgrasya." 


Everyone in the room gasped again after hearing what I said. Napangisi naman ako dahil hindi na siya nakasagot. Serves you right, Mysty! Hindi porket gwapo, maganda na ang ugali. Bilang nalang talaga sa mundo ang marunong trumato sa babae nang tama at hindi kasama si Max do'n. 


Lumingon na ako pabalik kay Sir at pati siya ay natahimik sa sinabi ko. Napapikit ako ng mata. I don't really do this stuff, especially knowing na may teacher dito, pero kasi nakakainis e! 


"Grasya man o disgrasya, whoever partner I assigned to you is already final. So, kahit magreklamo kayo riyan, you cannot change my mind." Sagot niya, still with an authoritative tone. I got my hopes up for nothing. Kainis! No choice kung 'di maging partner ang lalaking iyon. 


Well, it's just one night, Chaii. It's not like your gonna live with the guy for the rest of your life. 


Kung sabagay. Pero may mga dance practices pa like this, so hindi siya literal na isang araw, isang gabi lang. Bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. 


I felt Ate Clarisse's warm hand on my shoulder, as if telling me it's okay. Napatango ako sa ginawa niyang iyon. 


Napansin ko naman na lumapit si Jack sa amin at tinignan ako with that iba-ka-girl-look. Natatawa naman akong tumingin sa kanya at nagsabing, "Bakit na naman?"


"Napakavocal mo ha! I like it!" Sambit ni Jack habang pumapalakpak pa. Talk about having a supportive friend. Napangiti naman ako sa sinabi niya. 


"Pero mej kinakabahan ako sayo, girl, ha," banggit niya naman, rason para mapatingin ako sakanya with a concerned look. "Bakit naman? Anong meron?" Takang tanong ko. 


Tumingin muna siya sa kung saan. Sinundan ko ang tingin niya at napansing nakatingin siya kay Mysty Cabañero. Binalik niya ang tingin niya sa akin at mas lalong inilapit ang mukha niya sa'kin. Ano na namang ichi-chika nito? 


Napapabilib nalang din talaga ako kay Jack minsan e. Daig niya pa ang school newspaper ng Porsche University sa dami niyang alam sa mga bali-balita. I'd like to think he's a walking newspaper or something. 


"As you know, founder ng fansclub 'yan ni Max." Panimula niya. "So, ingat-ingat ka riyan. Maraming mga kakampi yan na pro-Max. Yung mga nabubulag sa kagwapuhan ni Max." Bulong niya pa. I sighed. May mga alipores din pala ang Mysty na 'yan. Mahirap nang magtiwala. 

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon