C h a p t e r 13

28 2 0
                                    

Chapter 13

Third's POV

Pagkagising ko ay agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Harleen. Gusto ko lang tanungin kung okay siya wag kayong ano diyan. Ang aga kong nagising ngayon. Ewan ko ba. Pagkatapos kong isend yung message ko ay bumangon na ako at naligo.

Lumabas ako sa CR matapos kong maligo at nagtungo sa closet ko.

"Hoy gum---" I diverted my gaze on the door and saw Sec standing there. "Aba, ang agang nagising ngayon ah."

"Psh! Umalis ka na nga dito" Pagkasabi ko nun ay tumunog ang phone ko. Agad ko yung kinuha at tinignan.

From Harleen:

Good morning too :) oo okay na ako, salamat sa pagpunta kahapon ha? Mr. sungit<3

Napangiti ako dahil sa nabasa ko. Tss mr. sungit daw.

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Anak ng...bakit nandito ka pa?"

"Sagutin mo yung tanong ko ugok! Sino yan?! Si Harleen ba yan?"

"None of your business." pumasok siya sa kwarto ko at lumapit sa akin.

"Patingin ako! Sino yan?!"

"Hoy gago! Lumayo ka nga sakin!"

"Si Harleen 'yan noh? Ulul wag mo siyang landiin!"

"Who the hell are you to say that?"

"Future boyfriend niya." napatigil ako at tinignan siya ng masama.

"Ulul!" hinawakan niya ang kamay ko at pilit na inaagaw yung phone ko. Ako naman ay pilit na nilalayo ito. "Tangina mo Dos! Wag ka ngang dumikit sakin!"

"Ano ba kasing sinabi niya sayo?! Patingin nga ako!"

"Hindi naman kasi si Harleen 'to!"

"Pakyu talkshit!" tinulak niya ako sa kama ko at dinaganan ako.

"Putangina mo Second Yvon Solis! Ang bigat mong gago ka!" dinaganan ko yung kamay ko para hindi niya makuha yung phone ko. Para kaming nag re-wrestling dahil sa posisyon namin. Bigla naman niyang inilagay yung kamay niya sa leeg ko at inipit ito. "Hindi ako makahinga! Hindi nga to si Harleen kingina bitawan moko!"

"Anong ginagawa niyo diyan? Oy pasali ako haha!" napatingin kaming dalawa ni Sec sa pintuan. Tumakbo si Christian papunta sa kama ko at dinaganan si Sec.

"Aray gagu! Umalis ka sa likod ko Chris!"

"Hoy! Lumayas kayo sa ibabaw ko! Kingina hindi na ako makahinga! Parang dinaganan ako ng tatlong elepante puta!"

"Madaya kayo! Nagre-wrestling kayo, hindi niyo man lang ako tinawag haha!" pilit kong tinutulak si Sec habang pilit niya namang inaalis si Chris sa likuran niya. Para kaming mga pancakes na pinagpatong-patong. Kaso ako yung pinakakawawa kasi ako yung nasa pinaka ilalim.

"Umalis kayo sa kama ko!" sigaw ko. Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya natigil kaming tatlo at napatingin doon. Nakita namin sila mama at papa na nakasuot pa ng pantulog.

Rivals [ On Going ]Where stories live. Discover now