C h a p t e r 10

28 3 0
                                    

Chapter 10

Major time-skip tayo mga beshhy Hahaha.

Harleen's POV

It's almost 2 months nang mag transfer ako sa Shrewsbury High. Nakapag adjust na rin ako sa atmosphere dito. Naging mas close ko ang members ng N.S, halos lagi kaming mag kakasamang kumain ng recess and lunch. Sila Nathan at Ashley aaminin ko mas naging close sila, infairness nga e ngumingiti si Nathan sa mga corning joke ni Ashley. Mas naging close naman kami ni Dave. Lol walang kami haha. Parang naging older brother ko na si Dave, he is really sweet. Minsan nga pumupunta siya sa bahay at siya pa mismo ang gigising saakin. Si Taptap naman ay mas lalo pa palang kumulit, hindi katulad dati na ako lang ang kaibigan niya sa dati naming school and for me that's a good change. Casual ko na ring nakakausap si Third pero hindi ko parin makakalimutan ang nangyari saamin sa beach two months ago. Lagi ko namang kasama sa pag gagala ay si Sec, he is a good companion. He is such a boyfriend material. Hindi naging boring ang two months ko dito dahil may mga bata din akong inaalagaan even though im just a year older at oo nagiging ate ako pag andiyan sila, karamihan kasi ng member ng N.S ay may mga ading din, at kasama din sila kaya tuwing mag gagala kami ay hindi nagiging boring dahil sila ang nag lilift-up ng mood.

It's saturday today at nag yaya sila na punta daw ng amusment park. Tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin. I'm wearing a denim ripped jeans at plain v neck white shirt. Nag lagay ako kaunti ng lip balm para naman hindi dry tignan ang lips ko, i sighed in satisfaction. Lumabas ako ng tuluyan sa kwarto ko. Habang pababa ako ay ite-txt ko na dapat kung nasaan sila At laking gulat ko nang makita silang lahat na nasa salas namin.
"Bat ang tagal mooo??" Tanong saakin ni Tap habang tinitignan ang kaniyang orasan. "Kaya nga ate Harleen, Kanina pa nag bukas yung amusment park." Sabi saakin ni Chenele. "9:00 am palang naman ah. Ang O.A ninyo." Sabi ko sanakila at tumawa ng mahina.

Pumunta ako sa kitchen and saw my mom making pancakes. "Mom, alis na ako nag mamadali sila masyado e." Sabi ko sakaniya sabay kiss sa cheeks. "Hmm sige sige ingat kayo doon ha." She said at umalis na ako para puntahan ang mga bugok. "Tara na!" Sigaw ko sakanila at sabay sabay silang tumayo at lumabas ng bahay. Nahuli ako dahil nakalimutan ko ang wallet ko sa kwarto ko. Nang makuha ko na ang wallet ko ay tumakbo ako pababa at nakita ko si Third na naka tayo sa gilid ng sofa. "Uhm.. Harleen. Doon ka nalang sa kotse ko sumakay." Sabi niya saakin habang nag kakamot ng ulo at nakatingin siya sa sahig. "Sige tara na?" I giggled at lumabas kami sa pinto. Pag labas namin ng pinto ay nag aabang sa labas si Sec. "Hi Harleen. Pwedeng sa kotse ko nalang ikaw sumakay?" Tanong niya saakin. Bago pa ako makasagot ay biglang nag salita si Third. "Sasabay siya saakin." Malamig niyang sabi kay Sec at hinila ako papalabas ng gate at binuksan niya ang passenger seat. "Dahal dahan baka mauntog ka." Sabi niya saakin sabay lagay ng kaniyang kamay sa ibabaw ng aking ulo habang papasok ako sa kaniyang sasakyan.

Pagpasok ko ng kaniyang sasakyan ay namumula ako parang kamatis. Walangya muka na tuloy akong cherry bomb na malapit nang sumabog.

Nakita ko siya na pumunta sa pintuan ng driver's seat at binuksan niya ang pinto at pumasok. Nakita ko na nauna na si Sec na umalis. Tumingin saakin si Third at napatingin din ako sa kaniya. We made eye contact. "uhmm." I said. Lumapit ang kanyang muka, i froze. Palapit ng palapit ang kaniyang muka at hanggang sa inches nalang ang gap. I can feel his mint breath touching my face, pumikit ako at hinintay ko na dumampi ang kaniyang labi saakin ngunit wala akong naramdaman. Nakarinig ako ng pag-hila ng seatbelt and i shoot my eyes open. He fasten my seatbelt and wispeard to my ears. "Safety first." At bumalik siya sa position niya sa driver's seat. Asumera talaga ako 'no?

Rivals [ On Going ]Where stories live. Discover now