Chapter 4 [Part 3] - Courage

Start from the beginning
                                    

Pahinga muna ko. Binunot ko ang cellphone sa bulsa ko at chineck kung sino ang nagtext, pinsan ko pala, si Migs, "Wag ka mawawala sa engagement party namin ni Biancs. Pag wala ka don, ikaw ang sasagot ng reception sa kasal namin".

Haha. Nagawa pang magbiro ng g*go. Nagreply ako, "Ok lang, malakas ang kutob ko na matatauhan din si Biancs".

  

Nagreply ito, "G*go ka talaga".

Di na ako nagreply ulit. Bukas na lang.

Speaking of party, naalala ko ang mga trophies at certificates namin ni Dad, takte naiwanan ko sa ilalim ng table kanina.

  

Bababa muna ako para kunin. Di pa din naman tapos si Laureen mag-shower.

  

Ni-lock ko ang main door paglabas ko.

Pagbalik ko sa table namin ni Laureen andoon pa din ang mga bagay na hinahanap ko. Nagsisimula ng tanggalin ng mga nag-aayos ang mga cover ng tables pero nasa gitna pa lang sila, sa bandang dulo kami nakaupo kanina.



Pagbalik ko sa kwarto, nakasara pa din ang pinto ng cr, tuloy pa din ang patak ng tubig sa loob. Nilagay ko sa side table ang mga dala kong trophies at certificates. Pati yung para sa Lolo ni Laureen andon din sa table namin.

Ang tagal naman mag-shower ni Laureen. Kanina pa sya don ah.

Kinuha ko ang phone ko, parang gusto kong itext si Dad para makibalita kung ano na ang nangyari, pero parang ayoko dahil baka pati ako problemahin pa nito.

  

Isa pa baka tanungin sa akin kung kamusta na si Laureen, ano naman ang isasagot ko? 'Ah, ayun po lasing na lasing at kung anu-ano ang pinagsasabi'. Di naman pwede ganon.

  

Pinaikot-ikot ko na lang tuloy ang cellphone sa kamay ko.

  

Ang tagal naman ni Laureen.

Tumayo ako at pumunta sa pinto ng shower, kakamustahin ko lang baka nag-iiiyak pa din sya, kumatok ako, "Laureen? Hey, are you ok?"


Walang sagot.

Nilakasan ko ang boses ko, "Laureen, Luigi here".


Kumatok ulit ako. Wala pa ding sagot.


Anak ng....baka may nangyari na don ah. Dito pa sa kwarto ko mamaya ako pa ang pagbintangan na gumawa ng krimen pag nagkataon! Ako pa naman ang huling nakita ng mga tao na kasama nya.


Tinry ko buksan ang pinto. Hindi naka-lock.

  

No reaction galing sa loob, ine-expect ko na sisigaw sya. 


Sumilip muna ako, "Laureen? Teka chine-check lang kita ha", depensa ko, baka mabato ako eh.

No reaction pa din.


Pumasok ako at hinawi ko ang shower curtain.

  

Ayun sya.

Nakaupo. Naka-tiklop ang mga binti nito at nakayakap ang mga kamay nya dito. Nakayuko sya sa ibabaw nito. Basang-basa sya. 


Nagmadali ako pumunta sa side nya. Pinatay ko ang shower, medyo nabasa ako ng konti.

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now