Ikaapat na baitang

81 1 0
                                    

Ikaapat na baitang nabighani na sa ganda mo
Hindi ako makapaniwala sa nakita ng mga mata ko
Isa kang anghel na bumaba sa langit
Pero ang tanong ko sa sarili ko bakit?

Bakit ako nabighani sa ganda mo
Sa murang edad ko napaibig mo ko
Malamang dahil nakatadhana tayo
O diba ang korny ko

Nung kinausap kita
ngiti koy abot tenga
boses mong kay ganda sarap pakinggan
Boses mong hindi ko makakalimutan

Di na ata magbabago
Ang nararamdaman ko
Sa dinami dami ng tao sa mundo
Bakit sayo pa ako nagkagusto

Hindi ko akalain na ganito
Ang mararamdaman ko sayo
Sayo lang ako nag ka ganito

sana di nato mag bago

Napadalas ang pag uusap natin
Nag sabi ka ng mga sikreto mo sa akin
Nag sabi din ako sayo
Napapamahal na nga ako sayo

Nag seselos ako sa mga taong malapit sayo
Dahil natatakot ako
Natatakot Na baka ay ipag palit mo ko

At mag bago ang nararamdaman mo

Hindi man tayo laging magkasama at nagkikita

Hindi ibig sabihin non ang pag ibig koy mawawala
Imposibleng makahanap ako ng katulad mo
Dahil ikaw lang ang gusto ko sa aking mundo

Walang oras, minuto, o Segundo

Ang nasasayang pag ikaw ang kausap ko

Di ko akalain na magkakaron ka ng malaking parte sa istorya ko

Gusto ko lang lagi ay magkasama tayo

Ang iyong mga ngiti ay walang katumbas

Na mas gusto ko pa kesa sa alahas

Isa kang bituin

Na di ko kayang abutin

Minahal kita ng totoo

Pero nagkagulo ang mundo

Pinag layo tayo

Pero di nagpatalo

Pinasaya moko na parang wala ng bukas

Sana ay di na to mag wakas

Parang sayo ako kumukuha ng lakas

Pag nawala ka pakiramdam ko ang puso ko ay kakalas

Napaka daya ng mundo

At sobrang nakakalito

Hindi tayo pinahintulutan ng panahon

At unti unti nang nawawalan ng kuneksyon

Sa iyong pag alis

Akoy malulungkot at maiinis

Dahil ikaw ay lalayo

kuneksyon ay lalong lalabo

Napaka bilis ng panahon

Gusto ko nalang magtago sa kahon

Kaso di ko magawa

Di kasi ako kasya

Sa pag lipas ng panahon

Di ko alam kung ilang taon

Kung tayo ba ay mag kikita pa

O hindi na

Ikay aking ipapanalangin

Na sa hinaharap ikaw ay maging akin

Kung makahanap ka ng bagong mag mamahal sayo

Siguraduhin mong pagmamahal nya sayo ay totoo.

At oo nabasa ko ang bawat pahina

Bawat linya n gating istorya

Na tayong dalawa ang bida

At oo naalala ko ang salitang "mahal din kita"

Nagsimula noong ikaapat na baitangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon