p7to

2 0 0
                                    

• 271117 •

Madalas akong nagpa-panic attack, kahit sa mga simpleng bagay lang. Hindi siya basta nerbyos lang, hindi yung saglit lang. Iba 'to. Malala yung pagtibok ng puso ko, parang aatakihin. Nanginginig buong pagkatao mo, halos masuka ka na sa sobrang kaba, pinagpapawisan ka na parang tumakbo ka ng ilang kilometro.

Madalas mangyari yun, pero ang malala na sigurong panic-attack ko ay yung isang beses na nag-apply ako para sa isang trabaho. Noong naghihintay ko para sa interview, grabe yung nararamdaman ko. Hindi ako mapakali, pati yung "breathe in, breathe out" walang epek. Gusto ko na nga sanang mag-backout.

Dahil dun nagkasinat ako. Gustong-gusto ko nang umiwi noon pero bawal pa raw.

I tried to talk to my friend that day para lang at least may mapagsabihan ako. Ang sabi lang niya, "para 'tong tanga!"

Siguro mababaw lang yun para sa iba pero hindi para sa akin, halos mahimatay na ako, halos matalo ko na yung mga cellphone na nag-va-vibrate sa sobrang panginginig ko.

It may seem OA pero swear to all the gods and goddesses, halos ikamatay ko yung panic attack noong araw na yun.

Breathe in

Breathe out

Breathe in

Breathe out

Siya Na ToxicWhere stories live. Discover now