Chapter 91: Mortal Resto

Start from the beginning
                                    

Maya-maya napatigil kami nang makarinig ng tawa.

"Taena 'yung multo!" Sigaw ko at mabilisang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

Sh*t ang lapit ng boses ni multubels sa akin kanina, it means malapit sya sa akin!

"Hi demons! It's nice to see you again."

Mula sa dilim lumabas ang hindi namin inaasahang bisita.

Holey fvck!

Multo nga!









~*~











(Ice/Frank's POV)










Si Cashmere.

Si Cashmere.

Si Cashmere.

Si Cashmere.

Si Cashmere. Si Cashmere. Si Cashmere. Si Cashmere.

Oh fvck up!

Halos nalibot ko na ang buong akademya sa pag-iikot dito. Kasalukuyang inaayos ng iba ang mga gusali at mas nahihirapan akong tuntunin si Cashmere dahil dito.

It's so fvcked up!

It's all my fault. How stupid disciple I am?

"Frank wait!"

Isa pa si Michelle na ikinakataranta ko. Kanina pa sya sunod ng sunod sa akin at gulong-gulo na ang utak ko. Can she just shut up?! I'm all fvcked here!

"Frank." Lumimanay na ang boses nito nang maabutan ako.

Nagyeyelo ang mga natatapakan ko pero di nya ininda iyon. Tss. She's water manipulator after all.

Hindi ako tumigil sa paglalakad na ikinalambot lalo ng ekspresyon nya. I want to hug her but I know I can't do it this time, there's no time for sweet things.

Humugot ako ng malalim na hininga nang harangin nya ang daraanan ko gamit ang dalawang braso nya.

"Michelle, I don't have time for this." May diin na sabi ko.

"Look at me Frank." May himig ng sakit ang boses nya. "Please. Just look at me."

Ginawa ko ang sinabi nya at sinalubong ang kanyang mga mata.

Pinilit kong patatagin ang sarili ko na manatili lamang sa aking pwesto.

"Calm down, mahahanap din natin si Cash."

Gusto kong kumalma sa malumanay nitong boses pero what she say is a stupid thing.

"I can't. Get out on my way."

"Frank look at me."

"Not this time Michelle. I have important things to settle."

"Frank ano ba? Ano bang nangyayari sayo? Headmaster is doing his job now, can't you see? He's searching for Cashmere too! Just leave it to them and take some rest."

Hindi ko maiwasang mapasabunot ng buhok sa narinig.

"How can you say all this sh*ts?! Gaddamn*t Mich, Cashmere needs us!"

Wala akong tiwala ngayon sa iba lalo na sa headmaster, she send her away in that damn dark forest!

He chained her in his freakin' golden chains!

How can I suppose to calm down lalo na pa't nangingialam na ito ngayon?!

"I know."

"You know, but then what?!"

"Everybody is on the move."

Hindi ko maiwasang mapailing bago mabilisan akong lumayo sa kanya at tumakbo palabas sa eskwelahan.

Wala akong mapapala sa mga katarantaduhan dito lalo na pa't alam ko sa sarili kong hindi ligtas sa kahit ano mang lugar o panig si Cashmere.











~*~












(Carlos POV)








Kararating lang namin sa lugar na kung saan tinutukoy ng mapa. Ngunit tila yata mali ang aming napuntahan. Napadpad kami sa isang resto sa gitna ng kakahuyan. Buhay na buhay ang lugar na ikinapagtataka ko.

"At last! May foods na rin!" Isang pagbubunyi ang binulalas ni Vanessa.

Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Jayden at bumulong.

"Don't let your guards down, something is wrong in here."

"Hindi kaya mali ang nasa mapa?" Kunot noo kong tanong.

"It's not fake and it's not wrong. The place it is."

"Guys you know how much my stomach crumble in pain earlier right?" Pagpaparinig sa amin ni Vanessa.

I guess we don't have a choice.

Dahan-dahan naming binuksan ang resto at tumunog ito. Tss. Not an easy move.

May mga taong nagkakainan sa loob, at alam kong normal na tao ang mga ito. Ang ipinagtataka ko lamang ay ang lugar.

"Hi MA Students! I'm Jessica by the way. Kanina pa kayo hinihintay ni Ma'am Jennifer sa loob ng pintong iyon!" Biglaang paglitaw ng isang babaeng nakasuot ng pang-waitress sa harapan namin na muntikan ko nang ikinatakbo ko sa labas kung hindi ko lamang napigilan ang aking mga paa.

Pero teka, sinabi ba nyang MA Students? As in Moon Academy Students?! Watda!

Sabay kaming nagkatinginang tatlo at iisa lamang ang nasa isipan namin. Hindi nga pangkaraniwang resto ito at tama nga ang mapa. Pero kung ganun, nasaan ang mga hinahanap namin?

Napatigil kami ng may dumaan sa gilid namin nang magbukas ang pintuan mula sa aming likuran. Kakaiba ang mga kasuotan nito at doon ko lamang napansin na magkakaiba ang lenggwaheng gamit ng bawat mortal sa ligar na ito ngunit hindi nila napapansin.

Mukhang alam ko na..

Dali-dali kong binuksan ang pintong pinanggalingan namin kanina at nalula sa natuklasan.

Isang dimension ang bumungad sa akin at nag-iba rin bigla ang senaryo, naging isang parang public place ito kung saan umuulan ng maple leaves. Oh no, sh*t!

Isang lugar lamang ang nasa isip ko ngayon. Napalingon ako kina Jayden na ganun lamang rin ang mga itsura.

Kung hindi ako nagkakamali, were in freakin' Canada for Pete's sake!

"Uh, Ma'am, Sir? This way po." Pag-agaw sa amin muli ni Jessica atensyon bago matamis na ngumiti.

Napalunok na lamang ako at tumungo bago sumunod sa kanya.

Saan ba 'tong lugar? Ano bang resto ito?

It's related in magic, right?

But wait, most of all.. Mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.

Napahawak ako sa dibdib ko at nilingon muli si Jessica na masaya kaming ginagaya.


She's so beautiful.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyWhere stories live. Discover now