Chapter 23: Awaken

3.9K 136 2
                                    











~*~













(Andrei's POV)










I'm obviously the light of the Academy, hindi lang naman white magic ang aking ability eh, healing rin parang side effect, char! But actually my ability is to control the Light. Yeah, my ability is Photokinesis, ang ability na nag-iisang makakatalo sa dark. Sakop rin kase ng ability ko ang healing, kaya ayun. Paulit-ulit? Kthanksbye.

Bat ba ang daldal ko? Kamusta na ba tong pasyente ko at ang tagal atang magising? Kala ko ba Cyrokinesis din ang ability nya? Dapat malakas din to ah. Langya naman Cash eh, may balak ka bang patayin ako sa pagtatangkang pagalingin ka ng buong-buo? Maawa ka naman. Cashmere, have mercy! Have mercy please Cashmere!

"Kamusta lagay nya?" Tanong ng nag-aalalang Vice Captain namin.

Isa pa to eh. Andami ko nang tanong na naimbak sa isipan ko ayaw pa sagutin ni isa.

Paano sila nagkakilala ni Cashmere? Bweset naman eh.

"Tatanungin mo pa ako? Anong sa tingin mo Vice ha?" Pilosopo kong sagot sa kanya.

Nakikita na nga nyang hindi pa nagigising ang White Magician na yan, saka nakikita rin naman nya yung kalagayan na ang putla pa rin ng balat. Tsk.

Bigla naman nyang pinalutang ako sa ere. Wooh! Superman!

At saka nya ako muntikan nang ibalibag. Wah MAMAMIYA!

"Isa pang pabalang na sagot. Handa akong ibalibag ka Andrei." Banta nito sa akin saka umalis kasama ang dalawang fairy.

Huhuhuhu, ambad nya talaga.

"Si Vice pa kase." Asar sa akin ni Vanessa saka tinapik-tapik ang aking balikat.

Napanguso na lamang ako, walang hiya sila. Taena. Walang mga utang na loob! Pwe.

"Kyah!" Sigaw ni Mich na nagpatigil sa amin.

Tili ba yun o sigaw? Aish bahala na. Alam ko lang gwapo ako, period.

Dali-dali kaming nagsipuntahan sa loob kung nasaan si Mich at Cashmere na wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Anong nangyare?" Naghi-hysterical na tanong ni Vanessa.

"Gumalaw ang daliri ni Cashmere kanina! Oh gosh!" Tuwang-tuwang sabi ni Mich na tipong lalantay na ang kaluluwa.

Well that's a good sign, but not enough to wake her up.

Napaface-palm na lamang sila Patrick at Carlos samantalang si Vanessa ay napabuntong hininga saka hinatak si Mich paalis ng room.

Pumunta na ako sa gawi ni Cashmere habang natutulog pa rin ito. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang maamong mukha.

Hays. Hindi nya deserve ang ganitong klaseng Welcome sa Academy.

"Kailan kaya sya magigising?" Nakapangalumbabang tanong ni Carlos habang pinagmamasdan ang natutulog na si Cashmere.

"Malapit na syang magising, base sa sinabi ni Mich kanina." Pangpaluwag loob ko sa kanila.

Ang totoo, hindi ko alam. Galaw lamang iyon ng daliri. Isa lamang akong healer dito at hindi manghuhula ng hinaharap.

"Mabuti naman kung ganun. Masyado nang matagal ang kanyang naging pahinga." Saad naman ni Patrick habang nagbabalat ng mansanas.














Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon