Chapter 1: Meet Her

13.1K 323 22
                                    




~*~




Ang pagtilaok ng manok na tandang ng aming kapitbahay ang nagpaalala muli sa akin na umaga na.


"Hmm." Inaantok na ungol ko.

Umaga na naman, panibagong araw, panibagong hirap.

Nagtanggal na ako ng muta at nagpunas ng gilid ng bibig gamit ang basang damit, baka kasi may panis na laway na natuyo. Mahirap na baka mabungangaan na naman ako ni lola na dugyot. Well, sort of. Tinatamad akong mag-igib panghimalamos, eh sa maliligo rin naman ako mamaya diba?

Pagkatapos ko, bumaba na ako ng hagdan at pumuntang likod bahay upang magsaing. Habang hinihintay kong maluto yung bigas nagwalis muna ako saglit.

"Ang sipag ni manang ah!"


Tumingin ako sa bintana ng kusina upang tignan kung sino ang nagsalita. Napasimangot ako nang makitang si Andrew lang pala.

"Unggoy ka. Tumahimik ka nga kingkong, baka magising sila Lola!" Pagpapatahimik ko sa kanya gamit ang aking murmuring high pitch voice.


Namumuryot talaga ako sa kanya lalo na pag umaga. Bigla bigla na lang kase susulpot kung saan saan, kabute lang ang peg eh. Psh. Sya rin kase lagi una kong nakikita na nilalang paggising ko, kaya nakakaumay na. Umaasa ako na sana iba naman. Hay.


"Tse! Kingkong ka dyan? Sa gwapo kong to?" Sabay lagay pa ng kamay na nakahugis na check sa baba nya.


Wooooooohh! Ang hangin!

"Gwapo? Saan pakilala mo sa akin!" Impit na tili ng isang boses na ikinagulat ko.


Isa pa palang kabute ang lumitaw. Si Jane. Katulad ng isa, isa rin syang kalahi ng unggoy, ang Chimpanzee. Oha! Endangered species ang mga kasama ko.


"Nandito ka na naman? Tss. Andito na nga sa harap mo di mo pa makita?" Naiiritang sigaw ni Andrew. "Ano bang klase ng mata meron ka? Malabo o bulag?" Dugtong pa nya.


"Ha? Nasa harap ko? Wala naman ah. Minsan talaga sinungaling to! Di lang pala minsan, palagi." Pang-aasar pa ni Jane kay Andrew.


"Hanoooooo?!" Sigaw ni Andrew habang umuusok yung ilong sa inis.

Feeling ko nga sa ilong lumabas yung sinabi nya. Hahahaha. Pang-anime lang. Tsk nahawa na ako sa kaadikan ng dalawang to sa cartoons may gad! Abnormal na rin ba ako?

"Ay kalurkey! Kagulat ka naman Drew! Di mo ko ininform na di ka lang pala sinungaling, bingi ka pa." Asar pa lalo ni Jane.


Tatawa na din sana ako kayalang naisip ko sina Lola. Patay.


"Pst! Tahimik! Tama na nga yan! Lagot na naman ako sa inyo nito eh." Pagputol ko sa asaran nila.


Nanlalaki ang mga matang nakatingin si Andrew sa likod ko. Kahit di ko na lingunin si Jane, ganyan din for sure yung mukha nyan o mas malala pa. Di ko maiwasang mapapikit ng mariin, sinasbi ko na nga ba.


"Di mo na kelangan pang mang awat at magpatahimik. Gising na ako." Sambit ng boses na nakakapangilabot at alam ko na kung sino yun. Si LOLA.


Dahan dahan akong lumingon sa likod ko. Kunting lingon na lang nakaharap na ako sa kanya, pero-----


*pak*



Kulang sa ganern! Pati ata mga manok lumipad sa gulat. Pano pa kaya ako na-----sinampal? My pisngi is hurts! So ayun na naman ang mukha ko, balik ulit sa ayos bago ako lumingon sa kanya. Minsan nakakasawa na rin eh.


"Tanga ka talagang bata ka! Umagang umaga ang ingay ingay ng bunganga mo! Wag na wag kang kakain mamaya letse ka!" Sigaw ni Lola sa akin habang tumatalsik ang laway.


Raindrops? or Saliva drops? Eeeew!

"Lola naman." Pagmamakaawa ko.


Oh yas! I need to act syempre.



"Heh!" Pagtataray nya sabay walk out at flip pa ng hair sa mukha ko, oha! Taray ng lola nyo, muntikan ko pa makain yung puting buhok nya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sa araw araw na ginawa ng dyos, ganito na lang lagi ang aking buhay. Wala na bang bago?

Pagtingin ko sa dalawa. Naninja na naman ako sa bilis makauwi ng sari-sarili nilang pamamahay. Tsk tsk. Hanep na mga kaibigan yan oh!


Pinagpatuloy ko na lang yung pagwalis ko at paghintay sa sinaing. Wala na naman akong magagawa sa desisyon ni lola eh, saka hindi naman talaga nya ako papakainin. Bwahahahaha. Edi wow lang. Nonsense ang pagmamakaawa te!




Ako nga pala si Cashmere Villacrusis, ang ganda ng pangalan ko at ang elegante ng dating diba? Pero nga naman, pangalan lang yan. Baliktad sa totoo kong buhay. Magsi-17 years old pa lang ako sa May 24, at next next month pa yun. Nakatira ako dito kina Lola at dito na rin lumaki dahil patay na ang mga magulang ko. Namatay daw sila sa sunog sabi ni Lola. Simula 5 years old pa lang, nagtitinda na ako sa bayan ng Sampaguita, pero natigil ito noong nag-10 years old na ako dahil nagkasakit ng malala si tito Clive, yung anak ni Lola. Kung tinatanong nyo kung nasan ang Lolo ko, patay na rin sya nung wala pa ako. Kaya simula nung nagkasakit si tito Clive, ako na ang tagalinis, tagaayos at tagaluto ng bahay. Yung dalawang unggoy naman kanina, sila ang mga kaibigan ko simula magkaisip ako. I guess?


Si Joseph Andrew Sobrepeña, 17 years old na sya. Mabait, masunurin at maloko, yan ang pagkakadescribe ko sa kanyang ugali. Matangkad at moreno sya na bumagay naman para maging kagwapo gwapo sya sa paningin ng iba. Sa iba lang.



Si Jenny Jane Dela Cruz, kaedaran ko pero mas matanda lamang ako ng dalawang bwan. Matakaw, mapang-asar at matalino, yan naman sya. Sexy at mestiza si Jane at sinasali sa mga beauty contest. Ang taray diba?

Wala naman akong kaibigan na panget eh.


Kaming tatlo ay nag aaral sa Xander University, at dahil sa matalino kami. Naging scholar kami dun, well except pala kay Andrew, may kaya naman sila kahit papano eh, di lang halata sa kanya. Elite Students kase yung mga estudyante dun, kaya ganito na lang kagrabe ang pagto-torture ko sa sarili ko para maging valedictorian, hindi naman ako nagkamali kase simula 1st year, ako na ang valedictorian sa batch namin. Okay enough na sa pagmamayabang.


"CASHMERE VILLACRUSIS! AYUSIN MO NA ANG LAMESA AT KAKAIN NA AKO!"


Napabalikwas naman ako pabalik sa reyalidad ng sumigaw si ate Gael sa likod ko. Ang sakit sa tenga, kabasag ng eardrums, mabaog ka sana. Tss. Di pa ba ako nasanay? Basag na naman to dati pa.


"O-Opo, sorry po." MAHINHIN kong sagot.



Acting mode on again.



"DALIAN MO!" Inis nya pang sigaw sa akin bago naglakad paalis.

Sya? Hmm. Pinsan ko yun. Anak sya ni tito Clive kaya peyborit ni Lola.


Okay lang, sanay na ako.








~*~









(Author's Note)


Oh yeah! Success tapos na rin ang First Chapter! Thanks for reading.

Love ya all.



Vote•Comment•Share







HountoniDaisuke

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon