Chapter 56: Impact without Her

2.9K 108 0
                                    











~*~








(Third Person's POV)




Agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante na malapit sa clinic ng makarinig sila nang malakas na pagsabog mula sa loob.

Samantalang naiwan namang nakatayo sa loob si Andrei habang nakatulala sa babaeng napapalibutan ng kakaibang apoy.

Maya-maya pa'y nagmamadaling pumasok roon sina Dennis at Rence na bakas ang pagkabahala at pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Anong nangyari?" Bungad na tanong ni Dennis kay Andrei na nakatulala pa rin.

Wala sa sariling itinuro ni Andrei si Cashmere na nakatalikod sa kanilang gawi.

Napalunok ng ilang beses si Dennis nang makita ang kalagayan o pangyayari sa babaeng kaharap.

"K-Kuya." Bulong ni Dennis na tila'y pinaaalalahanan ang nakakatandang kapatid.

Bakas rin ang gulat sa mukha ni Rence ngunit agad din nya itong naitago bago titigan at ituon muli si Cashmere na lumalakas ang apoy sa paligid nya.

"Susuriin ko lang sana ang lagay ng kanyang katawan nang bigla nya akong itulak at paulanan ng apoy, b-buti na lamang at n-naging alerto ako at naharangan ko agad iyon ng aking abilidad, nagtalo ang aming abilidad na syang n-naglikha ng malakas na pagsabog." Paliwanag ng hindi pa ring natatauhang si Andrei. "Ewan ko pero parang l-lalo syang nagalit at-----CASHMERE!"

Tinapik lamang sya ni Rence at sa isang kisap mata, nawala ang apoy sa paligid nya at nawalan muli sya ng malay.





**




Kasalukuyang nagbabantay ngayon sina Michelle, Frank, Vanessa, Allen at Rosby. Nakatitig lamang sila sa wala pa ring malay na si Cashmere.

"Tatlong araw na syang hindi nagigising." Walang buhay na sabi ni Rosby. "Kung hindi siguro sya nagising at napatulog ni Cap nung kahapon, siguro gising sya ngayon."

"Kawawa nga si Andrei eh, mukhang natrauma." Matawa-tawa namang lintaya ni Vanessa. "Hindi ko maimagine na isa sya sa mga Dark Magicians na ating nakakasagupa."

"Ibang-iba sya roon." Iiling-iling na sabi ni Frank. "Dahil kahit kailan, iba rin ang ama nya mula sa kanila."

"Sabi mo eh." Sarkastikong sabi ni Rosby bago nya isubsob ang kanyang mukha sa lamesa. "Naboboring na ako. Teka, ano bang nangyari kahapon? Di ko pa alam ang buong details ng kwento eh."

"Chismosa ka na pala ngayon Ros?"

"Shut up Mich. Dali na kase~~" Pagpapamulit pa nito na ikinailing na lamang nila.

"Wala kami dito kaya pano namin malalaman?" Naiinis na sabi ni Allen.

"Nagugutom na ako." Walang buhay na pag-iiba ni Vanessa sa usapan. "Tatawagan ko lamang sila baby loves ko." Pagpapaalam nya sa mga kasama bago lumabas sa silid.

Naiwan naman ang iba sa loob na mukhang mga binagsakan ng lupa't langit dahil sa kahihintay kay Cashmere.


Lumipas pa ang ilang minuto, dumating na rin ang iba na may dalang mga pagkain.


"Si Cap?" Tanong ni Rosby habang sinusuri ang dala nilang mga pagkain na dala ng mga kasama.


"Nasa Headmaster's Office, ipinatawag sila ni Jayden eh. Sumunod na rin doon si Vanessa." Sagot ni Dennis na wala ring kalatoy latoy.


Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon