Chapter 25: Ability Gone

3.8K 148 2
                                    










~*~















(Cashmere's POV)











Cyrokinesis is my ability. Cyrokinesis is my ability. Cyrokinesis is my ability! Ugh!

Bakit ngayon hindi ko na magamit ang kapangyarihang yelo? Bat hindi ko na ito madama sa katawan ko? Naover-use ba ako sa ilusyon na yun? Letse. Ano bang nangyayare!

"What?! Eh san napunta yang ability mo?" Takang tanong ni Vanessa.

Katulad ko, naguguluhan rin sila sa nangyare. Last time I check, buo pa ang ability ko at malapit ko na ring maperpekto ang isang teknik na ininsayo ko.

"Umupo ka nga Cash! Nakakahilo ka na!" Bulyaw sa akin ni Carl na nakapikit na ngayon.

"Sinabi ba kaseng panoorin mo sya?" Sarkastikong sabi sa kanya ni Carlos.

Nandito kami ngayon sa secret place nila. Ito ang nagsisilbing meeting room ng Moon Ten. Di ko nga alam kung secret pa ba to dahil alam ko na kung nasaan eh. Malaki naman ang room na to, may limang kwarto sa gilid, may mini bar, may kitchen, malaking banyo at iba pa. Nagmumukhang condo na panglimahang tao.

"Ano ba kaseng ginawa mo?" Takang tanong ni Jayden sa akin na ikinahinto ko sa paglalakad pabalik-balik.

"Isa ka pa eh! Wala nga rin syang kaalam alam diba?" Inis na sabi ni Andrei kay Jayden na prenteng nakaupo sa couch.

"Tawagin nyo lahat ng myembro ng Moon Ten." Tensyonadong sabi na lamang ni Jayden at naglakad papunta sa Mini-Bar nila.

"Pero diba dapat si Headmaster muna ang makaalam?" Tanong ni Frank.

Bat ganun! Kala ko ba kapareho ko ng ability si Frank!

"I think, alam na ngayon yan ni Headmaster Russel, any minute, pupunta na rin sya dito." Sagot sa kanya ni Vanessa.

Pinatawag na lahat ng myembro pero parang kulang pa rin. Nangunot naman ang noo ko, Andrei, Rosby, Frank, Ferresa, Patrick, Mich, Vanessa, Carlos, Jayden and....the who? Ngayon ko lang napagtanto na wala si Carl sa list ng Moon Ten.

"I'm the rank Eleven Cashmere Villacrusis, for your information." Sabi nito habang mataman akong tinitignan sa mata.

Nagpeace sign na lang ako, alam ko namang hindi Mind Reading ang ability neto eh. Hahahahaha. Ano kayang ability nya?

"Bat ba kase ako pinatawag dito?" Naiinis na sabi ni Rosby. "May pupuntahan pa kami ng Friends ko!" Maktol nya pa.

"Tss. Wag kang mag-inarte." Walang emosyong sabi ni Jayden sa kanya.

"Parating na si Captain, naririnig ko na ang hininga nya." Biglaang sabi ni Carlos na ikinatahimik ng lahat, damay na rin ako, Captain daw eh.

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas bago sunod-sunod nang pinaulanan ang loob ng S.P ng mga bolang apoy. Iba-iba ang kulay nito, may kulay blue, orange, white at ang pinakamarami, pula.

Parang kilala ko na kung sino to. Hindi nga ako nagkamali, pagkatapos labanan ng Moon Ten ang mga apoy na dumadaan, pumasok na si Red Guy na napacold pa rin ng aura. Then it hits me! Sya yung tuna maling na nagbukas ng gate ng Academy! Sya yun! Si Mr. Sungit. Wait---so it means sya ang Captain? Sya ang First Rank? Omegad!

"Good." Puri nya sa Moon Ten at umupo na sa isang swivel chair. "Let's talk about business." Panimula nito at bahagyang pinaikot-ikot ang ballpen sa pagitan ng kanyang mga daliri.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon