37

29.4K 360 14
                                    

37

Sa dalawang stories na nandun si Ruel, nabanggit ko ba na may pamilya siya? Sa MarXie yata...O sige na, bigyan naman natin siya ng family, kawawa naman, puro babae lang ang nalilink sa kanya...wahahaha

*****************

Gabrielle couldn’t explain how happy she is right now. Now she had realized how she loves  Ruel Acuino, kahit pa nga alam niya ang ugali nito, kahit pa alam niyang ang daming naging babae ng kumag, still she is willing to take the risk. Ganunba talaga kapag nagmamahal? You are more than willing to take the risk just to be happy. Just to let the person who makes you happy stay. Or you let that person stay in your life because he makes you happy.

Naalala niya si Celerio, malamang kanina pa ito naghahanap sa kanya. Ang dami na nitong tawag at text messages na hindi niya nasagot. She answered one, telling him to wait for her at the office. Pupunta na siya. ISang mabilis na ligo lamang ang ginawa niya at saka nagbihis, kinatok na muna niya ang nobyo para magpaalam.

“Aalis muna ako at mag-uusap na muna kami ni Celerio about the case.”

“Sama ako, Honey Ko.”

Heto na naman siya. “Ruel, I will be working. Hindi naman sa lahat ng oras pupuwede kang sumama.” Parang bata na paliwanag niya.

“I know, I just wanted to be with you. Saka, baka didiskarte si Ginulayan sa iyo. Mahirap na.”

“Seloso. Tigilan mo nga ako.  He will not do that. Isa pa, matulog ka na lang muna, kita mo nga yang mga mata mo, napaghahalatang puyat.”

Totoo, talagang puyat siya. Ang hirap kayang magpigil lalo na at ganito kaganda at ka sexy ang katabi mo. First time niya iyong ginawa, sakit nga ng ano niya…ulo.

“Sige na nga. Basta go back at lunch time, Honey Ko. Sabay tayong kakain.” Bilin nito sa kanya.

“Okay. See you.” Nakaisang hakbang pa lang ito nung bigla siyang hawakan ni Ruel sa kamay. Nagtatakang napatingin siya sa nobyo.

“What?”

“Goodbye kiss ko, Honey Ko.” Lambing niya. Hindi pa nakapagreact si Gabrielle ay hinalikan na siya ni akin. “Sarap.”

Namumulang kinurot niya ito. Ang bilis talaga basta halik ang pinag-uusapan.

***************************

Napabuntung-hininga si Ruel. He could not imagine that he will go this far out of love. Pero nagbunga naman ang lahat, at masaya siya dahil dun. Ngayon lamang siya naging masaya, sana wala nang magiging hadlang until he will ask Gabrielle to get married.

Yes, he is seriously serious of asking her to marry him. Sana nga lamang ay pumayag ito. Biglang nag ring ang cell phone niya. Ang kanyang Mama! Hindi alam ng mga ito ang mga pinaggagagawa niya sa buhay.

“Ruel, where are you? Marcus and Aron Miguel couldn’t even tell us where you are right now! Ano bang nangyayari sa iyong bata ka?”

“Ma, may inaasikaso lang po.” Napakamot siya ng ulo. Malamang sasabihing nasisiraan na siya kapag sinabi nyang may hinabol siyang babae dito sa Parang, Maguindanao. At malamang maghihisterikal ang Mama niya kapag nalaman kung nasaan siya.

Ruel's CharmWhere stories live. Discover now