25

30.3K 377 28
                                    

25

Masakit ang ulo ni Ruel kinabukasan. Hindi niya matandaan ang nagyari, ang alam niya, umalis na si Candice papuntang Canada at hindi niya alam kung kailan babalik. Sa sobrang depressed niya ay uminom siya batay sa ebidensiyang nasa harap niya ngayon, pero parang may hindi siya maalala?

“Good morning, Sir!” Ang tagalinis niya ng bahay, mabuti at bumalik ito, nagkalat kasi ang pinag-inuman niya.

“Good morning, Manang, puwede bang ipagtimpla po muna ninyo ako ng kape. Ang sakit po ng ulo ko.”

“Ang dami nyo po kasing nainom Sir, akala ko nga po maabutan ko pa rito si Ma’am.”

Napakunot-noo siya. “Ma’am? Sinong Ma’am?”

“Yung maganda, matangkad at seksing babae po na pumunta rito Sir. Siya ba yung nobya mo? I love you kasi kayo ng I love you kagabi. Candice po ba ang pangalan niya, Sir?”

Shit! Si Gab! Kaya ba parang may dapat siyang maalala? Hinanap niya ang cell phone niya, puno ito ng missed calls at text ng dalaga, tinignan niya ang oras, walang text para sa umagang yun. What happened? Ano ang ginawa niya kagabi? May nasabi ba siya? Idinial niya ang numero nito pero walang sumasagot.

“Gab, answer please.” Text niya sa nobya. Pagkatapos ay naghintay siya ng ilang sandali pero nakakaubos na siya ng kape niya, wala ni isang tawag o text man lang, hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Bigla tuloy nawala sa isip niya si Candice. Kinakabahan kasi siya sa kung ano ang nasabi niya sa harap ni Gabrielle kagabi.  Tuloy pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis para pumunta sa presinto.

************

“I’m sorry Acquino, pero wala si Delamerced ngayon rito, on field.” Seryosong sabi ni Filemon sa kanya.

“Ganun ba?” Iyon kaya ang dahilan kaya hindi ito nakakasagot sa tawag niya at text? “Anong oras baa ng balik niya?”

“Walang definite na oras, Acquino, alam mo naman ang trabaho namin. Mabuti pa, tawagan mo na lamang.”

“Hindi nga sumasagot, nag-aalala na ako.” That was true.

“Baka naman natauhan na sa iyo?” Asar nito. Nakakapikon, wala siya sa mood makipaglokohan sa pulis na ito.

“Sige, babalik na lamang ako.” Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa ito, agad siyang tumalikod.

Nung makaalis si Ruel ay agad na tinawag ni Filemon si Gab. “O, Delamerced, wala na ang lover boy mo!” Sigaw niya.

“Salamat.” Umalis na sa pinagkukublihan niya si Gab. She was just there, in fact, she saw Ruel and heard the things that he said, pero ayaw niya itong harapin, ayaw niyang makita, ayaw niyang makausap. Hangang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit ng nangyari kagabi. How could Ruel do this to her? Naging totoo naman siya sa binata, di ba? Bakit nagawa niyang paibigin siya pagkatapos ay iba naman pala ang nasa puso nito.

“Bakit hindi mo kausapin, Delamerced? Mukha namang seryoso yung tao sa iyo.” Payo ni Filemon sa kanya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon