7 First Dinner Together

36.7K 669 18
                                    

7

Matutuyuan talaga siya ng dugo sa lalaking ito. Pwde naman kasi niya itong iwan sa loob ng night club pero hindi niya magawa, siyempre kahit papano ay kakilala pa rin niya ito.

Inilayo niya ito sa lugar na yun dahil kapag nalaman ng mga kasamahan niya na ito ang muntik ng makabulilyaso ng plano nila ay malilintikan ito.

“Gab?”

“O?”

“Kumain ka na ba?”

Aba! Concerned?

“Actually, hindi pa.” Naramdaman na nga niya ang gutom, nauna kasi ang inom kanina bago ang kain.

“Ako, di pa rin, at nagugutom na ako. Gusto mo kain muna tayo?”

May pagka sweet naman pala ang mokong na to ah.

“Ok, saan tayo kakain?”

“Ahhhh, sa ayos mong yan, baka mapaaway ako ng wala sa oras. So, dun na lang tayo sa bahay mo.”

“Ano?!”

“Easy! Ano namang masama sa sinabi ko, kung makasigaw ka naman.”

Easy nga Gab, nabanggit lang ang bahay nataranta na siya, di naman kasi siya nakapag –ayos ng bahay, di nakapaglinis, nakakahiya kung tutuloy sila dun.

“Sa fastfood na lang tayo.” Utos niya.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon