9 The Visitor

35.9K 405 13
                                    

9

****

Pumunta siya ng presinto, busy raw si Gabby niya at di muna siya maentertain ngayon. Feeling ni Ruel nagpapalusot lang ang babaeng yun kaya sugod siya sa presinto, wala naman din siyang gagawin, di ba?

Naabutan niya ang isang pulis na nakaupo sa desk nito. “Gandang hapon po Sir.”

MUkha naman tong nakakatakot, ganito ba ang kasama araw-araw ng Gabby niya. “O, anong problema? Na hold-up ka?”

Napaubo siya! Naalala niya kasi nung mahold-up siya. “Hindi po Sir, hinahanap ko kasi si  Gabrielle Delamerced, nandito po ba siya?”

“Ah oo, nasa loob, may iniimbistegahan. May kailangan ka sa kanya?”

“Ah, kakausapin ko lang sana, Sir.”

“Maghintay ka, may duty pa eh.”

“Sige po, pwde po ba akong maghintay dito sa loob?”

“aba oo! Kung gusto mo sa loob pa ng selda!” Nagtawanan ang ibang kasama ni Gabby. Langya naman! Wag kang papatol Ruel, may mga baril sila, wala ka niyan, kapogihan lang ang meron sayo.

Halos thirty minutes din siyang naghintay nung lumabas si Gab, napatanga si Ruel. Di pa rin siya sanay na nakikita itong naka full police uniform, di niya alam kung idedescribe niya ito na hot, or hindi.

“Delamerced, may bisita ka, aakyat yata ng ligaw!” Tukso ng mga kasamahan nito.

“Akalain mo yan Gabby, may naniwala nang babae ka!” Tawanan na naman. Naaasar na lumapit sa kanya si Gabby.

Ruel's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon