Book2 ~ Sanggalang ~ 15

Start from the beginning
                                    

Huli kong nakita ang mga iyon, noong nasaktan niya ako ng pisikal.

Muli na naman siyang sumuntok sa puno. Sa pagkakataong iyon, natumba na ito. Sinusubukan ni Titus na pakalmahin siya ngunit sa estado ni Orion ay imposibleng mangyari iyon.

Lakas loob akong humakbang palapit sa kanya. Ngunit naramdaman kong hinila ni Leo ang pulsuhan ko.

Bumaling ako ng tingin sa kanya. Nangungusap ang kanyang mga mata. Tila ba tahimik na nagsasabing huwag akong umalis sa tabi niya.

Muli akong lumingon sa kinatatayuan ni Orion. Ang kaninang galit sa mukha ay nagbago at naging lungkot. Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Napukaw ang atensyon ko nang makita ko ang marka sa likod ng kanyang palad.

Muli sana akong hahakbang ngunit sa ikalawang pagkakataon, pinisil ni Leo ang kamay ko. Animo'y tumigil ang puso ko. Nalilito sa kung sino ang dapat piliin.

"Esmé..." mapait na ngiti ang ipinamalas ni Leo matapos ang malambing na pagbanggit niya sa pangalan ko.

"Hindi kita kayang saktan." Dumampi ang kanyang kamay sa pisngi ko. Nanlambot ang pangangatwiran ko sa mga ipinapakita niya.

Malambi na buntonghininga ang pinakalawan ko bago ang ngiting gumuhit sa mukha ko. Nawala ang lahat sa paligid ko at si Leo lamang ang nakikita ko.

Ang lakas na naninirahan sa katawan ko ay bigla na lamang nanindi na tila ba sasabog na. At nang akala ko'y tuluyan ko nang hinayaan si Orion ay bigla nalang pumasok sa tenga ko ang mga salitang matagal ko ng nais marinig mula sa kanya.

"Mahal ko..." malabo iyon noong una. Ngunit nang pagtuunan ko ito ng pansin ay mas naging malinaw ito. "Patawarin mo ako sa nagawa ko."

Muling remehistro sa mata ko ang hardin kung saan nakatayo si Orion. Malayo pa rin siya sa akin na ikinalugmok ng puso ko. Gusto ko siyang makaharap. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang mahawakan.

"Hindi naging malinaw sa akin ang mga nangyari. Bumalik nalang ang lahat nang mawala ka na sa tabi ko." Matapang na nilalang si Orion at kahinaan para sa kanya ang pagluha.

Ngunit sa pagkakataong ito tila wala siyang pakialam sa kung sino man ang makita.

"Nasaktan kita. Pinilit kita. Nagawa ko ang lahat ng iyon gamit ang sarili kong mga kamay." Sandali niyang tinignan ang kanyang mga kamay. Napapailing marahil sa pagsisisi.

"Paniwalaan mo man ako o hindi, pero hindi ako iyon Esmé. Hindi kita kayang saktan. Mahal kita."

Humakbang siya palapit sa akin. Para akong bata na humagulgol ng iyak. Tama ako. Hindi si Orion ang nanakit sa akin noon.

Hindi ko namalayan kung paano ako nakawala sa mga bisig ni Leo. Ang alam ko nalang ay luhaan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ni Orion.

"Orion..." namiss ko tawagin ang pangalan niya. Namiss kong pagmasdan siya. Miss na miss ko na ang mahal ko.

Ang mga paghakbang ko ay unti-unting naging lakad-takbo. Sabik ako na muling magbalik sa bisig niya.

Wala nang sampung pulgada ang pagitan namin. Sa wakas, babalik na ako sa asawa ko. Maligayang-maligaya ako.

Ngunit nang akma ko na siyang yayakapin ay bumalibag ako sa malayo. Isang hindi nakikitang harang ang bigla nalang sumabog sa harapan namin. Naging si Orion ay tumilapon sa malayo.

Nangyari na ito noong bago ko unang makita si Leo. Ito rin ang pagsabog na sumira sa bahay namin.

Mga bisig ni Leo ang sumalo sa akin. Dumaing siya sa sakit pero tiniis niya ito para masalo ako.

She's the LegendWhere stories live. Discover now