My Dancing Angel #3

Start from the beginning
                                    

Mga ilang minuto lang ata akong nakaupo dito ay napagdesisyunan ko na tumigil na lang ng paghahanap sa kanya. Kahit naman kasi kunwari ay nakita ko siya ay hindi naman niya ako mapapansin eh, kaya okay na na tumigil ako.

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad paalis ng biglang may napansin ako na isangbabaeng naka-dress ng kulay babay blue at naka-cap siya. Nagmamadali siyang maglakad at palinga-linga sa paligid. Teka, hindi kaya si Naeun yun? Sinundan ko siya at nakita ko na papunta siya sa likod ng cafeteria. 

Bakit doon siya pupunta? Sarado na ang gate doon na dating dinadaanan ng mga employee dito sa school na ito. At sa pagkakaalam ko ay bawal pumunta doon ang mga estudyante, ano namang gagawin niya doon? Teka? Paano niya nalaman na merong daanan doon sa likod eh hindi naman siya nag-aaral dito ah. May nagsabi kaya sa kanya?

Hayss, mamaya na nga ang pagtatanong. Susundan ko na lang siya baka kasi mapano siya. Sa pagkakaalam ko kasi ay merong mga aso doon para kung sakaling merong mga estudyanteng magka-cutting at doon dadaan ay hindi makakalabas dahil sa kahol ng mga aso.

Sinundan ko nga siya pero mukhang hindi niya napapansin na sumusunod ako sa kanya kaya naman nung nakita ko na napa-stop siya sa paglalakad ay napa-stop din ako. At nakita ko na lang na merong aso na humarang sa harapan niya at ang tali ng aso ay mahaba. Pwede siyang sakmalin nito kapag nagkataon na tumakbo siya. Nakita ko na nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nagsimula siyang humakbang paatras pero yung aso ay biglang lumapit sa kanya habang nakahol at nakita ko na kakagatin siya ng aso kaya naman.

Hindi na ako tumayo doon at nanuod. Naghanap agad ako ng matigas na bagay na pwede kong ipukpok doon sa aso. Nakakita ako ng lumang tubo. Kinuha ko kaagad yun at patakbong pinalo yung aso. Napaiyak naman sa sakit yung aso at biglang umalis. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siya na nakapikit habang ang dalawang kamao niya ay nakakuyom.

Napangiti ako. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Naeun. Nakakatuwa naman. Ang sarap niyang titigan. Naramdaman niya ata na walang kumagat sa kanya kaya napadilat siya ng mata at gulat na gulat na nakatingin sakin. Pero mas nagulat ako ng tawagin niya ako.

"L? Nakita mo ako?" Ha? Kilala niya ako?

Teka? Bakit kilala niya ako? Nagkita na ba kami dati?

Napansin ko na lang na yumuko siya at tumakbo paalis. Hinabol ko naman siya. Sakto nung hinawakan niya yung lumang gate ay nabuksan niya yun. Siguro dala ng kalumaan kaya mabilis niya lang na nahila ang gate. Hinawakan ko siya sa braso niya pero nagpumiglas siya.

"Sandali lang Naeun." Sabi ko pero tinulak niya ako at saka siya lumabas. Nako lagot. Mapapadpad siya sa gubat. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala ng daanan dito dati pinasara na nila ang shortcut doon na nagbibigay daan papuntang siyudad.

"Naeun sandali lang. Hintayin mo ako." Lumingon siya sakin pero tumakbo pa din siya hanggang sa..

"Ahh!" Nakita ko na lang na biglang lumubog si Naeun at agad ko siyang pinuntahan. Nahulog siya sa may isang hukay malapit sa punong mangga. Agad ko siyang kinuha at inalalayan patayo.

"Ayos ka lang ba?" Hindi siya lumingon sa akin pero nakita ko na umiyak siya.

"Bakit ka ba sumunod?" Tanong noya sakin. Nakita ko na nagdudugo ang tuhod niya kaya kinuha ko yung panyo ko at tinakip ko doon.

"I'm sorry. Bakit ka ba kasi pumunta dito," Tanong ko naman.

Lumingon siya sakin. "Its none of your business." Pairap na sagot niya saka siya tumayo. Pero inalalayan ko pa din siya.

"Okay okay fine. Alam ko dapat di kita sinundan pero alam ko kasi na pwede kang maligaw dito dahil sinara na nila ang daan papuntang siyudad." Katwiran ko naman. Hindi siya sumagot. 

"Teka, bakit nga pala kilala mo ako?" Biglang naitanong ko sa kanya kasi nga kanina tinawag niya ako sa pangalan ko at nagulat ako dun.

Gulat siyang napatingin sakin pero iniwas niya din yun. "I-I just know you." Ha?

"Paano nangyari yun?" Tanong ko.

Dahan dahan siyang yumuko at nagsalita.

"Kapag ba sinabi ko sayo? Hindi mo sasabihin sa iba?" Paninigurado niya. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng kaba. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin.

"I promise, i won't tell anyone." Yun na lang ang naisagot ko. Tipid ngiti siyang ngumiti sakin at saka bumungtong-hininga.

"L, I'm Eunhae."

~

Hahaha1 Sana nagustuhan niyo po!

Salamat PinkPandas!

&

Readers!

#LadyEmina :)

APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now