What the hell?

Ako na naman?

"Tam, we know you really like Ressler. But you should be a doctor and you know that. Kailangan may dalawa akong anak na doctor," seryosong sabi ni Tito kaya nawala ang ngiti ni Tam.

"So, what's the point of asking me if it has been already decided?" walang gana niyang sabi at bigla siyang tumayo saka nagmadaling umalis.

"Ma, Pa, you shouldn't have done that. Let her decide on things like that," kalmadong sabi ni Kylo at akmang tatayo na sana para sundan ang kapatid niya pero inunahan ko siyang tumayo.

"I'll talk to her," paalam ko sa kanila.

Kylo gave me a small nod, simply telling me to take care of her sister so I nodded in return.

I went outside and tried to find her but I couldn't see her.

Ang bilis niya namang maglakad?

"Yie, sinundan niya ko . . . "

Boses pa lang, alam ko na agad kung sino kaya mabilis akong lumingon sa may kaliwa ko at nakita ko siyang nakangiti ng malapad.

Sure, she's smiling. But her eyes were telling me a different story.

"Are you alright?" I asked, stepping closer to her.

"What if I'm not? Hug mo ba ko?" pang-aasar niya kaya kumunot ang noo ko.

"God, you're too hard to deal with. Buti na lang hindi kita naging kapatid."

"Buti na lang talaga. Hello? Paano kita magiging boyfriend kung naging kapatid kita, 'di ba?"

I sighed out of frustration. This girl really is something.

Years had passed, madalang niya na lang akong kulitin dahil usually busy na talaga siya sa acads. She ended up following her parents' wish to take medical technology first kaya halos hindi na siya nakakasama sa mga lakad namin nila Miguel. Kahit si Kylo rin mismo busy na talaga kaya madalang na rin namin makasama.

It was my fourth year in college, and may three days kaming break dahil Sports Festival ng university namin. Pero dahil Architecture students kami, sanay na silang hindi kami uma-attend ng school events without demerits dahil sa totoo lang, 'yon na lang ang pahinga namin.

"Alam mo ba sched ni Tam?" tanong ko kay Miguel habang busy siyang gumagawa ng reviewer niya.

"Hindi. Bakit?" tipid niyang sagot. 'Di talaga 'to makausap ng mahaba 'pag nag-aaral eh. Sa bagay, ako rin naman.

"Let me borrow your phone," I said, waiting for his response. Maya-maya lang ay inabot niya sa 'kin ang phone niya kaya dumiretso higa na ako sa kama.

Binuksan ko 'yong messages ni Miguel and I've sent a message to Tam gamit number ni Miguel.

Hey, ano sched mo? Pa-send.

Lumipas ang isang oras, wala pa ring reply. What the? Gano'n talaga siya ka-busy?

Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko siyang makita. Baka lang makalimutan niya na ako 'yong gusto niya. Baka may makilala siyang iba tapos hindi niya na ako kulitin tulad ng dati.

Matutulog na sana ako pero biglang tumunog 'yong phone ni Miguel kaya tiningnan ko agad 'yong text.

Migueeeel! Sorry kakatapos ko lang mag-review. Ito sched ko . . .

Binasa ko 'yong sinend niyang schedule at napatango ako.

Binalik ko na kay Miguel 'yong phone niya at saka ako natulog. Kinabukasan, maaga akong gumising at nag-ayos para dalawin si Tam sa department nila dahil nakalagay sa sched niya na vacant niya ngayon. Madami ring nagkalat na students dito sa department nila at kanya-kanyang aral talaga sa mga nadadaanan kong laboratory and classroom.

Natigilan ako nang makita ko siyang may kasamang lalaki. 'Yong lalaki pa mismo may dala nung mga gamit ni Tam kaya natawa na lang ako nang mahina.

Of course, she'll meet someone new. Oh. scratch that. She already did.

Why did I even expect her to stick with her words? It's not like I agreed to be his boyfriend anyway.

Sino nga ba naman ako? Kaibigan lang naman ako ng kapatid niya.

Hindi ko na tinuloy 'yong paglapit kay Tam at bumalik na lang ako sa dorm namin para magpahinga.

Another year had passed, it's now my 5th year in college. Naging partner ko si Chela sa thesis and we've spent a lot of time together because of that.

Chela's really a nice girl. Sobrang ideal niya. Ngayon ko lang nakita 'yon sa kanya dahil kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya since first year college kami. Pero simula no'ng siya ang maging partner ko siya sa thesis, I started to like her.

On our graduation day, I asked her to be my girlfriend and she said yes.

That night, I received a call from Tam.

"Hi, Ress! Pumunta ako kanina sa graduation mo pero sumilip lang ako. Hindi rin ako nagtagal kasi sobrang busy talaga. Hindi tuloy kita na-congrats! Pero ito naaaa! Congrats, Ressler! Omg konting kembot na lang magiging architect ka na! Good luck sa apprenticeship!"

I wanted to tell her that I was waiting for her the whole day, but I didn't. I already have a girlfriend. There's no way in hell I'm going to cheat on my girlfriend with my best friend's sister.

"Thanks, Tam. Good luck rin, graduating ka na next year."

"Oo nga, eh! Excited na ko tapusin 'tong Medtech para makapag-aral naman ako ng Architecture!"

Agad akong natigilan.

"Ha?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"My God, Ress! Nakalimutan mo na ba? Sabi ko naman sa 'yo susundan kita eh. Although late ako ng konti, okay lang! At least magiging architect pa rin ako pag natapos ko rin Arki!"

Wait.

What?

I thought she already had a boyfriend?




Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon