Book2 ~ Hiling ~ 13

ابدأ من البداية
                                    

Sa bawat palo nito ay napapahiyaw maging ang mga mamamayan ng Atmos. Hindi sila pabor sa nangyayari. Hindi lamang sa katawan ni Leo tumatama ang latigo. Nagkalat ang dugo at malalaking sugat sa buong katawan niya, maging sa leeg at mukha ay meron din siya.

He cannot fight for he is tied around a pillar. And I know for a fact that even his hands are free, he won't fight back to his father.

"Hindi magtatagal mawawalan ng lakas si Leo. Kailangan mo ng magdessiyon Esmé." Untag ni Sergine nang tuluyang maglaho sa salamin ang mukha ni Leo.

"H-hindi ko kayang magdesisyon ngayon. Kasal ako kay Orion, sa kanya ang cosmos." My mind fights my heart. Hindi magkasundo ang dalawa.

Si Leo ang tunay na Hirang. Siya ang totoong nagmamay-ari nito.

"Hahayaan mo nalang bang magdusa ang kapatid ko dahil lang sa pagmamahal niya sa'yo. Pagmamahal na hindi mo kayang suklian. Pagmamahal na ibinigay niya sa iyo noon pa man. Pagmamahal na dapat mong suklian."

Muling bumalik ang hiyaw ni Leo. Mas malakas sa pagkakataong iyon. Mas masakit.

I could almost feel his pain. I cannot take this anymore. I bowed my head and thought it through. Alam kong si Orion ang dapat na magmay-ari nito ngunit hindi ko naman kayang hayaan nalang si Leo nang ganito.l

"Pumapayag na ako."

Sergine's face lifted up. Lumiwanag ang paligid niya at nakita kong bumulong siya ngunit masyadong mahina para marinig ko.

"Pumapayag na akong ibigay kay Leo ang Cosmos." I had to say it again. Kailangan kong masiguro sa sarili ko na tama ang ginagawa ko.

"Isang hiling kapalit ang isa pang hiling. Isang pangakong tutuparin."

Inilabas ni Sergine ang kanyang kamay mula sa salamin. Tinanggap ko  iyon at dahil doon nakalabas ako sa silid at diretsong napunta sa kung saan naroroon si Leo.

Pigil-hingang sumigaw ang mga tao nang sakto sa akin ang hampas ng latigo ng hari. Ngunit napansin ng hari na naroroon ako kaya natigil niya ang daoat na gagawin.

Sandali lang akong tumingin sa kanya. May pagbabanta sa tingin ko na sa palagay ko'y agad niya namang nakuha.

Si Leo ang tinungo ko. His bare upper body is covered in blood and deeply opened wounds. Paano ba naaatim na saktan ng isang ama ang kanyang anak dahil lang sa hindi ito sumunod sa alituntunin niya?

"L-Leo..." I could feel my eyes starts to swell. "I'm sorry."

"E-Esmé, what are you--" natigilan siya. Malamang naisip na niya kung paano ako napunta roon. "That woman." He chuckled.

Paano niyang nagagawang matawa oa sa nangyayari sa kanya? Habang ako, nasasaktan at nakokonsensya.

"Bakit mo pa rin ginawa?" Tanong ko sa kanya. Paturan ang pagbabalik niya sa alaala ko kahit pa may kapalit na kasakitan.

"Alam mo na ang sagot ko d'yan Esmé. Malakas ka sa'kin eh." He smiled though I know its painful.

Napaisip ako sa lahat ng nagyayari. Hindi na normal mag-isip itong lalaking 'to. "Pwede mong piliin na huwag nang ibalik ang alaala ko.  Magaging perpekto ang lahat, para sa'yo, para sa Atmos, para sa lahat."

"At hindi perpekto para sa'yo? No way!" He smiled again. I could see he twitched as he smiles. May sakit na tumutusok sa kanya sa pagngiti niya.

"Nasisiraan ka na ba?! Ako nalang palagi ang iniisip mo! Ikaw dapat ang iniisip mo at hindi ako!"

Hindi ko alam kung bakit ako nagalit. Marahil nakokonsensya ako dahil hindi ko makayang suklian ang labis niyang pagmamahal sa akin.

"Walang ibang importante sa akin kung 'di ikaw lang Esmé. Ganyan magmahal ang isang Leo." Mayabang siyang ngumiti sa akin. Ngiti na alam kong may sakit sa kaloob-looban niya. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Naramdaman ko.

She's the Legendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن