la carta

369 7 0
                                    

Hacienda Gonzales
Noviembre 30, 2017

Mahal kong Heneral,

Ako'y labis na natatakot para sa iyong kahaharapin sa susunod na araw. Nawa'y patnubayan ka ng Poong Maykapal sa iyong kahaharaping digmaan na para sa ating bansa. Sana'y bigyan ka Niya ng katalinuhan, kalakasan at katapangan para sa nalalapit na labanan.

Naaalala mo iyong binigay ko sa iyo na puting panyo na may binurdang ngalan ko? Ipinabasbas ko iyon pagtapos ng misa kay Padre Sebastían, bago ko ibinigay sa iyo. Sana'y maging daan iyon para sa pagpapatnubay sa iyo.

Pilitin mong makauwi ng ligtas, mahal ko. Nangako kang pagbalik mo'y ikakasal tayo sa simbahan sa Manila, sa San Agustin. Gusto kong makita mo pa ako sa bagong baro't saya na bibilhin ni Mamá para sakin.

Magiging mas masaya tayo sa pagbabalik mo, mahal ko. Pilitin mong makauwi ng buhay at buo.

Lubos na akong nalulumbay mula noong araw ng iyong pagalis patungo sa Ilocos, at ikakamatay ko kung hindi ka na makakabalik pa.

Nagmamahal sa iyo,
Ang iyong munting prinsesa,
"Ayang"

Letters to the GeneralWhere stories live. Discover now