What the hell? Anong pakialam ko sa kanya? Kung ayaw niya sa akin, edi wag! At anong I volunteered to was the dishes? I would never do that! Kung pwedi lang iwan ko itong lahat ay gagawin ko! But I don't want to disappoint Dad.

Ginagawa niya ba akong mabait na tao sa mata ng mga kaibigan niya? Why would he do that? Bakit ba lagi siyang nakikialam?

Hindi ako mabait.

"Oh? Really? Why would she do that?" Maarteng tanong noong isang babae.

"You know politics. Maybe inutusan ng Daddy niya to do that? Publicity, huh?" Boses iyon ni Kiana.

She lost it. I officially hate her.

Dad would never use us for publicity. He will never use our money or anything we have for publicity. Why would he do that? To earn the sympathy and trust of the people? Dad doesn't need publicity to earn the trust of his people. He was just being himself that's why he earned all of it.

That's why he won. He won because the people trust him. He won because  the people think he is the best.

Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo ko sa ulo. You don't know what you're saying Kiana. Seriously? Anong nagustohan ni James sa babaeng iyon? Kung alam lang niya kung paano mag-isip ang isang ito. Hindi pa man kami masyadong nagkakilala, I knew from the moment I saw her sa plaza that she's a total bitch.

I don't judge. I just felt it that's why I'm talking.

"Governor Andranno is not like that Kiana. We are serving him for years at hindi niya ginagawa ang mga iyan. Nag volunteer lang talaga si Heanndra na gumawa dito ngayong araw. Whatever her reasons are, sa kanya na iyon. But it's not definitely because his Dad wants publicity." Seryoso na sabi ni Clicko.

It hit me. Hard.

Pinagtatakpan niya ako. Tinutulungan niya ako sa lahat ng ito it's beause he's working for my Dad. It's all because of Dad. Kahit obviously, ay naiirita siya sa akin pilit niya pa rin akong tinutulungan at sinasamahan dahil nagtatrabaho siya kay Dad. Pinagkakatiwalaan siya ni Dad at ayaw niyang mabali ang tiwala na iyon kaya ginagawa niya ang lahat para maging okay ako. Para maging okay ang lahat.

Nahila ang iilang hibla ng aking pag-iisip nang may marinig na mga yabag papalapit sa pantry.

Shit! It's Clicko for sure!

Mabilis kong kinuha ang mop sa gilid at nagsimula ulit mag mop sa sahig. Ilang sandali pa ay lumitaw nga si Clicko sa hamba ng pintuan na nakapamulsa ng mga kamay.

Tinaasan ko siya ng kilay at itinabi na ang mop na ginamit. I am done for today.

"I'm done." Pahayag ko at inayos ang sarili. Iginala niya ang paningin sa paligid na parang sinisigurado na natapos ko nga ang lahat.

"Hindi kasama sa trabaho mo ang paglilinis ng sahig dito." Aniya.

So? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Tapos na. Nalinis ko na. Anong gusto mong gawin ko? Dumihan ulit tong sahig?" Sarcastic kong tanong habang seryoso siyang tinitingnan. Kinagat niya ang pang ibabang labi bago yumuko.

"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Salamat sa tulong." Pinal kong sabi at saka tuloy-tuloy na lumabas. Napasulyap ako sa table kung saan nakaupo iyong mga kaibigan niya. They are looking at me na parang gulat na gulat.

What? Did I scare the shit out of them?

Tss. Umirap ako at agad na tuloy tuloy na lumabas sa station. Binati pa ako ng iilang mga pulis na nakakilala sa akin.
Nilabas ko kaagad ang cellphone ko at idinial ang number ni Kuya Commulus. I need to get out of here. Ilang sandali pang nagri-ring iyon bago niya sinagot.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now