Book2 ~Aftereffect~ 12

Magsimula sa umpisa
                                    

"Leo, okay ka na?" I asked him again. Pero tumango lamang siya.

Tatayo na sana ako pero pinigil niya akong lumayo. Hinigpitan niya ang yakap niya sa bewang ko.

"Before this all ends, I want to ask you something." He didn't even looked at me. Nanatiling nakasandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Ano 'yun?"

"May naramdaman ka ba para sa akin?"

Napalunok ako sa tanong niya. Why all of a sudden? Hindi ako handa sa tanong niya.

How can I deny the feelings I felt back when I couldn't remember Orion? How will I know if I was the one who felt it or was is just because of the cosmos? I know for certain I felt something. I was happy. I feel complete when we're together.

"Minahal mo ba ako noong hindi mo siya maalala?" He asked me again. More precise this time.

He distance himself and held my hand. "Kahit anong mangyari, tandaan mo. Ikaw ang pinili ng puso kong mahalin habang buhay."

He kissed my hands. "Im all yours Esmé."

I can't help to see him like this. Offering himself to me like it would be his end if I won't take him.

Naaalala ko na ang lahat. Naaalala ko na si Orion. Pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko para kay Leo. I balled my fist trying to conceal my feelings. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko. But I'm afraid that if I say it, I won't be able to take it back.

I'm being unfaithful to my husband and cruel to the man in front of me.

Ayoko siyang paasahin. I am married to Orion. I love Orion but Leo...

I gulp trying to organize my thoughts.

Napabalikwas ako nang marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto. Iniliwal niyon ang hari na galit na galit. Nanlilisik ang mga mata niya. Pinipilit kong tumayo pero mahigpit pa rin ang yakap ni Leo sa akin.

"Nandito ang hari. Leo, tumayo ka na." Pagpupumilit ko sa kanya pero wala pa rin siyang sinasabi.

"Lapastangan ka!" Galit na bulalas ng hari. "Wala ka nang ginawang matino!"

He lifted his hand as Leo's body follows. Umangat sa ere ang katawan ni Leo. Hindi siya makagalaw. Hawak ng hari ang buong katawan ng anak niya.

"Hindi ko alam kung nagkamali ba kami sa pagpapalaki sa'yo o talagang wala kang balak na respetuhin ang lahing kinabibilangan mo!"

Sa galit ng hari, naibalabag niya ang katawan ni Leo sa dingding malapit sa apoy. I hurriedly jump to Leo but the King's powerful force didn't let me.

"Huwag ka makialam Alamat." Madiin na utos sa akin ng hari.

"Huwag niyo po siyang saktan. Wala siyang ginagawang masama." Halos magmakaawa ako sa hari. Liban sa pagbalibag niya kay Leo ay tila pinipiga niya pa ito. Bawat sigaw ni Leo ay tila balat na pumupunit sa sakit.

"Wala kang alam sa ginawa ng magaling kong anak, Alamat."

Pinipilit kong lumapit kay Leo kahit pa hawak pa rin ako ng kapangyarihan ng hari. Tumigil lamang ito nang pumasok ang dalawang kawal at kinuha si Leo.

"Saan niyo siya dadalhin?" Hindi nila ako sinasagot. "Teka! Sandali lang!" Halos matapilok ako sa kakahabol sa kanila. Pero lumilipad sila nang bahagya kaya hindi talaga ako makahabol.

Sa paglabas nila kay Leo sa pintuan ng kwarto, humarang ang hari sa daraanan ko. "Mananatili ka muna sa silid mo hanggang sa sabihin ko."

"A-anong gagawin niyo kay Leo?" Lakas loob kong tanong. Nananatiling nakatitig ang hari sa akin. Para bang may hinahanap sa akin.

"Mapaparusahan siya sa harapan ng lahat." Tumalikod ng hari at alam kong isasara niya ang pinto. Hindi ko pwedeng hayaan nalang na mangyari ang kaparusahan kay Leo. Kailangan kong manindigan.

"Para saan? Hindi siya naging masama. Lahat ginawa niya para sa akin. Mahal niya ako. Hindi ba't iyon naman ang nais ninyo?"

Hindi ko napigilang sabihin ang nasa loob ko. Alam kong matitigilan siya kung sasabihin ko ang totoo. Ramdam ko noong una palang kaming nagkita ng hari na hindi sila magkasundong mag-ama.

Humarap siya sa akin. Galit ang nasa mukha niya. Galit sa kalapastanganang pagtatanong ko sa kanya.

"Mahal mo ba ang anak ko?"

Napalunok ako nang itanong niya iyon. Alam kong nagpipigil lang ang hari pero alam kong gusto na rin niya akong ibalabag sa dingding.

Hindi ako nakasagot. Hindi buo ang nararamdaman ko para kay Leo. Hindi kasi tama, alam ng puso ko na mali na mahalin ko si Leo gayong si Orion ang laman niyon.

"Tulad ng bali-balita. Totoong may mahal ka ngang iba. Hindi ko alam kung kasalanan ba ng anak ko dahil hindi ka niya pinuntahan kaagad o kasalanan mo dahil nagmahal ka agad ng iba."

Sa pagkakataon iyon hindi na ako humabol pa sa kanya. Guilty ako sa sinabi niya. Totoong may nagmamay-ari na ng puso ko at hindi iyon ang anak niya. Isinara niya ang pintuan at naiwan akong mag-isa.

Bakit ngayon pakiramdam ko kasalanan ko pa ang lahat? Kailan pa naging kasalanan ang magmahal?

Hindi ko maintindihan ang hari sa kung anong gusto niyang mangyari. Pero ayoko munang isipin iyon. Mas mahalaga na napuntahan ko si Leo. Hindi siya dapat maparusahan dahil lang nagmahal ako ng iba. Hindi ko pwedeng hayaan nalang namasaktan siya. Kailangan ko siyang tulungan.

Tinungo ko ang pintuan. Makailang beses ko iyong sinubukang buksan ngunit tila sarado iyon mula sa kabilang banda. Kailangan kong makahanap ng ibang daraanan. Hindi ko puwedeng hayaan nalang na maparusahan si Leo.

Nagtungo ako sa bintana. Halos mapaurong ako nang makita ko kung ganoon kalalim ang bangin na naroroon. Walang paraan para makalabas ako roon at kahit meron pa ay hindi ko kakayaning lumabas. Ikakamatay ko kung nagkataon.

Isang paraan nalang ang naiisip ko. Kailangan ko ng tulong. Kailangan kong makausap si Sergine.

 Kailangan kong makausap si Sergine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's the LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon