Chapter 9

509 15 2
                                    

Kieth's POV

Kainis! Porket Desesiete lang ako hindi na ako pwedeng bumasa ng mga ganoong kwento?! Aba peste! Kung gusto lang naman niyang basahin yung Romance na yun, sana sinabi niya o 'di kaya ay nagpermiso siya na hiramin yun! Hindi lang yung basta-bastang hahablotin tapos babasahin niya o dikaya'y aakoin niya.

Siyempre sa akin yung libro! Sinabi ko lang sa kanya na hindi yun sa akin baka sakaling isauli niya pero, t*ngina! Hanggang sa pauwi ko nalang bahay ni hindi nga niya ako gaanong kinibo kanina isasauli pa kaya nung libro?

Isa pa, ano bang masama dun sa binasa ko? Porket medyo may pagkalaswa yung cover, bed scene na kaagad ang laman? Di ba pwedeng love story lang? At bakit naman niya kunin yung binabasa ko? Syempre naalimpungatan na ako kanina. E, ano bang gagawin ko nung naglaandian sila kanina? Pupuri? Tatawa? Magpagulong-gulong sa kakiligan? Iuuntog ko sila sa mesa hanggat magkakamnesia sila? O kaya'y saksakan ko sila ng tinidor? O kaya papatayin? O ililibing ng buhay. Shocks! Bat naging brutal 'tong isip ko.

Pinaghirapan ko lang yung libro na yun para mabili ko lang tapos, kukunin lang niya?! Aba langya pala yung kupal na yun ah! Hindi naman ako kagaya ng ibang mga babae na manonood ng kalaswaan sa mga cellphone nila like duh! Sobrang inosente ko pa. Slight lang! Hahahhahaha!

Syempre kanina sa klase hindi ko siya pinapansin nung nagkaroon kami ng partner activity. Malamang sa malamang nagkikibuan kami nung pagsasagot noong activity at talagang hindi kami nag-uusap.Aba!dapat muna niyang isauli yung libro. Nung nakahanap ako ng tiyempo dahil umalis siya sa upuan niya, agad kong hinanap yung libro at nakita ko sa kanyang bag kaya kinuha ko. Nagbabasa na ako run pero bwesit! Kunin daw yung libro tsaka inuupuan niya?! Syempre hindi ko kinuha, eh ikaw kaya mo bang kunin?!

Nandito ako ngayon sa may veranda at umiinom ako ng hot choco saka nandito rin si kuya dahil trip lang daw niya.

"Oh bat ang bad trip mo ata? "Nagtatanong pero nakatingin sa cellphone. Putik! hangin lang ang kausap?

"Pakialam mo."pagsusungit ko sa kanya. Eh paano ba hindi ako mababadtrip kung nandoon ni Gravim ang libro ko? Aish! Kapag naisip ko yung libro baka mas lalo akong maiinis!

"Kailan ka pang natutong magpipilosopo? "Aish! Ano bang klaseng tanong yan? Papagalitan na naman ba niya ako? Hindi ba siya nagsasawa? Tsk. Buti pa yung mga boyfriend ko nagsasawa na eh si kuya, nagstatay pa rin. *sigh* Sana kaparehas ni Kuya yung boyfriend ko, hindi madaling magsawa. Eh kung si Kuya nalang kaya ang iboboyfriend ko? Yuck! Nasusuka na akong isipin! Sakit sa brain ko te!

"Since now? When I was six? 12?15?I don't know."kibit balikat kong sagot sa kanya.

Napabugtong hininga nalang si Kuya tsaka pumasok sa loob dahil binibisita na raw siya ng kanyang kaibigang antok. Eh di mabuti!

"Jammie before 8:30 pumasok ka na. Sige good night"he tap my head and he went inside. Hala! Daya ni Kuya! 8:00 na kasi eh. Tsk! 30 minutes lang pala ang natitira ko.

Tinanaw ko ang langit at namamangha ako sa ganda ng mga bituing walang sawang kumikislap. Sana naging bituin nalang ako para malaya ako sa lahat ng mga problemang dinaranas ko. Teka? Anong problema? Wala naman akong problema ah.

Biglang my shooting star na napadaan. Kaya hindi ako naghihiling. That shooting star was just a meteor. Tsk! Alam mo ba yun? Yung bata ka pa naniniwala ka na sa shooting star but one day nalaman mo nalang na hindi sila nagtutupad ng wish dahil hindi naman totoo na nagpapatotoo ng hiling ang meteor eh.

Pinagmasdan ko nalang ang langit at inilagay ko ang ang aking mga braso sa mesa saka ginawang unan. *sigh*nakakagaan sa pakiramdam ang mga bituin parang lahat ng school activities ay nalilimutan mo rin. Maisip ko nga lang ang isang assignment sumasakit na ang ulo ko, ano pa ba ang mga activities gawa ng tig sasampung bondpaper sa bawat subject eh di NGANGA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GIRFALYSYLUWhere stories live. Discover now