chap 40- Hemelvuur gang

Magsimula sa umpisa
                                    

pati itong lima ay napakunot ng noo at napatingin kay Lucien. si Mikhail naman ay prenteng nakasandal lang sa isang bakod.

may alam din ba siya?

"wala kaming kaugnayan sa kanila." sagot naman nitong Nickolo

"anong tungkol sa Scorpions, Lucien?" hindi na nakatiis na tanong ni Yvan.

napatingin din ako kay Lucien. umiwas siya sa tingin ko at saka bumuntong hininga.

"wala. wala iyon. pasensya na. kaninang tinignan ko kasi ang mga larawan saka ko lang napansin na iyong apat na grupo na gang na pinabagsak nila ay pare parehong may tatoo ng Scorpions." paliwanag niya.

tsk. so pati pala sina Marco ay taksil sa grupo namin. kapag kasi gang ka sa The Dragon ay hindi ka na pwedeng maging underling ng ibang mafia.

"tsk.tsk. sabi ko na nga ba at walang loyalty yang si Marco eh." iiling iling na sabi ni Kira.

tss. akala mo naman naisip niya talaga iyo--.

WHAT THE!

napatigil ako sa pagiisip ng may isang kunai na dumaan sa gilid ng mukha ko. bumaon naman iyon sa puno na nasa likuran ko. muntikan pa ngang matamaan iyong kanang pisngi ko. pero alam kong hindi talaga ako balak patamaan ng kung sino mang naghagis niyon.

lahat kami ay napatingin sa taong naghagis niyon. hindi ko alam kung anong hitsura niya dahil sa ninja costume nila. mga mata niya lang ang nakikita ko.

kumulo naman ang dugo ko dahil sa nanghahamong mata niya.pssh.

"mag uusap na lang ba kayo jan?" mayabang na sabi noong lalaking katabi noong naghagis sa akin ng kunai.

"tch." si Lucien. alam kong naiinis na rin itong isang ito kaya sisimulan ko na.

mabilis akong humugot ng isang kunai sa may jacket na suot ko at ihinagis sa gawi noong taong naghagis sa akin kanina.

pero mas lalo akong nainis. he just slapped it using his left hand!at nahulog na lang iyon sa paanan nito.

naningkit ang isang mata nito kaya sigurado akong nakangisi ang isang ito.

tch!patataubin kita!

napasipol si Jace. at nag inat inat. ganoon din iyong anim.

"simulan na to!" si Icen.

MISSA'S POV

"simulan na to!" sabi ni Icen

woooohhh!!sa wakas naman ay magsisimula na sila!ang tagal kaya!nagtsismisan pa kasi sila.

naandito ako sa isang tagong bahagi kung saan sila maglalaban. malayo ako sa kanila kaya malabong makita nila itong sasakyan ko.

kung paano ko nalalaman at naririnig ang mga sinasabi nila?simple lang. katulong ang mga miyembro ng Hemelvuur gang ay nagkabit kami ng mga maliliit na camera at microphone sa buong lugar.

hindi lang iyon ang mga ipinakabit ko sa kanila. may mga maliliit na bomba din doon. though hindi naman iyon ganoon kalakas sapat na iyon para makaputol ng mga bahagi ng katawan.

dalawang malaking sira sirang factory ang nandito. sa pagkakaalam ko ay dati ito pagawaan ng sapatos at bag. at dalawang bodega din ang nandito.

parehong malalaki ang mga building na iyon.tamang tama para maging battle field ng dalawang grupo. wahahaha. ibat iba ding mga device na ipinalagay ko doon. sa rooms. hallways.ebriwer.

may mga gawa akong devices na ibinigay kay Lucien kahapon. at sinabi ko rin sa kanya kung kani kanino niya iyon ibibigay sa mga D.E. at bahala na ang mga Hemelvuur gang kung paano nila mapapapasok sa kanya kanyang building iyong mga D.E. madami naman sila eh.

THE RISE OF THE DRAGON EMPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon