CHAPTER 23

3.1K 80 0
                                    

CHAPTER 23

BINABAGTAS nina April at Hans ang daan patungo sa timog na bahagi ng Kamaynilaan. Kanina habang nasa south expressway sila ay hindi sila nag-iimikan. Tahimik na nagda-drive si Hans ng kanyang Cayene, Porche. Miminsang tinitingnan ni Hans si April na parang binabantayan ang kanyang kalagayan.

“Are you alright, April?”

“Yeah, I’m ok.”

Yun lamang ang isinasagot niya kay Hans. Less than an hour lamang ay nag-e-exit na sila sa expressway. Pero nang bago sila makarating sa Tagaytay ay lumiko sila sa isang daan na ngayon lamang nakita ni April. Madalas siyang magtungo sa south lalo na nang estudyante pa lamang siya sa Ateneo  dahil paborito niyang magtungo sa Tagytay at sa Lucban, Quezon pero ngayon lamang niya napansin na may ganitong daan doon. Nakita niya ang automatic gate na nagsara roon pagkatapos. Napagtanto niyang may electronic gadget na nag-match sa sasakyan ni Hans at ng gate kaya ito kusang nagbukas. At ang higit na nakapagtataka, ay inabot na sila ng isang oras sa kakabiyahe sa nasabing kalsada ay hindi a rin sila nakakarating sa kanilang dapat na puntahan. At kanina pa niya  pinagmamasdan ang lugar—mapuno iyon na karamihan ay mga puno ng niyog, pero kung susuriing mabuti napakakapal ng mga halaman at parang ngayon lamang niya napagtantongnapaka-diverse ng Pilipinas sa iba’t-ibang mga halamang kanyang nakikita. Sari-saring halaman na ngayon lamang niya ito nakita sa tanang buhay niya. Mga mga ibon na may iba’t-ibang kulay. At miminsan ay may mga wild cats din siyang nakikita. May ibang hayup din siyang ngayon lamamg niya nakita. Hindi niya namalayan ang mag-iisang oras na biyahe niya dahil naaliw siya sa paligid. Animo ito isang paraiso na ngayon lamang niya nakita. Minsan ay may mga batis at maliliit na falls siyang namamatyagan. Pero kahit na ganoon ang paligid, ang kalsada ay maganda at passable. Mas maganda pa kaysa sa pagkakasemento ng kalsadang binabagtas nila sa kasalukuyan kung ikukumpara sa south expressway.

          Tuluyan nang napapanganga si April sa kanyang nakikita. Namamangha.

“Do you like it?” nakangiting tanong ni Hans sa kanya.

“Very… Very much,” sagot niya habang patuloy na tumitingin sa paligid na parang ayaw palampasin ng kanyang mga mata ang lahat ng tanawin na kanyang naikita.

“I didn’t know na may ganitong lugar.” Bumaling siya kay Hans.  “Ano’ng lugar ito?”

“You will know later. You’re safe, April. I’m here.” Tumingin ito sa kanya na nakagiti ang mga mata. Para na naman siyang nasilo sa nakakaakit na tingin ng lalaki. Hindi pa rin niya nakakasanayan ang ganoong gesture nito.

Pagkaraan ng ilang minuto ay naging animo zigzag na ang kanilang dinadaanan. Umaakyat sila sa isang bundok. Ganoon pa man ay hindi siya nakaramdam ng takot dahil maganda at may kalaparan ang kalsadang kanilang dinadaanan. At ang ipinagtataka niya ay wala ni isa siyang taong nakikita roon. Patuloy pa rin siyang naaaliw sa magandang tanawin na kanyang nakikita.

Sa pinakadulo ng kalsadang kanilang dinaanan ay huminto sila sa malaking black gate. Mataas ito at higit pang mataas ang gate na ito sa pinakamataas na punong nakita niya sa paligid.

Ngayon lamang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko.

Namangha rin siya sa disenyo ng gate. Para itong katerno ng mga gates noong Medieval period sa Greece. May dalawang  malaking columns sa magkabilang dulo nito. Very intricate din ang disenyo nito na sa tingin niya ay yari ito sa makapal na bakal. Ang kataka-taka rito ay ang magkahalong disenyo ng Parthenon of Greece at ang gothic design ng Notre Dame sa Paris. May dalawang malaking gorguiles sa taas ng dalawang columns.

          Unbelievable.

          “Hans,” nang hindi na niya ma-contain ang kanyang nakita at nasasaksihan sa kasalukuyan. “Where are we? What’s going on? Ang sabi mo ay pagdating natin sa  bahay niyo sa Alabang para kunin ang sasakyan na ito ay pupunta tayo ng Tagytay. Obviously, we are not in Tagaytay.”

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang