CHAPTER 22

2.9K 84 2
                                    

BOOK 2   

CHAPTER 22

SA BUROL ni Don Patricio Sandejas, lahat ng kilalang tao sa loob at labas ng bansa ay nagdagsahan. Sa Sandejas Peak Resort na matatagpuan sa bulubunduking parte ng Morong, Bataan naroon ang mga labi ni Don Patricio. Ang urn na kung saan naroroon ang kanyang abo ay nasa mataas na bahagi ng resort. Naging mistulang salo-salo iyon ng lahat ng mga mayayaman at sikat na nilalang sa buong mundo. Lahat sila ay naka-all-white. May ilang mga foreigners mula sa North and South America ang naroroon, pati na sa Japan at China at ilan pang mga bansa kung saan may koneksiyon at subsisidiaries ang Peak Industries. Festive ang mood ng burol na iyon ni Don Patricio. Sabi ni Hans Sandejas ay ganoon ang habilin ng kanyang ama. Ayaw raw nito ang malungkot bagkus ay dapat na  masayang pagsasalo ng mga kaibigan at business associates nila ang dapat maganap sa kanyang burol. May classical music pang nagmumula sa grand piano. Puno iyon ng sari-saring at naggagandahang white flowers. At sa palibot ng resort na ito, sa mataas na bahagi ng Morong ay matatanaw ang view ng dagat ng Bataan na siyang nag-uugnay sa China Sea.

          Dapit-hapon na iyon, at sa di-kalayuan ay makikita ang araw na animo dambuhalang gintong kumikinang na kung iyong pagmamasdan ay parang abot-kamay lamang.

          Sa pinakaharapan ay naroong tahimik na nakaupo si April—pinagmasdan ang magandang tanawin  at ninanamnam ang na simoy ng hanging nagmumula sa karagatan.

          Saglit siyang napapamasid sa mga taong naroroon na lahat.Sumagi sa kanyang isipan—na kung lahat ba ng mga bisitang ito ay mga bampira? O may mangilan-ngilan lamang? Paano ba ang buhay ng mga bampira? Sila ba’y masaya? Sila ba’y malulungkot na nilalang?

          Kapag nagpakagat ka na’y wala ka nang magagawa. Marahil tama nga ang sabi nila; kahit saan ka magtungo sa mundong ito, ikaw ang lilikha ng sarili mong kaligayahan, hindi ang iba. Gaya ng magandang sunset na ito—ang iba marahil ay iba ang tingin dito. Kung ako’y hinihintay ko ang paglubog nito dahil ayokong mawala ito sa aking paningin dahil sa gandang-ganda ako, sa iba marahil  wala itong kabuluhan. Mas gusto pa nilang lumubog ito at hintayin na lang ang bukas.

          Kung kanya-kanya nga ang kapalaran, kanya-kanya rin ang kaligayahan.

          Inilibot niya ang kanyang paningin sa lahat hanggang sa makarating at ihinto niya ito kay Hans. Nginitian siya ng binatana kanya namang sinuklian.

          “April,” nakangiti siyang nilapitan ni Hans. “Are you okay?”

          “Yeah…”

          Tumabi si Hans sa kanya. May hawak itong isang kopita ng alak. Humiga saglit si Hans at kasunod noo’y bumuntonghiningang nakatingin sa papalubo na araw.

          Si April ang nagbasag ng katahimikan. “Hans, who killed him?”

          Napailing ito. “Not important.”

          “What do you mean?”

          “The way it happened, bampira lang ang puwedeng gumawa no’n.”

          “Don Alvaro?”

          “Who else? Siya lang ang kaaway ng Paps. Siya lang.” Ininom ni Hans ang natitirang alak, hindi inalis ang tingin sa kalawakan, sa papalubog na araw.

          Marahan ay ibinaling ni Hans ang kanyang tingin kay April. “Gaya ng mga tao, there are unsolved crimes. Ganyan din sa amin. That’s why we have to be strong—accept things, be happy always. Kahit sa mga imortal ay malapit  din ang kamatayan.”

          “Yeah, everything has an end…”

          “Precisely. But not me.”

          Natigilan si April sa sinabi ni Hans.

          “Hangga’t nariyan ka at hindi mawawala sa tabi ko, time should stop—wallow every bit of it. Ganoon kita kamahal.”

          Muli’y nakita na naman ni April ang aurang iyon ng isang ‘agilang’ nagpapasilo at nagpapasuko sa isang ‘sisiw’.

          Muling tumingin si April sa dambuhalang araw na papalubog na tuluyan nang nilamon ng dagat. 

SHARED  (Published under PHR Gothic)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora