CHAPTER 6

4.4K 126 7
                                    

CHAPTER 6

PINAUNA ni April ang driver na umuwi dahil gusto niyang mag-ikot-ikot muna sa Greenbelt. Ayaw niyang magkita sila ni Hans matapos ang nangyari sa kanila sa loob ng kuwarto ng kanyang opisina. Ang totoo, mula nang magkamulat siya at maging ganap na babae, wala siya talagang naging boyfriend kahit na marami ang nanliligaw sa kanya. Ang kanyang Tiya Fiona ay nagtataka rin kung bakit. Ito na rin ang tumutulak sa kanya na subukan niyang magkaroon ng nobyo kaya lamang ay may pumipigil sa kanya. Aminado siya sa kanyang sarili noon pa man na ang naging presensiya ni Luis sa kanyang buhay ang nananatili pa rin hanggang ngayon sa kanyang puso. Ganoon nga ba siya magmahal?

Pero matapos niyang makilala at magawaran ng halik ni Hans Sandejas ay bigla siyang naguluhan at pakiramdaman niya na kahit walang closure ang sa kanila ni Luis, gusto pa rin niyang hanapan ng katuparan ang makita siya—alamin kung nasaan siya at alamin kung may puwang ito sa puso ng lalaking una na niyang minahal kahit noong mga musmos lamang sila.

Dalawang oras din siyang nagmumuni-muni, bumisita sa chapel ng Greenbelt at pagkatapos ay nagtungo sa Jones, isang restaurant malapit sa garden at doon siya umorder ng light meal. Nang makatanggap siya ng text mula kay Hans ng ‘Where are you?’ ay hindi niya iyon pinansin. Tiningnan pang muli pagkaraan ng ilang saglit ang text upang siguraduhin niyang si Hans nga ang nag-text sa kanya. Pero hindi niya na lamang iyon sinagot. Akmang isasauli niya na muli ang cellphone sa bag nang mag-ring ito. Nag-flash ang pangalan ni Don Patricio roon. Dala ng pagkataranta niya, sinagot niya ang cellphone.

“Hello April?” mabilis na tanong ng matanda sa kabilang linya.

“Don Patricio? Hello?”

“What are you doing in Greenbelt iha? Umuwi ka na rito. Gusto mo ba akong pumunta riyan para may makasama ka?”

“Huh? How did you know I’m here?” nagtataka niyang tanong sabay baling sa kanyang paligid kung sino man ang naroon na baka may nagmamatyag sa kanya.

Natawa sa kabilang linya ang kanyang kausap. “Madali ko lang malaman. Napakalapit ng lugar na iyan rito. I know some of the security people in the area. The Ayalas are good friends of mine. And I called the driver, naka-park daw kayo sa Glorietta.”

“Ah… okay, okay po… Bye, I will be there in a while. Thank you po.”

“Okay,” sabay patay ni Don Patricio sa kanyang cell phone.

Habang naglalakad si April sa bridgeway upang magtungo na sa kinaroronan ng parking sa Glorietta ay hindi tumitigil ang mga tanong niya sa kanyang isipan—at isang palaisipan sa kanya ang kung bakit nararamdaman niyang gusto siyangbantayan atprotektahan ng isang taong ngayon lang niya nakita—si Don Patricio, isa sa pinakamayaman sa mundo at higit sa lahat ang pagdating ni Hans Sandejas sa buhay niya.

Mula sa passenger seat sa likod ng kotseng Volvo na kulay itim na kanyang sinasakyan ay bumaba siya sa harapan ng mansyon. Asisteng-asiste siya ng driver upang buksan ang pintuan, pero lagi niyang nauunahan ang matandang driver dahil hindi siya sanay na pagbuksan ng pinto ng kotse. Napapakamot na lamang ang driver na si Damian kapag nauuanahan siya nito. Lumaki kasi siyang napaka-indipendent sa piling ng kanyang Tiya Fiona.

Nang makalapit na siya sa dambuhalang pintuang iyon ng mansiyon at hawakan ang handle nito upang buksan ay hindi na siya nagulat nang bumukas ito nang kusa. Binuksan ito ng nakangiting si Aling Bella. Tahimik na nagpasalamat ito sa mayordoma. Ngayon lamang niya napansin ang kabuuan ni Aling Bella. Hindi naman pala ito katangkaran at wala pa itong five feet. Kaya marahil naiisip niyang matangkad ito ay dahil may katabaan ito at nangingibabaw ang pagkamagiliw nito sa kanya.

SHARED  (Published under PHR Gothic)Where stories live. Discover now