CHAPTER 20

3.1K 92 3
                                    

CHAPTER 20

HINDI siya mapakali sa kanyang higaan. Pagkaligo niya at matapos patuyuin sa blower ang kanyang buhok ay hindi na niya nagawang manood ng cable sa T.V. o magbasa man lang. Gusto niyang humiga pero hindi siya makatulog. Huminga siya ng malalim at sinindihan ang lamp shade sa tabi ng higaan. Nanatiling nakadilat ang mga mata, nag-iisip. At kahit iwasan na niya’ng isipin ang lahat ng nangyayari sa buhay niya ay pilit pa ring nagsusumiksik doon ang mga ito…

Mula sa kanyang pagkabata… Si Luis at ang kanyang tatay na si Sebastian… Ang pagkikita nila ng kanyang Tiya Fiona sa ampunan… Ang pagdating niya sa mansyon… ang pagtatagpo niya  sa mag-amang Patricio at Hans… Ang tungkol sa sinasabi nilang kanyang ama na si Dr. Ismael Saavedra… Hindi lamang isang teleserye ang kanyang buhay kundi isang walang katapusang palikula na kompleto sa drama, action, fantasy, paranormal, at love story.

Para sa kanya, pakiramdam niya ay malapit nang matapos ang dramang ito sa buhay niya. Pakiramdam niya sa isang saglit na pinili niyang mamatay at hindi magpakagat sa isang bampira ay tapos na ang iniisip niyang kuwento. At kapag nagkagayon—isa ba itong happy ending? Alin nga ba ang happy ending, ang piliin niyang mamatay bilang tao o ang magpakagat siya sa bampira? Kung matatapos naman ang kanyang buhay bilang tao, magsisimula ang buhay niya bilang bampira kapiling si Hans. At kung happy ending ang pag-uusapan, nasisiguru niya sa kanyag puso na magiging maligaya siya sa piling nito dahil ayaw niyang mawala sa kanyang buhay ang lalaki at pang habambuhay pa ito. Ang taging nakapagpapagulo lamang sa kanyang isipan ay—si Luis ba o si Hans ang laman ng kanyang puso?

Natagpuan niya ang kanyang sariling naglalakad sa hallway patungo sa hagdanan. Natigilan siya saglit, tumingin sa paligid. Sa ganda ng bahay—sa post modern style nito ay hindi niya lubos maisip na bahay ito ng mga bampira. Luminga-linga siya at sa kadiliman ng bahay na iyon ay nakadama ito ng kilabot. Humakbang siya patungo sa hagdanan. Naisipan lamang niyang lumabas ng kuwarto dahil wala siyang magawa at hindi siya makatulog. Gusto niyang lumabas ng bahay—magpahangin at kapag nakaramdam ng antok ay doon na lamang siya aakyat upang matulog na. Dahan-dahan ay bumaba siya ng hagdanan. Pero dagli siyang natigilan nang may marinig siyang musika na nanggagaling sa piyano. Napalingon siya sa lobby na tanaw niya habang bumababa ng hagdanan. Doon ay nakita ni April ang grand piano, hindi niya nakikita ang tumutugtog doon dahil natatakpan ito ng hood ng piano. At naisip niya, labas-masok na siya sa bahay na ito at laging sa lobby siya dumadaan pero ngayon lamang niya napansin na may piano. Pero ang higit na nagpatawag ng pansin sa kanya ay ang kasalukuyang tinutugtog ng naroon sa piano. Ang kantang kanyang paboritong “I Will Always Stay This Way in Love With You.” Ang nakatatak sa kanyang isipan ay ang version ng original na si Baron Barbers ang kumanta. Nagustuhan niya ang version ni Lea Salonga na siyang una niyang narinig pero nang marinig niya ang orginal nito ay lalo siyang na inlove sa kanta.

At dahil sa ganda ng musika ay naglaro sa kanyang isipan ang napakagandang lyrics nito…

Love, it needs just you and me to stay together

Even if there’s nothing more,

the best is there forever…

Love… we have to stay this way in love forever,

even if you change your ways,

I’ll always stay this way,

‘coz, I, I will always stay this way in love wth you…

I will always stay this way in love with you…

I will always stay this way in love with you…

SHARED  (Published under PHR Gothic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt