CHAPTER 4

5.1K 137 10
                                    

CHAPTER 4

KANINA pa si April sa corporate office ng Peak Industries. One hour earlier siyang naroon than the usual time na pasok ng mga empleyado. Nagulat ang ilan sa kanila dahil hindi nila inaasahan ang kanyang pagdating. Ipinakilala niya ang sarili bilang bagong secretary ng CEO na si Anselmo Hans Sandejas. Nagtaka ang dalawang secretaries  na sina Violet at Donna sa umpisa pero ang sabi niya’y for training siya at wala sa kanila ang ide-demote o tatanggalan ng trabaho. Hindi naman maiwala ang pagtataka ng dalawang sekretarya dahil para sa kanila ay sapat na sila para sa pangagailangan ni Hans Sandejas. Si Violet ay ang in-charge sa internal affairs. Ang mga appointments sa ibang departments ni Hans ay si Donna naman ay ang in-charge sa external affairs nito kasama na ang mga appointments niya sa board at sa lahat ng investors ng Peak.

“I think Mr. Hans Sandejas was instructed by Don Patricio Sandejas—I am for training for a position needed for research in their cosmetic business. Hindi pa ‘yata ito naitatayo. It’s still on its planning stage,” sabi ni April sa mga nagtatanong na empleyado.

“Then you are hired!” sabi naman ni Migo na isa sa mga brand managers na halatang may gusto kay April. Pinamulahan ng pisngi ng dalaga ang komentong ito. Nagtawanan ang mga empleyado.

“Pare, obvious ka naman. April, huwag kang basta-basta maniwala. Hindi lang nagsusuot ng wedding ring ‘yan!” sabi ni Andrew.

“Pare, wala namang mambubuko,” salo naman ni Sonny. “Ako single ako.”

Nagtawanan ang mga lalaki pati na rin ang iba pang mga empleyado.

“April, can I ask you something? Are you related to the Sandejas?” politely ay tinanong ito ni Violet.

Hindi nakaapuhap ng isasagot si April.  How would I answer that?

“Not really, Don Patricio hired me. Kilala siya ng Mom ko.”

“Hindi kasi uso ang palakasan dito. Everyone is qualified,” sagot ng isa namang sekretaryang si Donna na nakataas ang kilay. “No offense meant ha. I mean, wala ka rito ngayon kung hindi ka qualified. Hindi naging ugali ng mga Sandejas ang mag-hire nang basta-basta. Katunayan, wala ni isa rito silang kamag-anak. Everyone of us here is highly qualified at walang basta na lang ipinasok dahil kamag-anak at may backer. It is their policy. They hire good people that’s why the company remains on top. That’s one of their trade secrets actually. They really mean business,” may diin ang huling mga salita ni Donna na siyang una at pinakamatagal na sekretarya ni Hans.

Ikinagulat ni April ang matigas at straight forward na pananalita ni Donna dahil wala sa hitsura at aura nito ang pagiging mataray. Maamo ang magandang mukha nito peronatatakpan ng malaki at makapal na salamin. Hindi naisip ni April na ganoon kung magsalita si Donna. Malumanay itong magsalita pero prangka at walang preno.

Lahat sila ay nag-greet ng ‘Good Morning, Sir.’ sa pagdating ni Hans. Naki- ‘Good Morning, Sir’ na rin si April sa binata.

Hindi pa rin mapakali si April dahil nakaupo lamang ito sa tabi ng cubicle ni Violet na ibinigay nito sa kanya. Naiilang siya dahil walang nagbibigay ng instruction kung saan siya pupwesto, kaya mistula siyang nakasiksik sa mesa ni Violet. Ang sinabi lamang kasi ni Don Patricio ay pumunta siya roon at bahala na si Hans sa kanya. Maaga siyang nagising at kinatok siya ni Manang Bella para ipaalala ang sinabi ng don sa kanya: “You will report in the office tomorrow morning. Hans will take care of you. You will be under training for the cosmetic line.” Yun ang sabi sa kanya ng don kaya siya naroroon.

SHARED  (Published under PHR Gothic)Where stories live. Discover now