CHAPTER 38 - Dangerous Myrtle

Start from the beginning
                                    

Tawag tawag sya ngayon? Hmp! Bahala sya! >.<

Bumili kami ng mga snacks. Napagusapan kasi namin na magbonding sa bahay kaya tinawagan na din nila sina Paul at Euri.

"OO! PUMUNTA KA DITO DALIAN MO! PAPADALA KO PA SAYO YUNG MGA PAPER BAGS KO!" sigaw ni Antoinette tapos binabaan na nya ng phone si Euri

"Sigurado ba kayong magpinsan kayong dalawa? Mas mukha kasi kayong lovers" sabi ni Gwen at nilagay nya sa cart yung tatlong malalaking Nova

"Cousins lang kami noh. We're super close kaya ganun kami umasta" sabi nya. Binayaran na namin yung mga binili namin tapos sinundo kami ni Euri

"HOY ANTONYA! Ang lakas mong pagbabaan ako ng telepono ah! Kaya ka siguro iniwan ng BOYFRIEND MO!" sigaw ni Euri

Natigilan naman si Antoinette tapos tinignan nya ng ubod ng sama si Euri, "WHATEVER!" sigaw nya tapos pumasok sya sa loob.

"Wag ka namang ganun" sabi ni Gwen, "Broken hearted na nga yung tao eh"

"Eh kasi shunga sunga kasi eh. Aish! Bahala sya dyan!" sabi ni Euri. Pagkatapos naming ilagay yung mga plastic bag at paper bag sa convertible na halos di na magkasya, nagdrive na din si Euri papuntang bahay.

Dinala ko sila sa garden at nagpaalam akong magbibihis lang. Pagbaba ko, sakto naman ang pagdating ni Paul.

"BESTFRIEND!" tumakbo sya sakin tapos niyakap ako at hinalikan sa pisngi, "Kamusta na?" sabi nya. Ngumiti lang ako.

"Nasa garden sila" sabi ko at pumunta kami sa garden. Pagdating namin dun, nakaupo na sila. Si Gwen naman nakaearphone lang habang yung dalawang magpinsan, nagbabayangan pa din.

"PINAGPALIT NYA NGA KASI AKO! HINDI NYA AKO INIWAN DAHIL SA UGALI KO!" sigaw ni Antoinette

"KAYA KA NGA PINAGPALIT SA MUKHANG FIONA NA YUN! BAGUHIN MO KASI UGALI MO!" sigaw ni Euri

"BAKIT KA BA GANYAN?! NAKAKAINIS KA NA!" tapos umiyak si Antoinette

"EH KASI NAKAKINIS KA NA DIN EH! HINDI KA KASI NAKIKINIG SAKIN!"

"PAKI MO BA HA?! MAHAL KO YUN!" sigaw ni Antoinette. Nanahimik na lang si Euri at niyakap yung pinsan nya. Seriously, mukha talaga silang couple at bagay sila, promise *taas ng right hand*

Lumapit naman si Paul kay Gwen. Tinanggal nya yung left earphone ni Gwen tapos may binulong sya, bigla nalang namula si Gwen tapos binatukan nya si Paul.

So ako lang ang walang partner? Ahh, kasama nga pala si Elinia, nagshoshopping silang dalawa. Saya diba? =____=

Binuksan namin yung mga chichirya pati na din yung mga soft drinks.

"TRUTH OR DARE TAYO!" sigaw ni Gwen. Umayos naman kami ng bilog. Sya yung unang nagpaikot ng bote at tumapat yun kay Euri

"Truth or Dare?" tanong namin

"Dare na lang!" sabi nya. Nagisip naman si Gwen.

"Do sexy dance infront of your cousin!" sigaw nya kaya napanganga si Euri

"NO WAY! BAKA MAINLOVE SI ANTONYA SAKIN! ARAY! BAKIT MO AKO BINATUKAN?!?" sigaw nya kay Antonya este Antoinette. Nu beyen, napapa Antonya na din ako xD

"INLOVE INLOVE KA DYAN! Kamao ko gusto mo?" tapos pinakita ni Antoinette yung fist nya kay Euri. Tumayo si Euri at naghubad ng shirt. SHEEEEEEEET!!!! ANG ABS MEEEEEN!!!! 8 PACKS!!! *_____*

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O IWhere stories live. Discover now